Her POVKanina pa naka upo at nakapila si Rose, inaabangan ang pagtawag sa kanyang pangalan, balak nyang pumasok bilang isang empleyado sa isang kumpanya sa manila, tatlo silang naghihintay at sa hula nya ay naiinip na din ang mga ito..
Naglilimang oras na, pero hindi pa din tinatawag ang kanyang pangalan, hindi pa sya kumakain ng umagahan dahil dalawang daan na lamang ang perang natitira sa kanyang pitaka..
" mga miss pasensya na, pero may natanggap na" sabi ng babae na hula ni rose ay ang sekritarya..
"ano ba yan sana sinabi nila ng mas maaga"
" hay naku masayang lang ang oras oo kakahintay dito" reklamo ng dalawa kong kasabay
"sige miss, salamat" yun na lang ang sinabi ko at nauna na kong umalis dahil yung dala ay panay ang reklamo..
Ng makasakay na ako sa elevator ay, nag isip isip muna ako kung anong dapat kong gawin sa araw na ito, at dahil sa lalim ng pag iisip ko hindi ko nalalayang may sumakay pala sa elevator..
Napapikit ako at napahaplos sa aking tiyan ng tumunog ito, hudyat na gutom na talaga ako..
" hay gutom na ako"
" ang malas naman ng araw na to" bulong ko
"miss? Okay ka lang?"
Mag fishball at kikiam na lang kaya ako, sakto may mga barya naman ako dito, kaylangan kong magtipid, pano na lang kong dipa ako matanggap sa mga pag aaplayan ko? sabi ko sa isip isip ko.
Nagising nalang ako sa pag iisip ko ng tumunog na ang elevator at bumukas, kaya lumabas na ako na parang walang nangyari..
His POV
Katatapos lang tumawag ni mama para pauwiin ako sa bahay dahil miss na daw nya ang gwapo nyang anak..
"good morning po sir" bati sakin ng guard at mga empleyado kaya tinatanguan ko na lang sila..
Nandito ako ngayon sa kumpanya ng kaibigan kong si Drein, para mangamusta lang, balita ko kasi nakipaghiwalay na daw sya sa magnanakaw nyang ex. Ang gago kasi, na bulag sa pag ibig, tatlong taon na pala syang ninanakawan ng ex nya.
Ting! *
Nang bumukas ang elevator ay pumasok na agad ako.
" hay, ano kayang pwedeng pang-inis kay drein? Hmm" habang nag iisip ako ay sakto namang bumukas ang pinto, lalabas na sana ng napahinto ako.. Parang bumagal ang lahat, sa bawat paglakad nya ay parang nagliliwanag, nagising na lang ako sa katotohanan ng nagsalita sya..
"hmm gutom na ako" bulong nya at hinimas nya ang kanyang tiyan.
Ha? Gutom?
"ang malas naman ng araw na to" malungkot na sabi nya at parang nag iisip pa.
Ngayon ko lang napangsin ang kanyang hawak na papel, nag aapply pala.
Kinuha ko ang cellphone ko at kinunan ko ng litrato ang kanyang resume..Rose Burgundy
Nang tumingin ako sa kanya ay nakita ko pang lumonok sya at humimas ng tiyan, haha gutom nga.
Ting!*
Saktong bumukas na ang elevator ay lumabas na din si Rose,
hmm rose, kasing amoy ng may ari ng pangalan na Rose.