Special Chapter

17 3 0
                                    

Author's Note: Special Chapter Dahil Mahal ko Kayo emz! Hahahah Enjoy Reading!

                    "Cassie's Pov"

Isang Taon na din nung Kinasal kami at Ngayon May 25 na naman at Yung Magaling kong Asawa Wala!

Ewan ko ba dun! Nakakainis yung Lalaking yun ngayon pa Naisipang Umalis!
Sayang pa Effort ko Mag Luto ng Pasta Ako lang din naman pala ang Kakain!
Mag Isa din ako dito sa Bahay namin
Yes! May Bahay na kami
Hindi ko nga Inexpect na yun Palang Pinagagawa ni Yvonne na Bahay ay Sa amin
Kaya pala ako ang Pinapapili niya ng mga Design,Etc.

Umalis ako ng Aming Kwarto At Pumunta sa Hapag Kainan
Pag Kapunta ko dun agad naman akong Naiyamot
Naiinis lang ako Naalala ko na Sayang yung Effort ko

Lagot talaga yung Lalaking Yun sa akin! Huwag na siyang Umuwi Naiinis ako sa kanya!

Umalis ako ng Hapag kainan at Nag Tungo sa Salas namin
Agad akong Umupo at Kinuha yung Remote para Buksan yung TV

Pinatong ko naman yung Paa ko sa Coffee table
Lilipas din itong Galit ko pag nanuod ako ng TV tama

Tumayo muna ako ulit at Kinuha yung Chicaron at Umupo na ulit ako

Nag Lipat-lipat ako ng mga Channel
Hindi ko Trip yung Palabas na Movie eh

Bored na Bored ako Habang Nag Lilipat ng Mga Channel

Napatigil naman ako sa Isang Channel Dahil na attract ako sa Ganda nung Bahay

"Kabit ka ni Attorney!"

"Hindi ako kabit! Dahil Ang Sabi niya Single siya at Walang Asawa!"

"Anong Walang Asawa?! Ako ang Asawa!"

Sinampal niya pa yung Babae kaya naman Lumaban yung Babaeng sinampal niya
Nag sabunutan sila Hanggang sa Nahulog sila sa Swimming Pool

Agad ko naman Pinatay yung TV
Dahil Hindi ko Nagustuhan ang Palabas

Napatulala ako at Napaisip
Hindi kaya......May Kabit si Eiji?

Baka May Kabit siya?! Lagi siyang Wala Tapos ngayon Wala siya! Anniversary pa naman Namin!
Sino naman Kayang Kabit? Yung Kayang Maharot na Babaeng Lagi na lang Siyang Pinupuntahan sa Office niya?!

Agad naman Nag Init yung Ulo ko

Wag na talaga siya Bumalik! Pag Katapos niya ako Pakasalan ganyan?! Kainis! Bahala siya sa Buhay niya!
Bwiset siya Itatapon ko mga Gamit niya!

Tumayo na ako Para Kunin Cellphone ko nang biglang may Nag Door bell

Kaya Pumunta ako sa Pinto para Buksan yun

Agad naman Bumungad sa akin si Ate Naomi at si Nozomi
Yumakap naman Kaagad sa akin si Nozomi

"Mommy!!"

Hindi ko alam Pero Pag kayakap niya sa akin Ay Naiiyak ako
Tumulo na yung luha ko

"Pasok kayo Ate Naomi"Ako

Pinaupo ko sila sa Sofa namin sa Sala
Agad namang Tumabi sa akin si Nozomi

"Mommy Why Are You Crying?"Nozomi

Bakit nga Ba? Ewan ko ba! Ang Moody ko nitong mga Nakaraan na Araw
Wala naman akong Period
Nababaliw na siguro ako? Huhu

"Namiss lang kita"Ako

Tapos Niyakap ko siya

Pero sa Katunayan kakikita ko lang sa kanya nung Nakaraan linggo
Hayyy Napaka Emotional ko na ata

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon