One- Invitation

7 0 0
                                    

Chapter one

Today is my seventeenth birthday. It's been two years since my mom left me. It hurts. Mahirap kumanta ng happy birthday para sa sarili mo.Last year, when I turned sixteen I decided na hindi na magcelebrate ng birthday ko. It reminds of how alone I am now.

Nagsimula akong magtrabaho. I learned how to be independent. Nang mawala si mama she left me with her savings. And I can say that it's a lot na parang pinaghandaan niya ang pag-alis dito sa mundo. Wala akong kilalang relatives namin kaya walang kumopkop sa akin. The government said na kailangan ko ng guardian dahil minor pa lang ako. May nagvolunteer, I don't know who he/she is pero nagpapasamalat ako dahil hindi ko na kailangan pang umalis sa bahay.

My guardian remained anonymous but he/she kept me supported. Pero kahit ganun I still chose to work. May hiya rin naman ako sa kanya no. I also want to eat food na galing sa sipag at tiyaga ko.

I also continued my studies. Kahit na wala na si mama, I still want to make her proud that I finished my studies. I also started finding my dad. Sinabi ko kay mama na hindi ko kailangan si papa, it's true. I just want answers kung bakit niya kami iniwan at kung bakit hindi siya bumalik kahit na para sa akin man lang.

And these past few days, I always dreamed about five persons na hindi ko kilala. I remembered that they were there when my mom died at alam din nila kung sino si papa. I didn't remember their faces and names pero paulit ulit na iyon ang mga panaginip ko. 

"Bella, salamat talaga ha? Kailangan ko na kasi talagang mag-out. Naghihintay na kasi ang boyfriend ko eh" Si Kristine, katrabaho ko.

"Don't worry basta may utang ka sakin ha?"

Napatawa siya. "Syempre naman! Ako bahala sa'yo"

Pumasok ulit siya sa loob to change at lumabas ng nakaayos na. She's wearing a pink dress at nude na flat sandals na bagay na bagay sa complexion niya.

"Gotta go! Bye, Bella bukas ulit!" She wave and I did too.

Kinuha ko ang flyers sa mesa at isa isa itong binibigay sa mga taong dumadaan. Kanina pa sana ang out ko pero dahil humingi ng favor si Kristine sa akin dahil may date sila ni Bry ngayon ay nadagdagan ng two hours ang shift ko.

"Good afternoon ma'am. Try niyo po itong bago naming specialty, halo-halo na may mais con yelo. Perfect na perfect sa mainit nating panahon ma'am" Si Gerome, katrabaho/classmate ko.

Tinanggap ng ginang ang alok ni Gerome at iginiya naman niya ito sa isang upuan. Bumalik si Gerome sa tabi ko.

"Palagi na lang iyan si Kristine ha. Hindi ba siya nahihiya na palagi siyang may favor sa iyo?" Panimula niya.

Binigay ko muna ang isang flyers sa babaeng dumaan bago siya sinagot.

"Nah okay lang yun. Hindi naman ako busy eh."

"Kahit na. Masyadong nagpapakaprinsesa na yang si Kristine" Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"At ikaw naman, learn how to reject her favors. Halo-halo lang naman ang libre niya sa'yo palagi. Ni hindi nga makaorder ng burger o spaghetti man lang dahil mahal daw! Ha! Kung alam ko lang na sobra pa sa burgers at spaghetti ang gastos niya sa jowa niyang feeling gwapo!"

Tumawa ulit ako. "Eh ba't ba ikaw ang nagagalit? Ako naman ang sumasalo ng trabaho niya"

Napasabunot siya sa buhok niya na mas ikinatawa ko. "Jusko, Belladonna! Kaawaan ka sana ni lord god dahil sa iyong matabang puso! Hindi mo ba nakikitang ginagamit ka lang niya? O nagbubulag bulagan ka lang? Naku naku naku naku! Kung ako sa'yo ay kinurot ko na ang hita nun!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reaper's QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon