Episode 1

2 0 0
                                    


Ako nga pala si mila lumaki ako sa isang pamilyang masaya pero kapag wala sila mama at papa iyon ang isa sa mahirap na pinag dadaanan ko sa araw araw.

Pangatlo ako sa mag kakapatid Meron akong dalawang kuya at tatlo pang nakakabatang kapatid. Hindi kami close nang mga kuya ko dahil na din siguro sa iba iba naming ugali.

Ang panganay naming kuya ay masasabi mo ang ugali nya ay masyado siyang bossy, lahat nang gusto o iutos nya dapat masunod kung hindi masasaktan nya ako at darating pang mabubugbog nya.

Minsan pag uuwe si mama nadadatnan nya nalang akong umiiyak dahil sa pananakit nang aking kuya dahil sa hindi ko pag sunod sa kanyang utos.

' Oh! Bakit ka umiiyak mila sinong umaway sayo ?' minsang tanong nang aking ina pag kauwe nya galing sa palenggke.

' Si kuya mama di ko lang nasunod ang utos nya binatukan nya na ako' sagot ko naman.

' Pano di ka na nga sumusunod sumasagot ka pa! ' Biglang sagot naman ni kuya.

' Mag sitigil nga kayo, para kayong aso't pusa sa mga ugali nyo!' sabi ni mama na alam kong galit na.

Laging ganyan ang eksena sa bahay namin. Pero sa loob nang bahay namin meron naman akong isang ama na lagi kong kakampi sa lahat nang bagay.

Maraming nag sasabi na kamuka ko daw ang papa ko, sa aming mag kakapatid tanging ako lang ang naiiba nang itsura dahil sila gwapo at maganda.

Minsan pa nga lagi kong naririnig ang mga papuri nag ibang tao sa mga kapatid ko, maganda at gwapo daw sila pero pag dating naman sa akin tatawa lang sila.

Masakit sa akin iyon kaya hindi din mawala sa aking isipan ang tanong na Baka ampon lang ako? Dahil ako lang ang naiiba ang mukha sa kanila.

Pero dahil laging sinasabi nang papa ko na mas kamukha ko sya kaya napapanatag at nawawala na ang tanong na yan sa isip ko.

Ang papa ko ay isang taxi driver at ang mama ko naman ay sa bahay lang nag aalaga sa amin.

Bata palang ako ay may pagka mataray na talaga ang ugali ko dahil alam ko ako lang din ang mag tatanggol sa sarili ko lalo na sa mga kuya ko na lagi akong binubog bog o pinag sasabihan nang kung ano anong masasakit na salita.

Bata palang ako natuto na akong mag tanim nang sama nang loob sa mga kuya ko o minsan naman sa aking ina lalo na sa panahon na di nya ako magawang kampihan kapag inaapi na ako nang aking mga kuya, minsan din sa aking ama kapag napapagalitan nya ako.

Minsan sa sama nang loob ko nakakapag bitaw ako nang di magandang salita kagaya nang ' Sana di nalang ako napunta sa pamilyang ito, ' sana di ko nalang kayo kapatid ', ' Sana mamatay na kayong lahat ', lahat yan nasasabi ko sa mga gabing umiiyak ako mula sa sama nang loob mula sa pamilya ko.

Minsan tinatanong ko si lord na bakit ba kasi ako pinanganak na hindi maganda kagaya nang kapatid ko ?
Kapag ba maganda ako kagaya nila di na ba nila ako aapihin ?
Kapag ba maganda ako makakaranas ba ako nang pagtanggap mula sa kanila ?
Kapag ba maganda ako di ko na ba to mararanasan ?
Bakit kaylangan nila na tumingin sa panlabas na kaanyuan para masabi na kasapi ka nang pamilya ?
Mga tanong na gustong gusto ko nang kasagutan noong bata pa ako.

Lumalaki akong hindi close sa mga kuya ko dahil na din siguro sa mga nang yari noong mga bata pa kami lahat nang pananakit, salita ay nasa puso ko padin, pero bilang kapatid gusto ko din naman maranasan ang maging kasundo mo ang iyong mga kuya dahil yaan ang munting hiling ko noong ako ay bata pa.

Nang ako ay mag 1st year highschool sa aking skwelahang pinasukan marami din akong naging kaibigan ,
Hanggang sa dumating ako nang 3rd year highschool, bakasyon napag isipan ko munang mag apply nang trabaho at nakahanap naman ako bilang isang tindera nang damit sa aking tiya lala.

At sa pag tratrabaho ko duon ay doon ko din nakilala ang unang lalaking mag papatibok nang aking puso.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My PastWhere stories live. Discover now