CHAPTER 12

16 0 3
                                    

"Ayos ka lang ba, Hija?" Napapikit ako nang mariin bago ko nilingon si Manang Bening na nakarating na pala.

"May improvement na ba ang kalagayan ngayon ni Nicole, Manang?" Tanong ko sa kaniya. Bumuntong hininga si Manang at ngumiti pero alam kong ang mga ngiting iyon ay malungkot.

"Wala pa rin, hija. Ipagdasal na lang natin na sana gumising na ang alaga ko. Nandito rin kanina ang mga magulang ni Nicole pero agad rin namang umalis dahil may trabaho."

Tumango na lang ako at tiningnan si Nicole na nasa kama. Kung gising lang siya ngayon marami na akong nakuwento sa kaniya. Magiging maayos lang rin naman ang lahat, walang mangyayaring masama sa kaniya. Kanina pa ako rito sa hospital, no'ng pagkauwian ay dumiretso na kaagad ako rito.

Doon na ako kumain ng hapunan sa hospital kasama si Mang Bening dahil ito naman ang palagi kong ginagawa, nagpaalam na rin akong aalis na rin dahil ayaw kong gabihin sa pag-uwi, hindi rin ako nakapagpaalam kay Wayne na pupunta ako sa hospital baka magtaka lang iyon kung bakit ako late umuwi.

Pinuntahanan ko muna sila Aicelle at Rei bago ako tuluyang umuwi. Sumakay na lang ako ng tricycle dahil madilim na ang buong paligid. Okay lang naman na do'n ako mag-stay sa hospital hanggang bukas kaso si Wayne walang kasama sa bahay tapos baka mag-alala pa. Nagtaka ako nang pagkababa ko sa tricycle ay patay ang lahat ng ilaw sa mansiyon. Siguro wala si Wayne, baka may pinuntahanan.

Pagkapasok ko sa bahay ay ini-on ko lahat ng ilaw at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig. Tama nga ako dahil wala ngang katao-tao ang bahay dahil sa nakakabasag na tinig, hindi ko tuloy mapigilang maalala no'ng mga times na ako lang mag-isa ang nakatira rito. Mula sa labas ng bahay ay narinig ko ang ingay ng sasakyan kaya binalik ko ang tubig sa ref at lumabas ng bahay at baka si Wayne na 'yon at hindi nga ako nagkamali.

Nang makababa ai Wayne sa sasakyan ay kaagad na nagtama ang mga mata namin pero laking gulat ko nang bigla siyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Amoy na amoy ko ang pabango niya dahil sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya.

"Where have you been? Pinuntahan kita sa school niyo, nilibot ko na bayan para lang makita ka. Pupunta na sana ako sa police station." Nag-aalalang sambit ni Wayne, ang dalawa niyang kamay ay nasa pisngi ko kaya hindi ko pagilang mapatingin sa buong mukha niya. Ang buhok niya ay magulo na bagay pa rin sa kaniya, may mga pawis na rin siya. "Sabihin mo sa akin, Sheng.... Saan ka nagpunta?" Kunot-noong tanong niya.

Naramdaman ko ang paglalamig ng mga kamay ko nang maalala ko na naman ang nalaman ko kanina tungkol kay Andrie. Hindi ko maiwasang maluha nang ibalik ko ang mga paningin ko sa mga mata ni Wayne na puno ng pag-aalala sa akin.

Doon ko lang naisip, bakit hindi na lang siya? Bakit kailangan kong ikulong ang sarili ko sa nakaraan kung pwede naman akong lumabas at magmahal ulit.

"Sorry, may kinumusta lang ako. Pasensya na kung pinag-alala pa kita." Sabi ko at pumasok na sa loob ng bahay pero napatigil ako nang biglang hawakan ni Wayne ang kamay ko.

"Please, don't do that again. Don't make me worried and let me know next time." Nakayuko niyang sambit at kahit na mahina lang ang pagkakasabi niya ay hindi ko pa rin maiwasang mapangiti ng malungkot. Malungkot ako dahil hindi ko lubos maisip kung bakit hindi ko siya kayang mahalin katulad no'ng kay Andrie, malungkot dahil nasasaktan ko siya dahil do'n.

"Okay."

Pinakatitigan ko ng mabuti ang likod ni Wayne habang hinuhugasan niya ang sariling pinagkainan. Gano'n ba ako kaimportante sa kaniya at kaya niyang libutin ang isang lugar makita lang ako. Sana hindi niya na lang 'yon ginawa. I'm not important after all.

"Nasa hospital ako kanina, pinuntahan ko lang si Nicole. Pasensya na nakalimutan kong sabihan ka kanina bago ako umalis."

"It's alright. Kumusta na siya."

Sandali akong natahimik bago mapapikit ng mariin. "Wala pa ring improvement."

Hindi ko alam pero ang bigat ng dibdib ko sa mga oras ngayon. Gusto kong baguhin ang lahat ng nangyari ngayong araw lalo na ang balitang wala pa ring nagbabago sa kalagayan ni Nicole.

Walang nagsalita sa aking dalawa ni Wayne kaya nagpaalam na ako sa kaniya na mauuna na sa taas dahil magpapahinga na ako. Marami akong inisip ngayong araw, kailangan ko rin minsang magpahinga bago tuluyang dumating ang isa pang araw.

Naligo lang ako ng mabilis at pinatuyo ang buhok ko bago dumiretso sa kama. Hindi ko maiwasang mag-overthink muna bago ako tuluyang lamunin ng antok. Isang bagay lang ang gusto kong mangyari ngayong gabi na sana sa panaginip ko ay wala akong ibang iisipin kundi ang sarili ko lang dahil pagod na ako. Pero may karapatan ba akong maging masaya kahit sa panaginip lang?

















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon