Sisimulan natin ang kuwento tungkol sa dalawang magkaibigan na si KOKOY at TANIO.
Unang linggo sa buwan ng Pebrero taong Dalawanlibo't labing apat nang magkita mula sa isang school reunion ang magkaibigang sina KOKOY at TANIO. Madalas noong nasa Kolehiyo pa sila ay lagi silang nagpupunta sa mga magagandang lugar sa Pilipinas. Si TANIO ay miyembro ng isang Mountaineering Club sa Kolehiyo at si KOKOY naman ay aktibo sa isang Social Works kung kayat pareho silang nakakabyahe sa mga lugar sa bansa. Nang makapagtapos sila ng kolehiyo ay naging isang Tourist Guide si Kokoy kaya madlas na nasa ibang lugar at bihirang makauwi sa kanilang bahay. Bagama't sya lamang ang inaasahan ng kanyang magulang dahil ulila na si KOKOY sa ama. May isang kapatid si Kokoy na nag aaral din sa High School at isang iskolar ng City Government kung kaya't hindi gaanong iniisip ni Kokoy ang kanyang pang matrikula. Simula ng magtapos si Kokoy ay pagtatrabaho ang kanyang inatupag. Masaya sya sa kanyang trabaho dahil sa bukod sa kinikita nito ay nakapaglalakbay sya sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Sa halos sampung taon nya sa trabaho bilang Tourist Guide isang lugar lamang ang kanyang binabalikbalikan, ito ay ang VIGAN sa Probinsya ng Ilocos Sur. Si Kokoy ay tubong Quezon City ngunit napamahal na sa kanya ang VIGAN dahil sa yaman ng kultura nito at sa masasarap ng pagkain. Hindi rin sya nahihirapan na pakibagayan ang mga taga rito dahil kahit papaano ay nakakaintindi na rin ng salitang Ilokano si Kokoy. Isa pang nagpapaalala kay Kokoy ang isang tao na nakilala nya sa Vigan ay ang dating kaklaseng si Rita na kanyang naging nobya noong nasa kolehiyo pa sila. Si Rita din ang naging daan upang makilala naman ni TANIO ang kanyang live in partner na si Sofia Joy.
Si Kokoy at Tanio ay madalas na bumabyahe sa VIGAN noon hanggang sa unang taon mula ng makapagtapos ng kolehiyo dahil sa kanilang mga nobya ngunit makalipas ang ilang buwan ay tanging si Tanio na lamang ang nakakabyahe dahil naghiwalay si Kokoy at ang kanyang kasintahan na si Rita. Napabalita na si Rita ay nakapag asawa ng isang Konsehal ng isang bayan sa Ilocos kung kaya't nakipaghiwalay ito kay Kokoy.
Sa mga nagdaang panahon ay nawalan na din ng komunikasyon ang magkaibigan na si Kokoy at Tanio kung kaya't ipinagpapasalamat nila ang pagkikita nilang muli sa isang school reunion.Nanumbalik ang masasayang alaala ng magkaibigan at binalikan ang mga naging byahe nila. Masayang masaya ang dalawa sa kanilang naging samahan sa kolehiyo. Nagkamustahan habang umiinom ng serbesa. Halos hindi mapaghiwalay ang dalawa hanggang sa matapos ang gabi.
Kokoy: "Pare, may balita ka ba kay Rita?" napansin ko kasi na hindi siya dumalo sa reunion ng klase natin"
Tanio: "Pare, ang huling balita ko sabi ni Sofia ay nagmigrate daw sa Canada kasama ng kanyang asawa."
Kokoy: "Talaga?" Kailan pa?
Tanio: "Itong taon lang... kasi madalas silang nagtatalo mula ng bumalik sa personal life nya ang asawa nyang Konsehal."
..."hindi rin sila nagkaanak ng asawa nya kung kaya't nag ampon sila at nagpasyang mamalagi na sa Canada."
Kokoy: "Ganun ba..." mabuti na rin siguro yun dahil kung ako rin ang nakatuluyan nya ay tiyak na hindi rin kami magkakasundo dahil alam mo naman ang magulang ni Rita ang sukatan ay pera hindi ang pagkatao."
..."Ano naman ang pinagkakaabalahan mo ngayon bukod ka Sofia Joy?"
Tanio: "hahahahahaha...loko ka! ganun pa din itinuloy ko ang hilig ko sa art... Mayroon akong sariling Print Shop at expression Shirt... paminsan-minsan rumaraket ng pag extra sa mga commercial."
..."alam mo na hindi man kagandahang lalake eh maraming nagkakainteres sa intsura ko para mag artista."..hahahahaha
Kokoy: "Mabuti ka pa nga eh... ako eto kayod ng kayod alam mo naman na ako lang ang inaasahan ni ina di ba"...
BINABASA MO ANG
KILLER BUS
HorrorIto ay ang istoryang hango sa mga pangyayari sa mga pampasaherong Bus na bumabaybay sa kahabaan ng daan sa North Luzon... at kuwento ng kababalaghan sa daan sa ilalim ng kabilugan ng buwan.