VII

504 28 8
                                    

**

" S-Samuel.. "


Mabilis na pumunta sa direksiyon ni Alice si Dr. Samuel at hinatak ito papalayo kay Rey.

" Bumalik ka sa kuwarto mo! Hindi ba't sabi ko huwag kang aalis?!! "

Napayuko si Alice at niyakap saglit si Samuel. Agad na kumalma si Samuel at bumalik na sa kuwarto niya si Alice.

Nang makaalis si Alice ay isinara ni Samuel ang pintuan at lumapit kay Rey.


" Putangina mo Rey, wag mong tangkain pang kausapin si Alice.. Akin siya. At mapapatay kita.. "

Parang baliw na ngumiti ng demonyo si Samuel kay Rey. Hinugot niya ang syringe mula sa puting coat at agad na itinurok sa leeg ni Rey, dahilan para mawalan siya ng malay.

" Sa akin si Alice. Akin siya! "


Iniayos niya ang sarili at lumabas na. Tumingin tingin siya sa paligid, at saka dumiretso sa kuwarto ni Alice.

Nang lapitan niya ito sa kama ay napaatras ito. Nakita ni Samuel ang takot sa mata ng dalaga.

Napabuntong hininga siya. Lumapit siya at niyakap niya ang dalaga.

" Patawarin mo ako... " mahinang sambit nito kay Alice.

Niyakap ni Samuel ng mahigpit si Alice. Niyakap niya ito pabalik at sumagot.


" Hindi ko kayang magalit sa iyo.. " sagot niya at hinalikan sa pisngi si Samuel.

" Mahal na mahal kita Alice.. "


Nakadama ng kuryente at mabilis na pagtibok ng puso si Alice nang muling bigkasin ni Samuel iyon. Napangiti siya. Mabilis siyang nahulog kay Samuel dahil sa kabaitan nito at pagprotekta sa kanya. Ramdam niya kung gaano siya kamahal nito.

" Mahal din kita.. Samuel. "

Humiwalay sa yakap si Samuel at hinalikan ang dalaga. Agad silang tumigil. Nagsalita si Samuel.


" Inaayos ko na ang mga papel mo.. Makakaalis ka na dito. "

" Paano mo ginagawa iyon? Ilang araw pa lang ako dito.. Maniniwala kaya silang hindi ako isang baliw? "


" Ako ang bahala sa iyo Alice. Magtiwala ka sa akin. "

Tumango naman siya. Makakalabas na siya.


" Magsasama na tayo.. Dadalhin kita sa isang lugar na tayo lang ang makakaalam.. "

Tila kakaiba ang titig ni Samuel kay Alice. Parang gusto siyang kainin nito. Bakit parang may kakaiba sa kanya?


" Saan naman iyon? "

" Malalaman mo rin mahal... "


Ngumiti si Alice. Humalik siya sa labi nito ng mabilis.

" Samuel maliligo muna ako.. "

" Sige hihintayin nalang kita.. Bibili muna ako ng pagkain.. "


Nagpaalam na si Samuel kay Alice. Pumasok na siya sa banyo at sinimulang maghubad.


Maganda ang ospital na ito. Hindi siya basta bastang ospital. Tiyak na mamahalin dito base sa nakikita niya.


Isinara niya na ang sliding door. Binuksan niya na ang shower at naligo na.

Marahan niyang hinahaplos ang balat niya at dinadama ang lamig ng tubig. Naalala niya ang muntikang mangyari sa kanila ni Samuel. Nakadama siya ng init nang maalala niya ito..


Nagtagal pa siya ng ilang saglit.
Nang matapos na siya ay kinuha niya ang tuwalya. Pagkatingin niya sa sliding door ay nakakita siya ng gumalaw na anino at tila ba'y nagmamadali itong lumabas.

Nabahala si Alice at nakaramdam ng takot. Sino iyon? Paano siya nakapasok?!!


Lumabas siya sa banyo at nakitang walang tao ang kuwarto niya. Pasimple siyang sumilip sa labas ng pintuan. Wala siyang nakita kaya't isinara niya na ang pinto.


Nang tatalikod pa lamang siya ay may yumakap sa kanya ng mahigpit mula sa likod. Napasigaw siya.

" Aaaah!! " sigaw niya.

" Mahal ko, si Samuel ito."


Habol ang hininga niya. Nagulat siya dito.


" N-nandyan ka na pala! H-hindi mo manlang sinasabi.. "


" Nagtago lang ako para sorpresahin ka... "

Napangiti si Alice. Ngunit naalala niya ang tao kanina at tinanong niya ito.

" Ikaw ba ang taong pumasok kanina sa banyo? "

" Oo. " diretso nitong sagot.


" Bakit---- "


" I want to take you now Alice... "


Inamoy nito ang leeg niya at hinalikan siya doon. Naalala niyang nakatuwalya pa lamang siya.

" U-uhm... S-Samuel.. Magbibihis lang ako at tara na't kumain.. "

Bumitaw naman si Samuel at pinagbihis na si Alice. Pumunta pa ito sa banyo.


Tumaas ang gilid ng labi niya.


" Makikita ko rin iyan dahil pag mamay ari ko iyan. " mahina niyang bulong.


**

Obsession [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon