Alas kwatro pa lang ng umaga ay gumigising na si May isang Call Center Agent worker. Si May Pelastro ay panganay sa sampung mag kakapatid. Siya ay mabait,masipag,magalang at matulungin kaya't siya ay natatangi sa kanilang mag kakapatid. Iniwan sila ng kanilang ama matapos mamatay ang nag-iisa nilang lalaking kapatid na pinakang paborito ng kanilang ama.
(Oops...Oops...Oops...eleven sila mag kakapatid namatay yung isa kaya sampu silang natira...by the way continue tayo sa kwento)
Mag mula ng sila ay iiwan ng kanilang ama nag kasakit sa Pag iisip ang kanilang Ina kaya't sya na lang ang mag-isang nag tataguyod sa kanilang pamilya.
Hindi madali ang buhay para kay May lalo pa sa katulad niyang nag-iisang bumubuhay sa kanyang pamilya. Dahil sa troma sa nangyari sa kanilang pamilya madalas na tulala si May.Sa kabila nang mga nangyari sa kanilang buhay patuloy pa rin sa Pag ta-trabaho si May para mapa- aral nya ang kanyang mga kapatid at mapa gamot ang kanyang Ina. Kahit pa 07:00 pm ang kanyang pasok at 06:00 am ang kanyang labas sa trabaho.
04:00 pm
Ohhh....Marites papasok na ako.... Ikaw na bahala kay nanay at sa mga kapatid naten ha...Kumain na kayo dyan nagluto na ako nang ulam....Isara ng mabuti ang mga pinto ha.(Bilin ni May sa pangalawa niyang kapatid)
Marites:Opo ate...ingat ka ha...
Kayo din...(sagot naman ni May)
Bago umalis si May...lumapit sya sa kanyang Ina na naka tulala...hinalikan nya ito sa noo at nag paalam...Nay papasok na po ako.(pa-alam ni May)
Pa labas na siya ng pinto ng marinig nya ang kanyang nanay na sumisigaw.
WAG!!! WAG!!! paki-usap!!! wag mo syang kukunin...(Sigaw ng kanyang ina habang nakaluhod sa may bintana ng kwarto at umi-iyak)
Nay! Nay! ano.....pong nangyayare sa inyo Nay!(Nag a-alalang sigaw ni May)
Marites:Nay! Nay!.....
Ann!!. kunin mo yung gamot ni nanay.(Naluluha at pasigaw na sabi ni Marites sa kanyang kapatid)Ate.....eto na Ang gamot ni Nanay.....(mabilis na abut ni Ann sa kanyang ate)
At pina-inom nila ng gamot ang kanilang nanay at di kalaunan ay kumalma din at naka tulog.
May: Marites....kailangan ko nang pumasok 06:50 pm na,ma le-late na ako....isang oras pa ang byahe ko....kayo na bahala dito ha...tawagan nyo ko pag may kailangan kayo.
Sige ate....ingat ka,ako na bahala dito.(sagot naman ni Marites)
At isa-isang niyapos ni May ang kanyang mga kapatid....Wala pa sa kalag-hati ang byahe ni May nang biglang bumuhos ang malakas na ulam dahilan ng matinding traffic.
May:Hayysstt....Ano ba to ma le-late na ko.(Nag-aalalang bulong nito sa sarili)
Habang tumatagal ay paunti-unti na ang pasahero ng jeep. Dahil sa sobrang traffic si May ay unti-unting nakaka tulog sa byahe...PARA!!!(sigaw ng isang pasahero).Nagising si May at nag-iisa na syang pasahero,umupo ng ma-ayos at nag ayos ng kanyang itsura....Mukang malapit na ako ahh(bulong niya sa sarili)
Nag-tataka si May dahil tingin ng tingin sa kanya ang driver sa salamin. Natatakot na si May dahil maya't maya ang tingin ng driver sa kanya.May:Kuya bakit po? Ano pong meron?(natatakot na Tanong ni May)
Hindi umimik sa kanya ang driver...
