Tahimik at simple ang buhay ng mga taga-barrio Isais sa probinsya ng Samar. Isais ang naging pangalan nito dahil ito ang ika-anim na islang nakapalibot sa mainland ng probinsya.
Pangingisda ang pangunahing kinabubuhay ng mga taga-roon kaya naman laking gulat nila ng biglang..
"MANG RUMUALDOOOO!!"
Isang sigaw ang pumukaw sa mga taga-isla Isais. Humahangos na kinatok ng isang nasa 20s na binata ang isang kubo roon.
Lumabas ang isang payat na mamang nasa 50s. Ang kanyang buhok ay puti na at kita sa mukha nito ang kalungkutan at pag-aalala.
Ang mamá ay si Mang Romualdo. Tatlong araw nang nawawala ang kanyang nag-iisang dalagang anak na si Carla.
Bumungad kay Mang Romualdo si Abe. Isang mangingisda. Puno ng pawis ang suot nitong t-shirt na pula. May takot sa mga mukha niya kaya naman ay nag-umpisa nang makaramdam ng kaba si Mang Romualdo.
"Si-si Carla nakita na po"
Parang tumigil ang mundo ni Mang Romualdo sa narinig. Nitong mga nakaraang araw ay naging usap-usapan ang pagkawala ng kanyang unica hija. Maraming naging haka-haka ang kanilang mga kapitbahay pero wala ito para sa mag-asawang Mang Romualdo at Aling Martha.
Dali-daling pinuntahan nila Mang Romualdo at Abe ang naturang lugar kung saan natagpuan si Carla. Halos 'di na ito makilala. Ang katawan nito ay nag-uumpisa nang maagnas. Ang payat at seksing kayawan ni Carla ay parang manas at di na makilala. Tanging ang puting bestida na suot nito nang siya'y mawala ang naging palatandaan na ang bangkay nga ay kay Carla.
Nanigas sa pinagkakatayuan si Mang Romualdo. Nagwawala naman si Aling Martha dahil sa sinaput nang anak. Napatitig na lamang si Mang Romualdo sa bangkay habang ang pulisyabay abala sa pagkalap ng ebidensya. Ang mga bulong-bulungan ng mga kapitbahay ay hindi alintana ng ambg si Mnag Romualdo. Isa lamang ang kanyang nasa isip. Sino ang gumawa nito kay Carla?
BINABASA MO ANG
What Happened to Carla?
Mystery / ThrillerSa isang maliit na barrio sa isla ng Samar. May isang kwentong pinag-uusapan ang lahat. Ang 18 years old na anak nina Aling Martha at Mang Romualdo ay nawawala. Sa loob ng maraming taon, bukod sa paisa-isang nawawalang mga alagang manok kahit kailan...