a collab with: Kadeem Aberdeen
***
"Laura! Gumising kana d'yan!" sigaw ni Mama habang malakas na kinakatok ang pinto ng kwarto ko. "Lumabas kana d'yan ah! Magluluto ka pa!"
"Oo na! Oo na!" kinusot ko ang namumungay kong mata at tumayo mula sa pagkahiga.
Agad ko nang inayos ang kama ko at humarap sa tukador para ayusin ang buhok kong magulo bago lalabas ng kwarto. Pagkatapos kong ayusin ay agad naman akong lumabas ng kwarto at dumiretso na sa kusina para magluto.
Natapos na akong magluto ng umagahan kaya tinawag ko na si Mama na nasa kabilang bahay na naman. Napakalmot na lang ako sa ulo nang makita siyang nakikipag-usap sa kapitbahay naming chismosa.
"Ano na naman kaya topic nila?" tanong ko sa sarili ko. Bumuntong hininga muna ako bago ko isinigaw ang pangalan ni Mama‚ "Hoy! Laurine Shanchez! Mama! Halika na po!"
Napatingin naman ang mga chismosang kapitbahay sa'kin. Sinamaan pa ako ng tingin ni Mama bago magpaalam sa kausap niya.
"Ano ba‚ Laura?! Hindi ka ba marunong tumawag ng hindi sumisigaw?" inis na tanong ni Mama‚ "Para ka namang palengkera."
"Nako‚ Ma‚ no more chikas. Kain na po." pinaupo ko na si Mama at umupo na rin ako.
Aktong susubo na ako nang nagsalita si Mama‚ "Pray ka muna."
Natigilan naman ako‚ "Bakit ako‚ Ma? Ako rin nagpray kahapon."
"Ewan ko sayong bata ka." inikutan ako ng tingin ni Mama bago ito nagdasal.
I chuckled.
"Amen‚"
Mabilis ko nang isinubo ang pagkaing nasa kutsara ko. Napatingin ng masama si Mama sa'kin sa pagmamadali kong pagkain.
"Ops! Para muna." pigil ni Mama‚ "Hinahabol ka ba ng kabayo‚ anak? O sadyang hindi ka lang nakakain ng limang taon?"
"Ma‚ mala-late ako oh. Kailangan kong maipasa ang mga reports ngayon bago mag-alas dose." saad ko habang patuloy akong kumakain.
"Paano ba naman? Ang taas na ng araw kapag gumigising tapos halos madaling araw nang natutulog." wika naman ni Mama.
"Done!" agad na akong tumayo at dinala ang pinagkainan ko sa sink.
"Ako na ang maghugas. Maligo kana." ani Mama.
"Sure ka‚ Ma? Oh sige‚ 'wag mo akong pagalitan ah?" tumakbo na ako patungo sa kwarto para kunin ang tuwalya at kumaripas ng takbo sa paliguan.
Bago ko sinarado ang pinto ng paliguan ay sinilip ko muna ang oras‚ "Okay‚ thirty minutes."
Mabilis na akong naligo habang pakanta-kanta pa ako‚ "When the night gets dark‚ let me be your fire~"
Pagkatapos kong naligo ay agad na akong nagbihis at nag-ayos.
"Ma! Aalis na po ako." paalam ko kay Mama.
"Goodluck‚ anak! I love you!"
Napangiti naman ako‚ "I love you too‚ Ma!"
Kaming dalawa na lang ang naiwan mula nung iniwan kami ng Papa ko. Naghirap din kami at lumubog sa utang. Hindi rin kasya ang sweldo para pambayad sa utang namin kaya doble kayod ako ngayon.
Dumating ako sa office at agad nang ginawa ang mga dapat kong isubmit ngayon bago mag-alas dose. Sunod-sunod din ang mga pinapagawa sa'kin ng mga kasamahan ko kaya hindi ko nang namalayan na malapit na pala ang lunch break.
I rushed to my bosses office to submit my report. I was about to leave his office when he uttered my name‚ "Laura Ave Sanchez‚"
"Yes‚ Sir?" lumingon ako sa kanya.