Naligaw na ang Dating Sarili

1 0 0
                                    


Gusto kong sumigaw
Ipahayag lahat ng nasa aking isipan
Gusto kong sabihin na, oo mahalaga ka sa akin
Mahal kita at miss kita
Pero di ko magawa
Kung sana mas maaga kang dumating
Sana naabutan mo pa ang dating sarili
Nabago na kase ako eh
Binago nya na ako
Ngayon, pinag iisipan ko na bawat salitang aking bibitawan
Na kahit mismong nais kong sabihin o tunay kong nararamdaman ay di ko na masabi
Nakalimutan ko na!
May pumipigil sa akin
Pinipigilan ako, ng mga naranasan ko dati
Di ko alam kung makakabalik pako sa dati
Nahuli ka ng dating kaibigan
Di na ata ako makakabalik
Naligaw na ang dating sarili

Naligaw na ang Dating Sarili
Oktubre 01, 2019

Malayang TulalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon