Chapter 3

38 5 2
                                    

Kinabukasan, nang dumating sa opisina si Maggie, napansin niyang halos lahat ng staff doon ay napapanganga kapag nakikita siya. Naka-makeup kasi siya, maiksi ang palda niyang itim at naka long sleeved blouse siya na puti. Nakatakong din siya.



Sa sarili niya ay hindi niya mapigilang matawa. Hindi kasi sanay ang mga katrabaho niyang ganon ang kanyang ayos. Kadalasan ay nakasuot lamang siya ng blouse at square pants at palagi siyang naka-blazer, kahit mataas na ang sikat ng araw sa labas.



"Good morning, Ma'am," napakurap-kurap na bati ng guwardiya nila sa kanya.



"Good morning," ganting-bati niya rito, saka humakbang patungo sa kanyang silid.



Humarang sa daraanan niya si Lorine, ang sekretarya niya.



"Any messages for me?" tanong niya rito. Matipid siyang ngumiti kapag nasa opisina at oras ng trabaho.



"Ma'am, you have a lunch meeting with Ms. Reyes regarding the forthcoming merger of Pablo and Sons with Analie. At four in the afternoon, you have to meet Ms. Rivera about the Cavite land dispute. And Doctor Ela Uy called up asking if you were already in the office and she asked if you could call back," banggit nito.



"Okay." Hawak na niya ang doorknob ng kanyang kuwarto nang muli siyang awatin nito.



"Ahm, Ma'am, Architect Bryan Sarmiento is waiting for you inside," pahabol na sabi nito.



"Okay. Sige. Thank you, Lorine." Pinihit niya ang doorknob at itinulak ang pinto pabukas.



Nakatayo si Bryan nang mapasukan niya.



"Good morning?" Naging patanong ang naging tono ng pagbati nito sa kanya. Marahil ito man ay nagulat sa transpormasyon niya. Iginala pa nito ang mga mata sa kabuuan niya.



"O, is there anything wrong, Bryan?" tanong niya.



"Nope. Nagulat lang ako sa hitsura mo. Hindi lang ako sanay na... na ganyan ang ayos mo," komento nito.



"Pangit ba?"



"No. As a matter of fact, you look great. What's the occasion?" balik-tanong nito.



Nang marinig niya ang salitang 'great' ay lihim siyang natuwa. At least, pasado siya sa first rule na ibinigay ni Ela.



"Wala naman. I thought I'll try this on for size. Matagal-tagal na rin naman 'tong nakatago lang sa wardrobe ko. Sayang naman kung hindi ko maisusuot. Baka kapag naghintay pa ako ng okasyon, baka makaliitan ko na." Sinundan niya ng tawa ang sinabi.



"Sana, araw-araw ay ganyan ang ayos mo. Ang ganda mo lalo kapag nakaganyan ka," puri nito.



Pumalakpak ang mga tainga niya. "Ano po ba'ng maipaglilingkod ko sa inyo, Architect Sarmiento? What brings you to my office on such an early hour?" pabirong tanong niya rito upang maalis ang titig nito sa kanya.



"So, what did Ela tell you last night?"



"Ah, is this what it's all about?" Sandali siyang napahinto, nag-iisip ng sasabihin. "Well, katulad din ng sinabi sa'yo ng kaibigan ko, the same excuses. Sa tingin ko, totoo naman talaga ang sinasabi niya. Baka naman talagang nagkakataon lang na tuwing nagyayaya kang lumabas ay natatapat lang na full ang schedule niya."



"Well, whatever it is that you told her, ang galing galing mo talaga." Bigla itong tumawa, saka niyakap siya nang mahigpit.



Napakunot-noo siya. Mabilis na kumawala siya sa yakap nito. "B-bakit? What did I say?"



 • Playing Cupid •Where stories live. Discover now