Prologue
"Why are you always ditching them?!" Sigaw ni mommy na wala nang ibang ginawa kundi ang sigawan ako mula pagka-uwi ko galing sa site, sinundan niya ako sa kusina. "They are all well-known at may sinabi talaga sa buhay! Why don't you give it a try and go on a date with them?!"
Marahas akong napabuga ng hangin saka tamad na tumingin kay mommy, "I told you, I am not interested. At saka tigilan n'yo na ang kapipilit sa akin na pumunta sa isang blind date."
"Mace! You're already 26 and you're still single! Maganda ka naman, matalino, may pinag-aralan, bakit hindi ka pa mag-boyfriend?!"
Wala sa sarili akong napahilot sa sintido ko. Minsan na lang ako umuwi, ganito pa ang uuwian ko.
She's so into forcing me to go to a blind date. I won't be mad if she'll just tell me things and continue living her life, pero magagalit na talaga ako kapag pinagpatuloy pa rin ni mommy ang pakikialam sa buhay ko. Just like what she said, I am already 26, ako na dapat ang magdesisyon para sa sarili ko.
"For Pete's sake, I can handle myself." Pakiramdam ko ay biglang pumintig ang sintido ko. "It's just that I'm not up for marriage yet."
"Stable ka na naman sa buhay, anak. Hindi na kita pipigilan na mag-boyfriend." Pagpapatuloy niya.
Back when I was still in high school, she won't let me enter a relationship. Kailangan ay focus lang ako sa school at clubs, little she didn't know na nakakawala ang anak n'ya sa hawlang siya mismo ang gumawa.
"Ano na naman 'yan?" Kapwa kami napatingin ni mommy sa bagong dating. "Abot hanggang garahe ang ingay niyo." Dad entered the kitchen, inutusan n'ya ang isa naming katulong na kumuha ng tubig.
Kasunod n'ya si Kuya Kade na magulong magulo ang ayos ng tie. I could tell why.
"Why do you look so stressed, Mace?" Lumapit ako kay Daddy at humalik sa kanyang pisngi. He messed with my hair before looking at mom's direction. "Are you forcing Macy once again?"
Hindi naman agad nakasagot sa tanong si Mama. Alam n'ya kasing kapag si Dad na ang nagsalita ay wala na siyang magagawa.
"Let her be, Melissa. She knows what she is doing." Ipinaghila ni Daddy si Mom ng upuan at pilit siyang pinaupo. Sinenyasan naman ako ni Kuya na lumabas na ng kusina.
I immediately stormed out of the kitchen pero may pahabol pa rin si Mommy, "Fix yourself and change your clothes! We have guests tonight!"
Iritable kong ginulo ang buhok pagkapasok ko ng kwarto ko. Halos tuwing pupunta ako dito ay ganitong klaseng eksena ang bubungad sa akin. This is one of the reasons why I'd like to stay more on my condo unit in Manila than stay here, maaga akong tatanda.
Humiga ako sa kama ko at saka pumikit, I want to grab some sleep.
Hindi pa man nag-iinit ang likod ko sa kama ay may kumatok na sa pinto, she's one of our maids.
"Señorita, ipinapatawag na kayo sa baba ni Ma'am Melissa."
I stood up quickly and stretched my arms and back. Nandito na siguro ang mga bisita ni Mommy.
I glanced at my clock and figured out it's still 5:30 pm. Way too early for dinner, for me.
"Susunod na lang ako," I replied.
Dumiretso na ako sa banyo dito sa kwarto ko at naghilamos. I brushed my hair quickly bago iyon ipinuyod sa bun. I used some wet wipes to remove the excess dirt on my face.
Pagkatapos ay nagpalit na ako ng damit. I am wearing a plain pink shirt matched with a black oversized pajama. Pagkatapos kong makapagpalit ay bumaba na ako.
Siguro naman ay kilala ko na ang bisita nina mommy kaya hindi na ako nag-abalang mag-ayos. Matutulog na rin naman ako pagkatapos. And I am already beautiful kahit hindi na ako mag-ayos.
