Prologue

2 0 0
                                    

"How dare you?!" Sabi sakin ng babaeng hindi ko naman kilala pero kung makahatak eh akala mo close kami. Tinaasan ko lang ng kilay si ate na feeling close.

"Excuse me, do I know you?" Sabi ko na may halong sarcasm.

"YOU SLUT!!!" Hinarap niya ko sakanya sabay buhos ng cocktail na hawak niya sa damit kong bagong bili ko palang kaninang umaga. -_-

Without a word, mga kamay ko na ang kumilos bago pa ko makapag-isip. Tutal eh tagtipid rin lang sa tela yung damit niya, hinila ko pababa yung tube niyang hapit na hapit kaya naman nagshowing lahat ng hindi karapat-dapat para sa mata ng publiko.

"Friendly tip, ingat ka sa binabagga mo girl." Sabi ko sabay dramatic exit.

At dahil nasira na rin naman ang gabi ko, might as well go home. Quota na din naman ako for the day eh.

***

"JULIANNE?! WHERE IN ZEUS' NAME HAVE YOU BEEN?!?!" Ugh. Pag minamalas ka nga naman oh. Nabuhusan na nga ng cocktail yung bagong damit ko, nahuli pa ko ng dad kong tumakas. -_-

"Just strolled around." Sabi ko nang ni hindi man lang tumitingin sakanya at dire-diretso lang sa stairs para umakyat sa kwarto ko.

Pero hindi pa ko nakakahakbang, hinatak na ko ni daddy.

"AND WHERE DO YOU THINK ARE YOU GOING, YOUNG LADY?! WHAT MAKES YOU THINK NA PWEDE MO NALANG AKONG TALIKURAN?! HINDI KA NAMIN PINALAKI NG MOM MO NA MAGING BASTOS HA!!!"

"Dad, I'm tired." Sabi ko sabay kalag sa pagkakahawak niya sa braso ko.

"Unless you explain yourself to me, the moment na pumasok ka sa kwarto mo, wag na wag kang makalabas labas unless I told you so!" Hindi na sumisigaw si dad na parang manok putak ng putak pero kalmado ang boses niya so I know I'm screwed.

But I don't give a damn. Sanay na ko sa ganito.

Sanay na kong ma-grounded, sanay na kong mabulyawan ng parents ko, at higit sa lahat...

Sanay na kong mainvolve sa cat fights with girls kapag nasa bar ako.

Bakit? Dahil isa akong flirt.

Siguro kong may trophy akong nakukuha sa bawat lalaking nakaka-flirt ko, malamang eh kulang pa ang room ko para ipunin ang mga trophy na yun.

At tila hobby ko na ang pakikipag-landian. Nag-eenjoy akong makipaglaro. Thrill-seeker din ako. Mahilig ako sa mga bagay na alam kong delikado peero ginagawa ko parin. I've done a lot of crazy, wild stuff. Lalo na kapag nalalasing ako. Mahilig din ako sa bad boys na sasakyan ang thrill na hanap ko.

In return? Straight singko ang grades ko, ilang beses na kong muntikang ma-debar sa university na pinapasukan ko.

This was the typical Julianne Zapata, anak ng famous ambassador na si Antonio Zapata. Born with a silver spoon, brat, nakukuha lahat ng gusto no matter what, party-animal, whatever na gusto niyong isipin about sa akin.

But everything changed after I met him.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon