Love Bus *A One-Shot Love Affair*

289 1 0
  • Dedicated kay Laura Jean Nacin
                                    

"May ticket ka na Miss?"

Nilingon ko yung konduktor. -___________-

"Pang-ilang tanong mo na yan?!" Angil ko sa kanya. Eh anak ng kutong-makati naman kasi! Ang dami-daming pasaherong dumadagdag dito sa bus pero ako lang yung tinatanong niya!

"Pasensya na ho ah. Ginagawa ko lang ang trabaho ko."

Sasagot pa sana ko nung lumakad na siya papunta sa likuran, yung may mga bagong sakay.

Aba't talaga naman!

Hinawi ko yung kurtina sa may bintana. Ayos, Padre Faura na! Tumayo ako. Buti nalang wala pang mga standing ovation dito.

"Hoy manong na konduktor!!!" Napahinto siya sa paniningil at saka humarap sakin.

"Ano?" Iritableng sagot niya. "Magbabayad ka na ba?"

Lalo lang akong nanggigil. Kalma, Eljey. Kalma!

"Nagtatrabaho rin ako. Pero ginagawa ko yun nang tama! Ikaw? Bilang mo ba kung ilan beses mo na'kong tinanong? Nakakainsulto lang kasi! Sinabi nang pinaabot ko dun sa katabi ko eh! Ayun---"

Tinuro ko yung katabi ko sa upuan.

O_________________O

Hala! Iba na'to eh. Kanina lalaki yung katabi ko. Ngayon babae na! At.. at.. at masama ang tingin niya sa akin ngayon. >_>

"Hoy Miss! Huwag mo akong dinadamay dyan. Kaka-upo ko lang dito noh! Naku pogi! Marami na talagang ganyan ngayon, may pambayad naman pero ang hilig mag-1-2-3."

UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!

Nararamdaman kong namumula na'ko all over. Owemji owemji owemji! Kill me nooooooow!!! Yung mga pasahero parang nag-eenjoy sa teleseryeng napapanuod nila eh. Arg!

"H-hindi.. Hindi n-naman kasi ito yung.. yung katabi ko kanina eh! At tsaka teka! Anong 1-2-3? HOY!!! For your information, MAYAMAN AKO!"

Umismid siya. Anak ng! Inismiran niya ko? Huhuhuhu.

"Miss, sa susunod kung ayaw mo magbayad.. mag-sabi ka. Nanlilibre naman ako ng.." Sinipat niya ako mula paa, paakyat yung tingin niya hanggang.. hanggang.. "..ng malalaki ang puso." Tapos ngumisi siya.

O___________________________O!!!

Tumigil yung mga mata niya sa dibdib ko!

"BASTOOOOOOOOSSSSSS!"

Hinugot ko yung wallet ko sa bulsa at saka sinupalpal sa kanya yung buong isang libo. Hah! Lokong to! Ako? 1-2-3? Mukha nila!!

Bumaba na'ko sa bus na yun at baka kung ano pang magawa ko. Antipatiko! Kala mo kanya yung bus eh! Kakagigil! Dapat talaga dinaan ko nalang muna sa talyer yung kotse ko eh. Kaya ang hirap mag-commute, lipana ang mga abnormal sa Pilipinas!

Pero.. well, tama yung Ateng katabi ko. May itsura nga ang loko. Okay, that's an understatement, pogi nga siya. Mukhang wala pang 18 yun e. Buti nakapasok bilang konduktor. Batang ama siguro..

Pwe! Bat ko ba iniisip yung bastos na yun?! Erase-erase-erase!!

Sumakay na ako ng jeep para makarating sa Circle Subd.. ng.. ng.. mag-vibrate ang phone ko.

"Miss Byutiful! Naiwan mo ata wallet mo, kasama ng mga identifications. May checkbook din! Pwede naman nating pag-usapan kung gusto mo pang makuha eh. Bibigay ko narin yung sukli mo. Saan mo ba gusto, Mcdo o Jollibee? Masarap yung chicken dun eh. Natikman mo na ba? - Chard, bus conductor."

Hindi ko alam kung anong unang poproblemahin ko. Yung bwisit na konduktor na yun at ang pwede kong magawa sa kanya pag kinuha ko yung wallet.. o yung pagsakay ko dito sa jeep ngayon nang walang pambayad. 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Teneeeennn! 

Salamat kay Czarina sa ideang ito. Pwede rin namang dugtungan, kaso tag-tamad. Hehe. Ang kwentong ito ay hango sa tunay na buhay. Charos!  

Love you, baby. ^^ Sana magustuhan mo!

- MissC. xx

Love Bus *A One-Shot Love Affair*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon