Ano daw!?

128 11 20
                                    

"Wahhhhh! Ang pogi nya talaga dito! Tignan mo dali!" Hinila ko naman yung bestfriend ko, pinakita ko sakanya yung picture nung ultimate crush ko.

"Mas pogi naman ako dyan." Sabi nya tapos ginulo yung buhok ko. "Mukhang inlove na yung bestfriend ko ah."

"True best. Love na love ko talaga yang si Kyle. Biruin mo hindi kumukupas ang kapogian." Sabi ko sabay hampas sakanya. Kinikilig talaga ako.

"Hinay hinay lang best baka masaktan ka lang."

"Naku! Pag may nakita talaga akong lumalandi sakanya. Lagot ang mga rebonded, blonde, at curly nilang hair."

"Ang sadista ng bestfriend ko, nakakatakot."

Nung lunchbreak na, nauna na akong pumunta sa canteen, may gagawing pa kasi si Rex, yung bestfriend ko.

Naglalakad na ako nun ng biglang may humarang sakin. Pagtingin ko naman, napatulala ako. Yung puso ko parang malalaglag na ata. Si Kyle nasa harapan ko ngayon. Shockss!

"Hi Bea, pwede ka ba mamaya?" Sabi nya na nakangiti ng pagkalaki laki. Omg! Ang pogi nya talaga. Totoo ba yung narinig ko?

"Ha? Ah..." Hindi ako makapag salita nun. Kinikilig ako shockss!

"Yayayain sana kitang kumain sa labas kung okay lang sayo." Nakangiti parin sya.

"Sure. Okay lang sakin." Sabi ko. I try my best para hindi nya mapansin na nanginginig yung boses ko.

"Thanks alot. See you later bea." Sabi nya sabay kindat. Swear!! Nahulog na ata yung puso ko.

-----------
Nakaupo na kami sa may coffee shop. Di naman ako nagpapahalata na kinakabahan ako. Nag order muna kami bago sya nagsalita.

"Sorry pala sa abala. Sa totoo lang may gusto sana akong sabihin sayo." Sabi nya. Omg! Ang pogi pogi nya talaga!

"Ano ba yun?" Sabi ko.

Dumating naman na yung order namin.

"Di ko alam kung paano sasabihin sayo," Huminga sya ng malalim saka nag salita ulit. "Gusto ko sanang mag patulong sayo sa isang tao. Ikaw yung naisip ko kasi mukhang close naman kayo, nahihiya kasi talaga kasi ako sakanya. Mahal ko na ata yun." Pagkasabi nya nun, parang sinampal, tinusok, binugbog yung puso ko. Ouch! Ang sakit naman, may iba na syang mahal. Hindi ko ata kakayanin kapag ako yung naging way para maging sila nung mahal nya. Gusto ko ng umiyak nun.

"Sure. Sino ba yun?" Tanong ko. Kahit na ayokong malaman kung sino yun, wala naman na siguro akong magagawa. Ininom ko nalang yung kape ko para kahit papano di nya mapansin na nasasaktan ako.

Ngumiti sya ng wagas. Then sabay sabing...

"Si Rex! Yung bestfriend mo! Nakakalerki! Love na love ko talaga yung bestfriend mo gurl! Ang pogi pogi, ang hot hot! Oh my gosh! I can't wait na. Sana maging boyfriend ko na sya! Haha! Kinikilig ako gurl." Sabi nya sabay tili. Naibuga ko naman yung iniinom ko.

Ano daw!?

Ano daw!? (One Shot Story)Where stories live. Discover now