PROLOGUE

3 0 0
                                    

"Have a safe flight Elin! Don't forget to check everything before taking off okay? Mamimiss kita. Ilang taon na nating routine 'to pero bakit hindi pa rin ako sanay?" 

I reminded him as I was zipping his luggage for his flight later.

"Ikaw pa ba? E kahit nasa tabi mo ako namimiss mo pa rin ako. Gets ko naman, kasi kahit ako, kung ganito kagwapo asawa e aba!" Sabay kindat sa sarili na nakaharap sa salamin, nag pogi sign pa habang kagat ang labi!

"Alam mo umalis ka na at baka hindi pa makaalis ang mga excited nang mag baksyon! Eto susi dali na't nandidilim paningin ko sa pinag sasasabi mo!" Sabay tulak sa kanya paalis sa salamin

Madrama akong umupo habang nag hihilot ng mata at kunwaring naiinis sa mga pambobola niya sa sarili niya kanina, pero ang totoo ay kanina pa ako inaantok dahil alas dos pa lang ng madaling araw ay gising na ako para mag luto ng kanyang breakfast bago ito umalis at halos 30 minutes ko rin siyang ginising dahil puyat ito kagabi kakalaro!

Kinuha na niya ang susi habang ang kaliwang kamay ay hila hila ang maliit na maleta para sa domestic flight niya ngayong araw. Ngayon dapat ang kanyang day off pero dahil nagka emergency ang isang piloto siya ang tinawagan para pumalit dito.

"See you later madam. Mahal kita." pagkatapos ay hinalik nito ang aking noo at tinitigan ako sa mata bago ngitian. "Mahal kita. Ingat at update mo ako pagkalapag ninyo" then gave him a peck on the lips pero napatagal nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

Enebe 'tong asawa ko pereng tenge! Akala mo matagal mag hihiwalay e wala pang isang araw ang kubuan ng flights ngayon!

"Ate! Gising!" pasigaw na sabi sa akin ni Max, halos isang oras pa lang akong tulog at wala pang dalawang oras pagkatapos umalis ni Elin ay gigising ako!

"Katutulog ko pa lang Eli! Kapag eto -"

"Kanina pa nag riring yang cellphone mo, baka may emergency po e" sabay abot sa akin ng cellphone at tumutunog nga at bakit galing sa office niya?

"Hello good morning. Sino 'to?" Kabado ako sa mga sumod na segundo dahil hindi naman tumatawag ang office number sa akin, sana lang walang masamang nangyari

"Good morning Mrs. Cardona, I would like to ask if Captain Jose Blair Cardona is aware of the changes in his schedule today?" 

"Nakaalis na siya almost one hour ago, hindi pa ba nakakarating?" asan ka na ba Eli? Wag mo naman ako pakabahin ng ganito! Tatanda ako ng mabilis sa mga ganitong tawag!

"He hasn't arrived yet ma'am and he is supposed to check in 30 minutes before his take off but he is not yet here." Masasapak ko na talaga si Eli kapag isa na naman to sa mga surpresa niya tungkol sa 'panliligaw' niya sa akin ulit matapos ang 5th wedding anniversary namin

"I will drop the call now and contact him and I will call back to update you."

Hinanap ko sa aking contact si Eli at tinawagan pero after 5 calls hindi pa rin niya sinasagot. Jusmiyo Jose Elin Montemayor Cardona! Hihiwalayan talaga kita pagka uwi mo! Pero hindi matanggal sa akin ang kabahan dahil hindi naman siya ganitong hindi sumasagot sa tawag, lalo na ang ma-late sa trabaho dahil halos 5 years na niya itong trabaho.

"Eli sumagot ka please lang, mababaliw na ako kakatawag! Yung bago mong bili na phone ko mababato ko na e! Pag joke time talaga 'to majojoke time rin kitang hiwalayan!" 

"Hello madam hehe." HEHE MO MUKHA MO 

"Anong hello madam hehe? Umayos ka Jose masasapak kita! Asan ka na? Tumawag sa'kin office mo hanggang ngayon wala ka pa raw at paalis na eroplano?"

"Bakit naman hindi mo tinawagan office niyo dahil diyan? Alam mo bang pinakaba mo ako? Never pa nga tumawag office niyo sa akin sa loob ng 5 years mong nag tatrabaho sa kanila? Naiiyak na ako kasi nakaka limang tawag na ako hind--"

"Okay lang ako mahal ko, pasensya naman at nawala sa isip ko oras, malapit na ako sa airport kanina pero biglang tumawag si Ara" Ara na naman? Ganon ba talaga kaimportante si Ara para umabsent siya for the first time?

"Ah, bakit daw?" tanong ko pero yung boses ko medyo disappointed

"Alam mo naman mga broken hearted, umiinom diba? Tinawagan ako ng bartender hinahanap daw ako ni Ara" Bakit asawa ko pa ang hinahanap? Baka naman sa asawa ko pa rin siya broken at hindi sa bagong ex niya?

Una sa lahat, limang taon na kaming kasal, pangalawa bakit asawa ko ang hanap niya? Pangatlo tangina niya.

Kaya wala talaga akong tiwala sa mga girl bestfriend na yan e, una pa lang alam kong may gusto na yan kay Elin kaya hindi ko siya nakakasundo dahil lagi niyang pinapamukha sa'kin na mas nauna siya sa buhay ng asawa ko at 'mas' kilala raw niya ito

"Umuwi ka na. Ngayon na." pagalit na sabi ko, ilang taon na akong nag titimpi sa babaeng yan, kaya ngayon, bibigyan ko siya ng choice kung sino ang mas timbang sa amin niyang kababata/girl bestfriend niya, kahit alam ko kung sino ang pipiliin niya.

"Hindi ko siya maiwanan mag isa sa condo niya pero uuwi rin-"

"Wag na dahil wala ka na ring uuwian"

And that is when I ended my duty as his wife.

--------

This is a work of pure imagination. If any of the characters are affiliated with a real person it is not in any way intended.

This story contains explicit words and mature content. Read at your own risk.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sky's DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon