Chapter One

9.9K 99 1
                                    

The Golden Rule

Three messages notified in my inbox and when I clicked it...

"Kumusta?

Ano na balak mo?

Babalik ka na sa Tagaytay?" sunod-sunod na tanong ni kuya sa akin sa chatbox ko.

Now typing: Good morning kuya kumusta po? Ok lang naman ako awa ni Lord. Balak ko po sa katapusan mag-uwi para ok na lahat dito bago ako umalis.

Enter.

Then I saw that he's typing back. Kung pwede lang na huwag na bumalik, ginawa ko na kaso hindi pwede, ayaw ko rin naman manatili rito sa Davao, una sa lahat ni hindi man gyod ko kabalo magbisaya, alam mo ang pakiramdam na alien ka sa paningin ng mga tao sa paligid mo. God! I don't even know kung bakit ako pumayag na magbakasyon dito.

I was so excited then, for the second time around, makakarating ako sa lugar na bago sa paningin ko.

I was imagining then, sana magkaroon ako ng bestfriend dito na mabait at anak mayaman, haha dream on girl...

I was thinking then I would probably go to beautiful beaches around the city...

I am dreaming that I would go to my new world – the business world, the real world they say after you finished your program in tertiary, na finally, magtatrabaho sa isang malaking building na maraming-marami ang empleyado tulad ng mga napapanuod at nababasa ko sa mga stories noon.

I had a huge feelings na merong welcome band na sasalubong sa akin sa airport - feeling like a star ang peg,

At kung ano-ano pang imahinasyon ang gumagana sa utak ko na hanggang imahinasyon lang pala.

Ito kasing magaling kong kapatid, hindi man lang nagbigay ng babala kung ano ang aabutan ko rito, siya rin itong may sabi na may sasalubong daw sa akin na banda sa airport since almost 5 years na kaming hindi nagkikita, ako namang si uto-uto nag pa-uto rin.

One message notifies again after a while.

"Aw, ok lang ako. Magpadala na lang ako ng pampamasahe mo, magkano ba kailangan mo? Pag dating mo roon, mag-apply ka na kaagad ng trabaho." Sagot ni kuya

"Ok po, salamat kuya, ikaw po bahala if magkano, tingin ko wala pang 2k ang ticket pag one month before pa ang flight nakabili na. Ingat ka po riyan lagi. Text ka na lang po, mag-log-out na ako, antok na kasi ako." Reply ko na naman sa kanya.

Alas nuebe pa lang nag umaga pero grabeng antok ko na, kung may boyfriend lang ako, iisipin kong buntis ako ee, sige dream on pa Chen. Makatulog na nga.

Ganito trabaho ko rito: Gising sa gabi. Tulog sa araw.

Hindi ko talaga ini-expect na ganito ang trabahong kalalagyan ko pagkatapos kong mag-aral ng mabuti sa loob ng apat na taon sa koleheyo. Noong nag-aaral pa ako, sabi nila, kung gusto mo raw umasenso sa buhay at mabili mo lahat ng gusto mong bilhin, mag-aral kang mabuti at huwag mag boyfriend muna. Tinatak ko iyan sa utak ko at sa kailaliman ng puso ko knowing and hoping one day iyon nga ang mangyayari sa buhay ko.

I studied so hard, kung sa mga matatanda pa as in sunog kilay raw, minsan 2 hours lang ang tulog ko sa gabi, pag-uwi ko galing sa school, magtulong lang ako saglit sa gawaing bahay, kumain tapos maligo then aral na naman, nakatulong naman, kung pataasan lang din ng grades, hindi naman sa pagyayabang, matataas talaga grades ko, wala akong mababa sa average most my grades excellent and very good.

Kung nabubuhay pa si Rizal, baka kaklase ko siya. Pero hindi ako naka-graduate with flying colors, ang dahilan? Some things are meant to be like that. Tipong wala kang masasabi sa sobrang ganda ng nangyari sa buhay mo.

Sobrang inis ko noon, I was expecting to graduate of course as cum laude pero sadyang mapaglaro ang tadhana, anak kasi ng dean ang kaklase ko. To make story short, tama ang inisip mo, siya nga. That's how things make complicated, when someone else uses their power to move it. Sorry ka na lang pero hindi ko na masyadongg dini-dibdib iyon, naka move on na ako, hindi naman nasusukat ang honor sa grades or awards. Because I believe, honor is when you live a life that is just and fair.

Aanhin mo ang kayamanan, awards at fame kung wala ka namang honor sa sarili mo, kung every time you always feel your heartbeat so fast either may sakit ka sa puso o nakokonsensya ka.

Hindi rin ako nag boyfriend. Ayaw ko kasi ng sagabal or distraction. Masyado akong naka fucos sa picture na nakikita ko one day na magiging buhay ko.

But then all ends up being like this, uuwi ako hindi dahil ayaw ko ng tulungan ang kuya ko rito kundi dahil alam kong mas matutulungan ko siya kung magtatrabaho ako sa iba, kaya nakapag- desisyon na ako. Uuwi na ako.

Gusto ko na sana matulog pero hindi pa pwede nagpapatunaw pa ako ng kinain ko, mamaya bangungutin pa ako, sayang naman itong ganda ko.

Taliwas lahat sa iniisip ko:

Wala akong friends dito kahit isa dahil nga walang marunong magtagalog at di rin ako marunong ng language nila;

Hindi rin man lang nakatapak sa kahit sa suba man lang ang mga paa ko.

Wala rin ang trabahong pinapangarap ko na nakasuot ako ng business attire ko na super sexy na with authority and full of charm look at mas lalong walang welcome band kundi isang payat na lalaki na ang sobrang lalim ang mata ang sumalubong sa akin.

Sobrang awa ko noon kay kuya, gusto ko umiyak noong makita ko siya pero pinigilan ko ayaw kong makita ni kuya na naawa ako sa kanya alam kong mas masasaktan siya pag ginawa ko iyon, after 5 years habang ako nagpapakasarap sa allowance ko, nag-aantay lang ng pera na ipadala sa akin, meron pala akong kapatid na hirap na hirap na buhay.

Sobrang nakaka-konsensya, kaya simula ng araw na iyon pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko lahat para matulungan siya.

"Chen, umiiyak ka ba?" nagulat naman ako ng biglang magsalita si kuya sa tabi ko hindi ko namalayan na lumapit siya at mas lalong hindi ko naramdaman na umiiyak na ako...

"Wala aa, napuwing lang ako kuya, sige matutulog na ako. Goodnight, matulog ka na rin. Ang lalim na naman ng mata mo." Palusot.com ko sa kanya sabay iwas ng topic at talukbong ng kumot.

Pero hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pag-agos ng ma-aalat na tubig mula sa mga mata ko.

A/N: para sa hindi nakaka-alam, suba- iyon ang part ng dagat na may halong tubig tabang.

Her Boss (Commit #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon