Chapter 2: Shocked

9 1 0
                                    

Kinabukasan, nag facebook ako. At nagulat ako sa mga nabasa ko. May mga babae siyang sinayaw.

"Huh? Diba may GF siya?" Bulong ko sa sarili.

Hinayaan ko nalang yun. Na realize kong college na'ko at wala parin akong boyfriend dahil sa kanya. May mga manliligaw naman ako. Kung sumagot kaya ako?

Kaso may nag pop up na quote sa utak ko. "Don't rush love for it never runs out. Let love be the one to knock at your door, so by the time you start to fall, you know that your feeling is for sure." Diba? Nabasa ko yan sa isang libro gawa ni Gorgeousdreamer.

Sundin ko kaya yun? Haay. Stress na stress na ko. Kinausap ko si God. Inistrech ko yung kamay ko at "Lord, pa hug naman po oh? Stress po ee" laging gumagaan pakiramdam ko pag ginagawa ko to. Try niyo din.

Lumipaas nanaman ang mga araw. Di ko na siya nakikita. Buti narin siguro yun.

Buwan na ang lumipas, malapit na ang Christmas break. Naglalakad ako mag isa para pumunta sa Canteen. Lunch na kasi.

Madaming tao ngayon sa canteen, pero nakakita parin ako ng pang apatan na mesa. Ng makaupo nako, nakita ko siya papunta sa counter. Mag isa siya ngayon, bakit kaya?  Pinagtitinginan nga siya ee. Yung iba bumabati pa. Bumabati din naman siya pabalik. Bat ang friendly nito? Kaya madaming naiinlove sa kanya e.

Pagkabili niya, naghanap siya ng upuan. Tapos nakita niya yung mesang pinagkakainan ko. Tapos napatingin siya sakin, lumihis ako ng tingin at kumain ulit. Maya maya nasa harap ko na siya. "Kee, pwedeng paupo? Wala na kasing bakante e." "Ahh, sige"

Pagkatapos, umupo na siya. Napapansin kong dipa siya kumakain at tingin ng tingin sa relo niya. "Ahh bat di ka pa kumakain?"

"May hinihintay pa kasi ako e :)"

Malapit ko ng maubos pagkain ko ng may tumabing babae sa kanya. Ang ganda ganda niya. Nagtawanan lang sila dun at parang di pansin na may tao sa harap nila. Umalis nalang ako ng di nila namamalayan. Di naman importante kung magpaalam pako e.

Pagkatapos ng last subject. Nag jeep nako agad pauwi. Ng dahil sa matakaw ako. Nagmirienda muna ako sa kanto namin. Tumakbo nako pauwi. Nagmano kay mama. Dumiretso ako sa kwarto namin ni ate. Wala kasi akong sariling kwarto. Kinuha ko ang gitara ko at kinanta habang tumutugtog ang stay ni Miley Cyrus. Pagkatapos sumenti. Nalala kong kailangan kong magpractice para sa christmas party namin. Solo performance kasi kami isa isa sa section namin. Kakanta nalang ako. First time kong kakanta sa madaming tao. Kinakabahan ako. Lalo na't sa friday na yun. Miyerkules na ngayon. Kaya yannn! :)  Pagkakain ng dinner, nanunuod ng palabas. At natulog narin.

Another CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon