Nagpunta ako sa school niyo para puntahan at kunin yung form 137 ng pinsan kong si Erian
Waltz...
nag papractice kayo ng waltz para sa JS
wala kang kapartner kaya tinawag muna ako ni Daphne
Ang bestfriend ko
"Justin Carpio!"
"Bakit?" mataray kong tanong
"partneran mo muna si Cyrus, Wala yung partner nya eh" mistulang kinikilig pa habang tinuturo ka nya
ikaw
ikaw na ex ko ...
"Osige pero saglit lang ah ?" lumapit ako sayo at nagulat ka, nagulat ka kasi akala mo ata affected pako, akala mo ata hindi ko kaya, akala mo ata bitter pako
nag ballroom position na tayo at akala ko lang din ata ?
Napahugot ako ng hininga, hindi ko kaya
nakaka suffocate, sobrang lapit natin sa isa't isa
buti na lang hanggang dibdib mo lang ako, dahil yung pwesto natin pag magkatangkad lang tayo nose-to-nose na sa sobrang lapit
humakbang ako ng 4 steps backward para makalayo sayo
hindi kasi ako makahinga
pero bat ganto ? di ka naman sumusunod sa akin pero suuuper lapit padin natin sa isat isa
parang walang nagbago
mas ikinagulat ko ang mga susunod na nangyari
inilapit mo yung pisngi mo sa pisngi ko ng dahan dahan tapos dahan dahan mong inangat yung ulo mo at dinikit ang mga labi mo sa gitna ng noo at ng bunbunanan ko
tapos...
hinalikan mo yung area na yun
at ako ? anong nangyayari sakin ? bakit tulala lang ako at walang magawa? bakit ganto ang reaksyon ng katawan ko sa ginagawa mo
kalmado ka lang at poker face pa habang ako litung-lito sa nangyayari
akala ko wala ka ng dating sakin pero bat ganto
ANG PUSO KO...
tug.dug.tug.dug.tug.dug....
Ang lakas ng tibok, nakakbingi nakakatuyo ng lalamunan
ano bang nangyayari sakin ?
kailangan ko ng magreak, bago pa sumabog ang puso ko at tumalsik ulit papunta sayo
"Ayako na nga, ang landi landi kasi eh"
pero di mo pa din binibitawan ang kamay ko, napakalapit padin natin sa isa't isa
kalmado at wala ka pading reaksyon
kailangan kong mainis at sumigaw para hindi ko marinig ang tibok ng puso ko
inangat ko ang muka ko para sana sumigaw at sabihin sayo na ayako na
"Ayako na nga ka--"
napatigil ako, dahil sa pag angat ko ng muka ko dumikit ang
ilong ko sa ilong mo
Nagulat ako kasi muntikan na yun
nakatitig pa din tayo sa isa't isa
hindi ako makapag react, nag malfunction na ata ang isip ko
I can smell your breath sa sobra mong lapit
Amoy ko pa din ang mintspray na lagi mong gamit
nag papanic na ako sa isip ko pero ang katawan ko wala pading reaksyon hindi maka galaw
hindi makapagresponse sa gagawin mo
sa gagawin mong unti-unting paglapit ng labi mo sa labi ko
sa dahan dahan na pag galaw at pag baba ng muka mo patungong labi ko
---