Simula

15 0 0
                                    

"I'm sorry." Ang huling salita niya bago kami naghiwalay ng landas.

Hindi ako umiyak. Naging matapang ako ngayon para sa sarili ko. Pinanuod ko lang ang likod niyang papalayo hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Tumalikod na ako at naglakad paalis sa lugar na iyon.

Hindi ang pag-alis niya ang wawasak sa akin. Paulit-ulit na sinasabi ko sa isip ko.

Masakit ba ang maiwan? Oo.
Masakit ba ang umasa? Syempre.
Masakit ba na mahal ka niya pero ayaw na niya? Sobra.

Sobrang sakit na mahal niyo ang isa't-isa pero ayaw niyang ipagpatuloy niyo pa.

Humingi ba ako ng rason? Hindi.

Bakit? Simple lang. Dahil nasasaktan ako. Dahil hindi ako handang mas masaktan pa.

"Hindi talaga porke't masaya ay puro saya na ang lahat." Bulong ko habang mabagal na naglalakad.

He wasn't my first crush nor my second, third, forth or whatever. We were strangers to each other. Hanggang sa isang araw, nagulat na lang ako na nag-uusap na kami. He may not be on the list of my crushes, but he's my first love.

Ang corny lang. Fan ako ng romance pero never in my wildest dreams na mangyayari iyon sa akin. Alam mo 'yun? Puro kasi pakikipaglaro, barkada at pamilya ko lang ang buhay ko noon. Sinabi ko pa noon na magmamadre na lang ako paglaki ko. Nakakatawa lang.

Natanaw ko na ang bahay namin kaya inayos ko na ang itsura ko. Huminga ako ng napakalalim at ibinaon ang sakit sa aking dibdib bago naglakad papalapit sa mga tigreng naghihintay sa akin.

"Anong oras na? Bakit ngayon ka lang?" Asik ng kapatid kong akala mo ay mas matanda sa akin.

Ginulo ko ang kaniyang buhok at tumawa sa nakababata kong kapatid na naka-krus pa ang kamay habang tinatanong ako.

"Ate naman, e! Hindi mo naman ako sinagot!" Aniya pagkahawi sa kamay ko.

"Diyan lang po sa tabi-tabi, ate!" Pang-aasar ko sa kaniya.

"Sus! Kasama mo na naman si Ro..."

Tumigil siya nang tingnan ko siya. Pasimple kong sinenyas na pumasok na sa loob bago pa siya may masabing hindi dapat.

"Kasama mo si Rome?" Tanong ng isa ko pang nakababatang kapatid.

"Rome?" Patanong na lintanya ni Papa habang nakatingin dito.

Patago akong napapikit dahil nagsalita na si Papa.

"Opo, Pa. May gusto iyon kay ate." Supladong ani ng kapatid ko.

Tiningnan ko siya ng masama para tumigil na sa pagsasalita. Sa halip na matakot sa akin ay hindi nagpatalo ang loko at sinamaan din ako ng tingin. Kurimaw talaga!

"Hindi naman po, Pa. Magka... Magkakilala lang kami." Mahinang sabi ko.

Tumango lang siya saka pumasok sa loob. Nang makaalis na si Papa ay hinila ko ang tenga ng kapatid kong pinaglihi sa sama ng loob.

"Aray!" Asar na sambit nito.

"Aray, aray ka diyan! Ano 'yung pinagsasabi mo kay Papa?! Imbento ka!" Mahina ngunit may diing sabi ko.

"Anong imbento? Totoo naman iyon. Siya pa nga nagsabi sa akin na may gusto siya sa iyo." Aniya habang hinahaplos ang tenga niya namumula sa pingot ko.
"Saan ba gawa 'yang kamay mo? Sa bakal? Sakit, e!" Dagdag pa nito.

Sinabi niya sa kapatid kong gusto niya ako pero... Hindi pa rin pwede? Ayaw niya pa rin. Hindi. Ayaw lang niya talaga.