May:Kuya dito na po ako bababa...eto po ang bayad.(kinakabahan na Sabi ni May)
Huminto ang jeep,inabot ng driver ang binayad at ibinalik ang sukli.....At dali dali namang bumaba ng jeep si May.
Miss!!!(tawag sa kanya ng driver)
Napatigil siya sa pag-lalakad at nanginginig sa takot. Lumapit sa kanya ang driver at sinabing......
Driver:Miss...pag-uwi nyo sa inyo...sunugin mo ang damit na suot mo...nakita kasi kita kanina na walang ulo.(Bilin ng driver)
Ngunit hindi nakinig si May at muling nag-patuloy sa kanyang pag lalakad. Mag a-alas nwebe na nang makarating si May sa kanyang trabaho....Pinag titinginan at pinag bubulungan siya nga kanyang mga ka trabaho. Hiyang hiya si May at naka yuko habang pa punta sa kanyang pwesto.
Manager:Ms.Pelastro!!! Your late!!! (Sigaw ng kanyang manager) In my office now!!!
May: Sorry po sir!!! Please give me another chance....sa akin lang Po uma-asa ang pamilya ko(paki usap ni May)
Okay!! Okay!! Okay!! This is the last chance Ms. Pelastro....if this happened again... your fired!!!(sigaw ng manager)
May:Opo sir...I promise this won't happen again...maraming salamat sir.... thank you... thank you.(labis na pasalamat ni May)
Go back to your work!!(Sabi ng kanyang manager)
Bumalik sa kanyang pwesto at nag simulang magtrabaho. Ngunit habang nag ta-trabaho sya,patuloy na bumabagabag sa kanyang isipan ang mga hindi magagandang bagay na nangyari sa kanya sa buong mag hapon lalo na ang sinabi sa kanya ng driver.
Break time
Habang kumakain at nag papahinga,madami siyang napapansin na kakaibang bagay sa kanyang paligid. Nakaka pansin siya ng batang tumatakbo,boses na humihingi ng tulong at tila iba ang nararamdaman nya para sa kanyang pamilya.
Kring!!! Kring!!! Kring!!!(phone ring)
May: Hello?
Ate!!! Ate!!! Si nanay(umi-iyak na Sabi ni Marites)
Ano?? Anong nangyare Kay nanay?(nagulat at nag aalalang tanong ni May)
Marites: Ate si nanay ina-atake nanaman....Nag sisisigaw sya...meron syang sinasabi at parang may kausap syang Hindi namin nakikita....ate please umuwi ka muna dito(umi-iyak at nakikiusap na Sabi ni Marites)
May:Oo....Oo....intayin nyo ko papunta nako.
Nag madali si May pauwi sa kanila kahit mag a-alas dose na nang gabi at kahit umuulan pa. Dali dali niyang inayus ang kanyang gamit at umalis kahit hindi nag papa-alam sa kanyang manager.
Sumakay sya sa elevator at nakita nya ang isang bata hindi nya ito pinansin at inakala nya na anak ito ng isa sa kanyang mga ka trabaho....habang iniintay na mag sara ang elevator "ate...ate...may bata na papasok" (Sabi ng bata).....At agad naman isinara ni May ang elevator.
Bata:Ate bakit mo sinara?
May:Hindi mo ba nakita?may pulang tag sya dito (itinuro ang kamay)
Bata: Bakit ate? Ano Po ba ibig sabihin nun?
May: Sabi kasi ng nanay ko....pag may nakita akong tao na may pulang tag sa kamay agad ko daw itong layuan...dahil hindi daw un tao.
Bata: Ahhhh...parang ganito ate?(ipinakita kay May ang kanyang pulang tag)
Laking gulat ni May dahil Hindi nya akalain na ang kasama nya sa elevator ay hindi tao....Napa sigaw at kumakalampag sa loob ng elevator si May at humihingi ng tulong.....ngunit ng mag bukas ang elevator nakita ng guard na wala nang buhay si May.
(Yun lang!!:) )