••
Bella's P.O.V.
"KLARENCE!" sigaw ko kahit hindi ko na siya makita. Pinagtutulungan na siya ng mga zombies ngayon.
"Bella, Tama na." Saad ni Zach habang inilalayo ako sa may pinto.
"Zach! Si Klarence, Tulungan natin siya. Kailangan niya tayo." Sabi ko habang humahagulhol.
"Bella, Wala na si Kla—" pinutol ko ang sasabihin niya.
"Hindi! Andun siya tulungan natin siya." Sabi ko saka naupo.
Kusang nanghina ang mga binti ko. Napa-ubob na lamang ako at napaiyak. Wala na si Klarence, Nakuha na siya ng mga zombies. Kasalanan 'to ni Dr. Wilson. Putakte, Wala na siya. Wala na.
"Shh... Stop crying." Sabi ni Zach.
Paano ako kakalma kung pati si Klarence ay wala na. Akala ko ay hindi ko na mararamdaman pang muli ito pero takte, masakit na naman. Doble doble yung sakit na nararamdaman ko.
"Nang dahil sa katangahan ko ay nawala sa atin si Klarence." Sisi ko sa sarili ko habang patuloy sa paghikbi. "Nang dahil sa katangahan ko ay nawala sa akin ang taong mahal ko. Hindi ko kayo masisisi kung sisihin niyo ako sa mga nangyari ngayon. Hindi ko rin kayo masisisi kung magalit kayo sa akin dahil iyon ang nararapat." Sabi ko saka muling napaub-ob.
"Wala kaming sinisisi dito, Bella. Kung may isang tao man na nararapat sisihin ay hindi ikaw 'yun kundi si Dr. Wilson. Siya ang may pakana nitong lahat at hindi ikaw. Hindi magkakaganito kung hindi dahil sa kaniya." Sabi ni Fiona saka ako nilapitan.
"Pero n-nagkamali ako, Nagkamali ako. Hindi ko nabantayan ng maayos si Ben kaya nagkaganun." Sabi ko pa.
Napahinga ng malalim si Caleb saka nagsalita. "Oo, Kung titingnan natin ng maayos ay sitwasyon ay oo... Dapat ka naming sisihin dahil nga naging pabaya ka pero may narinig ka ba sa aming salita? Wala Bella... Wala. Dahil bago siya makagat ng mga zombies ay hiniling niya na protektahan ka namin... Kayong dalawa. At kaibigan ka namin kaya hindi namin magawang magalit sa iyo." Sabi nito.
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Ngayon ay ramdam ko na ang pagmamahal nila sa mga kaibigan nila.
"Kaya ang kailangan natin ngayon maghanda at hindi magsisihan." Sabi ni Dan. "Walang may gusto ng mga nangyayari ngayon kundi si Dr. Wilson lamang. Pero ngayong wala na siya, Mas malakas na ang pwersa natin. Tanging ang mga zombies na lamang ang kalaban natin."
"Hindi ba't sinabi ni Klarence na anak niya si Ben?" takhang tanong ni Fiona.
Agad na sumagot si Zach. "Oo, Anak niya si Ben."
Napatingin kaming lahat sa kaniya. Alam niya na anak ni Klarence si Ben? Matagal na?
"You know?" tanong ni Fiona.
Tumango ito. "Oo, Hindi ba't bago kayo ipagkasundo ni Klarence ay nagkaroon siya ng karelasyon sa America?" kaya pala parang may accent kung magsalita si Klarence.
"Nagkaanak sila at ipinakilala ni Klarence si Ben sa mga magulang niya pero dahil ayaw ng mga magulang niya ng tsismis tungkol sa kanila, Mas pinili nilang palakihin si Ben bilang kapatid ni Klarence imbis na ama. Kaya ganun na lamang siya ka-istrikto pagdating kay Ben."
BINABASA MO ANG
Zombie Apocalypse✓
ParanormalThe Zombies... Are coming! Sa gitna ng pandemyang kumakalat at pinoproblema ng mundo, Ang Zombies. Sa gitna ng Apocalypse ay ang dalawang puso ay patuloy pa ring mag-iibigan. Pag-iibigang handang isakripisyo ang sarili para lamang sa taong minamahal.