Nanahimik lang ako habang nagrereklamo siya sa tenga niyang piningot ko. Iyong itinatago kong sakit na ayaw kong ipakita, unti-unting lumalabas na naman ng dahil sa pagbanggit ng kapatid ko sa kaniya. Nakakatawa lang. Nakakatawa talaga.

"Hoy!" Pagkulbit niya sa akin.

"Ano na naman?" Mahinahon na tanong ko sa kaniya.

Parang nawalan na naman ako ng lakas. Grabe talaga nagagawa ng pag-ibig. Ang cheap lang!

Tinitigan niya ako ng ilang saglit at sumandal sa gate namin. Tumingala siya sa langit kaya ginawa ko rin iyon.

"May nangyari."

Hindi iyon tanong. Sinasabi niya kung ano ang nababasa niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniyang sinabi habang nakatingala sa mga bituin.

"Pwede ka ng manghuhula." Biro ko sa kaniya.

"Tss. Nabagok na ba?" Aniya.

Sinilip ko siya dahil hindi ko alam kung nang-aasar ba siya. Seryoso kasi ang paraan ng pagkakasabi niya. Pero mukhang sarcastic siya ngayon kaya binalik ko ang tingin ko sa madilim na kalangitan.

"Malay. Sorry daw, e." Medyo tumawa pa ako.

"Did you ask him?" Tumagilid na siya at hinarap ako nang tanungin niya sa akin iyon.

I kept my mouth shut. Alam niya ang ugali ko kaya hindi ko na kailangan pang sabihin sa kaniya iyon.

"You did not. Obviously." Pagsagot niya sa sariling tanong niya.

"Madaldal ka yata ngayon." Pagbabago ko ng topic.

"Iyak na." Hindi niya pinansin ang sinabi ko at isinandal ako sa balikat niya.

"Bakit ako iiyak? Sira ka ba?" I faked a laugh.

Inalis ko ang pagkakasandal sa balikat niya. Pero ibinalik na naman niya iyon sa pagkakasandal sa kaniya. Huminga ako ng malalim at tumunghay sa kaniya.

"Ate mo ako." Sabi ko sa kaniya.

"Alam ko." Panunuplado na naman niya.

"You always act like you're older than me, though." Inirapan ko siya saka yumuko.

"Because you're such a kid." Pang-aasar niya.
"Huwag ka ng magsalita, ate. Now, let it go. Cry." Dagdag niya.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagbagsakan ang mga luha ko. Nagawa ko silang pigilan kanina, bakit bigla naman silang bumagsak ngayon?

"Pinapaiyak mo ako, you kid!" Umiiyak na sabi ko.

"Nasasaktan ka na't lahat, ang tapang mo pa rin." Aniya habang tinatapik ang balikat ko.

"Nagsalita ang santo." Umiiyak pa ring ani ko.
"Akala mo naman hindi ka rin matapang." Dagdag ko pa.

"Saan pa magmamana?" Aniya.

"Bwisit." I laughed while crying. Para akong baliw nito.

Hindi ko alam kung kailan natapos ang pag-iyak ko. Hindi ko alam kung paanong nagawa kong ngumiti ulit pagkatapos ng sakit na naramdaman ko. Kung paanong ipinaramdam ng isang tao sa iyo ang kahalagahan mo pero hindi pa rin pala sapat to make that person stay.

Akala ko this is it! I have my own story of love to tell. Akala ko maswerte ako kasi mutual ang feelings namin. Akala ko lang pala.

After all the pain, akala ko mahihirapan na akong ibalik ang saya sa mga mata ko. Ang istorya namin ay hindi love story. Walang happy ending. Walang reconciliation. Walang closure.

Because this story of us tells a story of how we met, how we exchanged conversation, how we were happy, how we confess our feelings, how he courted me, how we ended up ending things between us and how we fell apart. Hindi pala dahil nagmahalan kayo ay kayo na hanggang huli. Sadly, gano'n ang naging tadhana namin.

We never had a love story to share. I only have a memory of how tragic our love was. A story of how he left me and how I let go. How I lost him and how he lost me.

~

A/N: painful simula, enjoy!

How We EndedWhere stories live. Discover now