Hindi ako makapaniwalang nangyayari sa akin ang ganito. Kahit anong gawin kong paglimot sa kanya sya parin ang mahal ko. Minsan niya na akong sinaktan at pinag tabuyan, ngayong may anak na sya ay dapat ko na syang kalimutan pero bakit hindi ko magawa? Ilang taon na ang lumipas at isa na ako ngayong matagumpay na negosyanteng tao, marami ng dumaang babae sa buhay ko, hinahabol habol ako at iniiyakan. Kuntento na sana ako sa buhay ko. Akala ko, nakalimot na ako sa kanya nung mga panahong iniwan nya akong bigla. Nung mga panahong kami pa at masaya pa. Kay sarap balik-balikan, pwera don sa masalimuot na pangyayari. At ngayon nagbalik sya sa buhay ko bilang isang pinaka mababang babae, hindi na sya tulad ng dati na kinababaliwan ng lahat at tinuturing na parang isang tunay na prinsesa. Tila babasaging porselana sa hinhin ng pagkilos, ang dating makinis at maputi nitong balat ay kupas na. Nagbago na ang lahat sa buhay nya. Isa nalang ang hindi nagbabago, ang pagmamahal ko sa kanya. Pero kahit na ganon, wala akong balak na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Nandito pa rin ang hinanakit sa aking puso at kahit kailan ay hindi mawawala ito. Hinanakit at galit, kaya maghihiganti ako.
Akalain mong mapagbiro ang tadhana, tila sumasang ayon sakin. Ang babaeng niluhuran at iniyakan ko para lang bumalik at sinaktan ako ng sobra. Ngayon ay nagmamanikluhod para tanggapin ko ulit sa buhay ko, bilang isang kasambahay. Nagmamakaawa para sa isang maliit na trabaho, pilit kong inalis ang awang lumukob sa puso ko. Sinariwa lahat ng sakit at pait ng kahapong dinulot nya, ngayon ay oras ko na upang bumawi.
"Ano ba?! Linis ang tawag mo dyan? Ayusin mo nga!" Nanginginig na sinunod nya ang sinabi ko. Pinaulit ko ang pagpunas nya sa sahig.
"Yung mga basura naitapon mo na ba?" tanong ko.
"O-opo." nauutal na sagot nya.
"Talaga? Eh bakit may nakita akong mga balat ng sibuyas sa kusina?!" nataranta sya sa sinabi ko.
"A-ah.. Pasensya na sir---" nauutal na saad niya. "Linisin mo iyon, NGAYON NA!" mas lalo syang nataranta nang sumigaw ako pagkatapos ay nagkukumahog na tinungo ang kusina. Sinundan ko sya ng tingin. Dapat masaya ako sa ginagawa ko, nakaganti na rin ako sa kanya. Pero bakit parang kinukurot ang puso ko sa tuwing nakikita ko syang nahihirapan? Hindi pwedeng ganito ang maramdaman ko. Hindi pwedeng masira ang plano ko dahil sa oras na magpadaig ako, siguradong pagtatawanan nya ko.********
"Aminin mo na kasi just nagagandahan ka rin sakin, wag mo na pigilan ang iyong sarili" parang lintang nakapulupot sa akin si hailey habang sinasabi ang mga salita na iyon. "Manahimik k-" Sabay kaming napalingon ni Hailey sa may pintuan nang may marinig kaming bagay na tila nabasag. Si Selena. Namumula ang buong mukha nya. Putlang putla ang nakaawang na mga labi at nanginginig ang mga kamay. Unti unti akong lumayo kay hailey habang nakatitig kay selena. "S-s-sorry.. H-hindi k---"
"IMPAKTA! ANONG GINAGAWA MO RITO?! LABAS!!" nanggagalaiting tili ni Hailey sa likod ko.
Kitang kita ko ang pag guhit ng sakit sa mga mata ni Selena nang gumawi ang tingin nya sakin, parang maiiyak anumang sandali. "Anong tinutunga tunganga mo dyan?! SABI KO LABAAASS!!" nagsisisigaw na si Hailey.
"Pasensya po.. Pasensya na po." Ngunit bago sya tuluyang tumalikod nahuli ko ang pagkislap ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. Nakasara na ang pinto pero nanatili akong nakatitig doon.
"Sisantehin mo ang babaeng iyon! Walang hiya! Basta basta na lang pumapasok!" galit na galit na sabi ni Hailey. Hindi ko alam pero biglang nag init ang ulo ko sa sinabi nya. Nawalan na ko ng gana. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang braso at tsaka hinila palabas ng aking kwarto. Pinulot ko isa isa ang mga nagkalat niyang gamit sa sahig.
"A-anong ginagawa mo?" nataranta syang bigla nang makita nyang pinupulot ko ang mga gamit niya. Agad syang pumasok ulit sa aking silid at hinawakan ako sa braso. "Ituloy natin!" siniko ko ang kamay nya paalis. "Tapos na tayo, nawalan na ko ng gana atsaka pwede ba tantanan mo na ako hindi kita mahal."
"ANO?!" nahihintakutang tinignan nya ko.
" Ibig kong sabihin.." itinigil ko ang ginagawa at hinarap sya. " Ayoko na sayo. Ngayon, LAYAS."********
Lumipas ang mga araw, napapansin kong nangingilag na sakin si Selena. Kapag may inuutos ako, agad din naman nyang sinusunod pero agad din syang umaalis kung nasan man ako. Naiinis na ko sa ginagawa nya. Parang wala nang epekto sa kanya tuwing sinisigawan ko sya, bihira nalang nya akong imikin. At mas lalo akong naiinis dahil hindi na ito nagkakamali sa mga gawaing bahay. Wala na tuloy dahilan para sigawan ko sya.
"Ipagtimpla mo ko ng kape."
"Kunin mo yung dyaryo sa labas."
"Yung mga halaman, nadiligan mo na ba?"
Kunin mo yung mga gamit ko sa sasakyan."
Para na akong tanga kakaisip ng pwede kong iutos. Yun lang kasi ang paraan para lumapit sya sakin at matitigan ko sya sa malapitan.
Nayayamot na ako sa mga nangyayari.
Bakit ba hindi nya ko pinapansin?!
YOU ARE READING
Loving Selena
FanfictionMatagal na tayong nakagapos sa isang kahapon. Isang kahapong karugtong ng ngayon. Isang ngayong tinatanaw ang bukas. Isang bukas na may pag-asang dala. Balik tayo sa simula, kung saan binuo ang isang IKAW ang isang AKO. November 19, 2021 - November...