"Good evening," I greeted once I entered the dining hall. Kapwa nakatalikod ang dalawang lalaki at isang babae sa akin kaya hindi ko agad nasipat kung sino sila.
"Here's my unica hija, Macy Kassandra. She's an Engineer."
Umupo na agad ako nang ipaghila ako ni Kuya Kade ng upuan.
"It's a pleasure---" I froze when my eyes met his emerald orbs. He still looks handsome, yet cold. Kapansin pansin din na mas lumaki ang katawan n'ya. I cleared my throat and smiled. "It's a pleasure to meet you, Mr. and Mrs. Saavedra."
Their smiles grew wide when they realized I know who they are.
"I didn't expect you'll remember us," Mrs. Saavedra stole a glance at her son before looking at me once again.
"I don't have a bad memory Tita," I joked. Ngumiti lang s'ya lalo at hindi na nagsalita.
"How come you know them?" Takang tanong ni Mommy.
For my parents, this is my first time na makilala sila. They didn't know I already knew them years ago.
Naramdaman ko ang pasimpleng pagsipa sa akin ni Kuya Kade mula sa ilalim ng lamesa. I smiled at him as he shook his head in dismay.
"We are working on the same field, Mom. Normal lang na kilala ko sila." Palusot ko, which is true naman talaga.
Hindi na ulit napunta sa amin ang usapan at napalitan na ng tungkol sa negosyo. I eat my food silently kahit ramdam na ramdam ko ang nakakapasong titig ng nasa harap ko.
"Excuse me," tumayo na ako agad pagkatapos kong kumain. I don't have a reason to stay.
Pumunta ako sa garden at umupo sa isang kahoy na nakatumba. Siguro ay inaayos na naman ni Mommy ang garden kaya may nakatumbang puno dito.
Tumingala ako at tumingin sa mga bituin, kakaunti lang ang mga bituin kaya sigurado akong uulan mamaya.
"You're still the same as before." Rinig kong komento ng nasa likod ko. He's here.
"Of course, why would I change?" Hindi siya sumagot kaya lumingon ako parang tingnan siya.
Now that he is standing, marami akong napansin. Base sa kanya, walang nagbago sa akin. Samantalang sa physical appearance niya ay madami.
He's so tall and masculine. Bagay na bagay sa kanya ang suot n'yang business suit. I didn't know na babagay sa kanya ang ganyang pormahan dahil hindi naman s'ya ganito dati.
"How are you?' I asked when he didn't stop staring at me.
"Good." Simpleng sagot n'ya.
I nod my head. Hindi na ako nagsalita at tinitigan na lang din siya. Wala akong maramdaman na pagkailang dahil alam ko naman sa sarili kong matagal nang nangyari ang kung ano mang meron sa pagitan namin.
His red lips parted, may gustong sabihin. Hinintay ko ang sasabihin n'ya pero may biglang tumawag sa cellphone ko.
[Where are you right now?]
Napaismid ako sa bungad n'ya. "I'm here in my parent's house, didn't I tell you?"
Narinig ko ang mabigat na paghinga niya sa kabilang linya.
[I need you right now, baby.] His voice cracked, I could tell that he was about to cry.
Namilog ang mga mata ko nang marealize kung bakit. I stood up immediately, "I'll be there okay? Wait for me." I hanged up the call.
"You're leaving?" He asked.
"Yes," I answered quickly. "And if you'll excuse me," nakaharang kasi siya sa daan.
"Where are you going?"
"To my boyfriend," bigla na lang lumabas iyon sa bibig ko kaya hindi na nabawi.
Tinitigan n'ya ako nang mariin bago tumabi. "Go."
-
tonicitydolls
BINABASA MO ANG
Fuel of the Poison
Romance"I'm ready to die for you because I love you so much, but why does loving you hurt me sometimes?" AIN'T AN ANGEL SERIES #1