Chapter 1: How To Pick A Target

55 1 0
                                    

Dear Diary,

First day ko ngayon sa isang lugar na hindi ko masyadong kilala. Natatakot ako. Natatakot ako na baka.. Baka mangyari ulit yung nangyari dati.. Ayoko nang mangyari yun.

6:30 am

Nandito na ako sa room na naka-assign sa akin. Biology ang una kong class. Naka upo ako sa pinaka dulong seat sa room. Wala pang tao. Ako palang mag isa. Patay pa ang mga lights habang naka upo ako at nakatingin sa white board. Naisipan kong matulog muna.

6:57 am

May naririnig na akong nagtatawanan. Tiningnan ko ang paligid.

Nandito na sila!

Mga classmates ko. Ang sososyal at tatalino nilang tingnan.

May nahagip ang mga mata ko. Isang babaeng maganda, matangkad at mapayat. Kausap niya ngayon ang limang babae na nakaupo sa pinaka harapan. Siguro yun yung mga katropa niya. Maya maya ay may nag bukas ng pintuan.

"Good Morning Class!" saad ng isang lalaking mataba na may kaunting katandaan. Halata sa muhka nito ang pagod at antok.

"Im Mr. Rivera and I will be your Professor here in biology 12"

Nagsi upuan naman ang mga kaklase ko sa kanya kanyang mga upuan ng mapansin ko na lahat pala ng mga upuan ay may naka upo na. Pwera nalang sa upuang katabi ko.

Naiiyak na ako. Ayaw ba nila sa akin? Mabaho ba ako?

Kumuha ako ng kapirasong tela sa uniform ko at inamoy. Hindi naman ah? Bakit ayaw nilang tumabi saken?

Napansin ko namang naka tingin sa akin ung babaeng maganda kanina. At parang may sinasabi siya doon sa kausap niyang babae kanina habang nakatingin sa akin na nakangiti.

Ano kaya ang sinasabe niya? Kinkilabutan ako.

Mama... First day palang ng school naiiyak agad ako. Makakaya ko kaya ito? Mama....

Ayoko na.... Shet! Naiiyak na ako.

Bigla akong naka rinig na parang may pumihit sa door knob.

"Sir! Im sorry Im late." hindi ako naka tingin doon sa nagsabe. Naka tungo lang yung ulo ko. Palabas na yung mga luha ko eh. Ramdam ko na lahat ng mga mata ng tao sa buong kwarto ay naka tingin sakanya. Naramdaman kong parang may tumititig sa akin.

"Sige, ok lang. First day palang naman ngayon eh. Papalagpasin ko. Anong surname mo?"

"Lorenzo ho! Christian Lorenzo!" nang marinig ko ang pangalan na iyon. Biglang naging kamao ang kamay ko. Bait ganito? Parang narinig ko na yung pangalan na iyon?

"Sige, maupo ka doon sa babaeng nasa dulo." Hindi ko nalang pinansin. Nang maramdaman ko na parang may upo sa tabi ko. Napatingin nalang ako dito. Bigla naman niya akong tiningnan at nilahad ang kamay.

"Hi, ako nga pala si Christian Lorenzo. Nice meeting you." bigla siyang ngumiti sa akin. May narinig akong naguusap kaya tumingin ako kung sino ang nagsasalita noon. Nagulat nalang ako na yung babaeng maganda pala yung

"That bitch! First day palang ang landi agad niya. Who does she think she is?"

"Ano ka ba girl! Pagdating ko kaya dito natutulog lang siya. Siguro hindi pa siya kumakain. Boo her. Hahaha."

"Siguro nga ahahahha. Bitch!" Nagulat nalang ako ng biglang tumayo yung lalaking katabi ko at sinabing...

"Hoy, sino pa kaya ang mas malandi sa inyong dalawa? Eh wala ngang ginagawa yung tao ginaganyan niyo na. Nakikipag kilala lang ako. Grabe naman kayo makapanalita. Umayos nga kayo!" gulat na gulat ako sa mga sinabi niya.

"Mr. Lorenzo. Get out. Go to detention!" sabe ni Mr. Rivera

At lumabas na si.... Lorenzo ba yun? Basta yun.

"Huh.. Pinaglaban niya pa kasi yang babae na yan eh. As I know mahirap lang yan. Namumulot lang yan ng basura. Buti nga nagkakasya yung pera niya para makapag aral dito rh. *Smirk"

Hindi ko nalang pinansin.

Em... Inhale,,,, Exhale...

Wag kang gagawa ng gulo. Wag! Baka mangyari ulit yung nangyari dati.

Diary, lumipas ang araw. Ang ginawa lang namen ay magpakilala. Hindi na rin pumasok si Mr. Lorenzo sa remaining classes namin that day. Naawa ako sakanya. Dapat hindi na niya ako ipinagtanggol. Kaya ko naman tiisin eh. Nalaman ko rin yung pangalan nung babaeng pinaparinggan ako kanina siya pala si Slyntrica Flores. Grabe pangalan palang nakakapanlabot na. Paano pa kaya pag nakilala ko na.

Oo Diary...

Titiisin.. Konting Tiis lang lilipas rin yan.

Dito na nagtatapos yung first day ko. Wala man akong nagawang kaibigan atleast alam kong magiging tahimik ang buhay college ko.. Sana... Sana.. Nagaalala pa rin ako kay Mr.Lorenzo... Kamusta kaya siya.. Dito na nagtatapos..

~Em

Spying Mr. PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon