People call him snob or sa tagalog isnobero.
Matangkad, pogi, nakasalamin, matalino ( Valedictorian ng klase), maputi, at higit sa lahat gusto at pinapantasya ng mga kababaihan.
Yun nga lang. Eh!
* Snob * kung baga.
Hindi ko na alam, Oo! Gwapo siya totoo yun. Oo! Matalino siya. Oo! Mahal ko siya. Ang hindi ko lang talaga kayang tiisin ang pagiging isnobero niya.
Sa pagkakaalam ko ay nahagisan yata siya ng TnT sa gwagapuhan.
Kaso ako...
Ayoko na eh!
Pagod naako lagi na lang ako nagpapansin, kaso lagi naman niya ako ni re-reject. Minsan! Nga sana, hagisan siya ng TnT ulit eh. Hindi sa gwagapuhan kung hindi para magising lang.
Since, 3rd Year High School ako. Crush na crush ko na siya, parang the first day we met was love. Parang ganun ba?! Kaso, ako lang yun. Eh! Btw!... Na try ko na ngang, magbigay sa kanya ng sulat pero nilalagay ko sa locker niya parang secret admirer, na try ko ng magbigay ng pocket lunch, at higit sa lahat na try ko ng magbigay ng sulat sabay ng mag confess sa harap niya.
Tanga lang 'noh? Pasensya na... Nabobo na kasi ang ate niyo eh ayan tuloy nagiging shunga shunga na. Pagkatapos nun, wala parang walang nangyari pumasok lang siya sa loob ng classroom niya, at ako naiwan nakatulala sa may labas ng classroom nila. Kahit napakadaming taong nakatingin saakin, kahit ang daming nagbubulungan sa kahit saan ako magpunta dahil nga pinag tsi-tsismisan nila ako dahil sa ginawa ko. Wala lang saakin, pake ba nila?
Kaso natauhan lang ako ng, maka uwi naako sa bahay. Nag replay, lahat lahat ng ginawa ko that day. Grrr! I hate that moment, bakit ba kasi sa lahat ng lalaki 'dun paako nagkagusto? The Next day, pumasok padin ako. Tingin nyo a-absent ako dahil lang sa ginawa ko? No way!
Time ng math, wala akong maintindihan sa lesson. Hilong hilo naako sa mga pinagsasabe ni mam. Naka halumbaba na lang nga ako sa desk ko at nakatingin sa teacher ko.
" Marie! "
Ano bayang si Steff, makatawag naman eh. Kala mo hindi ako naglilinis ng tenga, para hindi marinig. Ayan! Tuloy napalabas kami sa klase, nakakainis naman.
" Kanina pa kita tinatawag, hindi ka manlang sumasagot. Ayan tuloy, napalakas tuloy ang pagkakasabi ko sayo ng pangalan mo at eto napalabas tuloy tayo. "
" Ano ba kasing sasabihin mo? "
" Nag text kasi saakin si nancy, nandun daw si Fafa Jeff sa may Canteen."
" O? Tapos!? "
" Wala ka man lang gagawin? "
" Bakit pa? "
" Wag mong sabihing, basted ka? "
" Lagi naman. Pagod naako, ayoko na. "
" Ay? Bruha ka, hindi pwede. "
" Ayoko ng umasa, marami na akong nagawa para sa kanya. Sobra sobra na, ayoko na. "
" Kung kailan okay na. Tsaka! Ka naman susuko? "
" Lahat ng tao may hangganan, ayoko na. And that's final... "
Eksakto naman ng pagkakasabi ko nun, tapos na ang klase. Pumasok naako sa loob ng classroom namin. Pagkatapos kaming pagsabihan ng teacher, nakakahiya pero mas nakakahiya ang lahat ng katangahan na ginawa ko para lang kay jeff nayan.
" It's time for lunch. " Sabi ni Steff.
Papunta na kami ngayon sa Canteen. Kasama ko si Steff, si nancy naman na sa canteen pa siguro. Dati kong classmate si Nancy, nalipat lang siya ng section.
BINABASA MO ANG
Mr. Snob (One-Shot)
Short StoryPeople call him snob or sa tagalog " ISNOBERO. " Matangkad, pogi, nakasalamin, matalino ( Valedictorian ng klase), maputi, at higit sa lahat gusto at pinapantasya ng mga kababaihan. Yun nga lang. Eh! * Snob * kung baga. Siya yung tipo ng tao na a...