14

10 0 0
                                    



Wax

"Nag mamadali ka ba?"tanong ni Dad. Naabutan nya kasi ako sa bahay. Umuwi lang ako dahil kukuha ako ng damit at gusto ko ring makita si Ace ngayon.

"Dismissal na nila Ace ngayon dad, may lakad kami." I zipped my bag. I saw hin smirked.

"Oh, ang sweet mo namang friend. Lalabas kayo?" he asked.

"We have a thing dad." He chuckled.

"Really?"He sarcastically said. Nag kunyari pa syang nagulat.

Umalis na ako sa bahay dahil alam kong aasarin nya lang ako. He likes Ace for me.

Malapit lang ang school sa bahay kaya mabilis lang akong nakapunta. I parked my car at lumabas. May ilang SHS students akong nakitang lumabas na.

I don't like him.

Natawa ako sa sarili ko nang maalal ang sinabi ko noon. I don't like him before. I thought we're not compatible with each other. Sobrang taas ng energy nya palagi. I don't like loud people. Hindi ko lang alam isang araw I found myself missing him everyday lalo na nung nag UP na ako. I'm always looking forward for weekends dahil dun lang naman kami nag kikita. I always cancelled my plans with my friends. Because weekends is for Ace.

"Uy kuya Wax! Anong ginagawa mo rito?" tanong ng isang member namin dati sa basketball. Kasama nya ang mga kaibigan nya.

"Ah, I'm here for Ace. Have you seen him?" I asked. Nagkatinginan sila ng mga kaibigan nya.

"Si Dracel ba kuya Wax? Jowa mo ba sya?" tanong ng isang nyang kasama.

Ngumiti ako at umiling "Hindi pa."

Umingay sila dahil sa sagot ko. "Lakas naman ni Ace! He can pull everyone huh?"

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"Kilala mo si Owen diba? May gusto yon kay Ace eh. Nung nakaraang araw tinanong nya yata kung pwedeng manligaw pero ni reject nya agad! Akala namin si Blaze yung jowa nya yung classmate nila? Yun pala ikaw kuya, Wax!"

I raised my brows. So many boys, huh?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FallenWhere stories live. Discover now