CHAPTER O1

0 0 0
                                    

*SOMEONE's POV*
'
"Oh anak san ka pupunta?"
Tanong naman ni Nanay na kakagaling lang sa palengke.
"Ah nay sa park lang po sana."
Nagkakamot na batok kong sagot dito dahilan para ikangiti niya.
"Naku ang anak ko talaga. Osige na basta wag kang lalayo maliwanag? Baka maligaw ka ha?."
"Hindi po nay babalik din po ako kapag malapit na gumabi."
"Osige mag ingat ka ha? Wag karing mag papagod masyado dahil kakagaling mo lang."
Ngumiti naman ako ng matamis kay Nanay dahil simula nung nagising ako sa pagkaka comatose ko ng anim na buwan ay sobrang alaga niya na talaga sa akin. Actually silang tatlo nila kuya at tatay.
Ang kaibahan ngalang ay napaka over protective na nila sa akin ngayon ewan ko ba simula nung nagising ako ay naging ganyan na silang tatlo sa akin.
Wala ngayon si Tatay kaya makakalabas pa ako ng bahay sa ngayon.
"Opo nay."
Humalik muna ako sa pisnge ni Nanay bago ako tuloyang lumabas ng bahay.
Kakalipat lang pala namin sa bahay na'to. At ewan ko ba pero ang gaan ng loob ko sa bahay namin ngayon at hindi ako naho-homesick katulad ng ibang bahay na nilipatan namin.
Hindi pa pala ako nakapag papakilala sa inyo.
Ako nga pala si Kate Anne Sandoval 18 years old.
Anak nina Marilyn Sandoval at Gerald Sandoval.
Ang pangalan naman ng kapatid ko ay Oliver Sandoval. Isa siyang manager ng restaurant sa Makati.
So ito nanga ako ngayon naglalakad papunta sa park, hindi ko alam kung bakit ko ba gustong pumunta dun ngayon.
Nagugulohan din ako pero kahit na ganun ay pupunta parin ako.
Pagdating ko sa park ay umupo muna ako sa isang bench na nandun. Namiss ko tuloy bigla ang best fried ko.
Kapag ganito kasing oras kasa kasama ko siya sa pamamasyal, minsan naman ay kasama ko siya kumain ng paborito naming ice cream.
Speaking of ice cream😍 ..
"Kuya pabili po magkano?"
Tanong ko naman kay Mamang sorbetero.
"15 lang po ma'am."
"Ah ito po gusto ko kuya puro chocolate lang ah?"
"Sige po ma'am."
Habang tinitignan ko si manong na naglalagay sa cone ng ice cream ay bigla akong nag laway.
Ganyan ako kapag natatakam😂.
"Ito po ma'am."
Abot naman sa akin ni Manong kaya nagpasalamat na ako dito matapos kong makuha ang ice cream ko.
Napatigil naman ako sa pagkain ko nung naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa.
Agad ko naman itong kinuha at binasa ang message.
Si rose pala.
"Best kamusta dyan? Namimiss na kita. Marami bang gwapo dyan? Hahaha"
Yan lang naman ang laman ng message. Napailing nalang ako sa kabaliwan ni Rose. Wala akong load pang reply sa kanya kaya ipinasok ko nalang ulit ang cellphone ko sa bulsa ko hanggang sa--
"Tanginamo naman eh!"
Asar na sabi ko dahil nabangga lang naman ako at ito po ako ngayon sa lapag😑.
Agad naman akong inalalayan ng walangyang lalaking bumangga sa akin--pero pagka tingin ko sa mukha niya ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Bakit?
Bakit parang napaka pamilyar ng mukha niya sa akin?.
At bakit ganito ako kaapektado nung makita ko siya?.
"Sorry miss."
Paghingi naman ng lalaki ng paumanhin sa akin.
Bigla namang napa awang ang labi ko nung tumingin na ito sa akin. At para bang kinikilatis ang mukha ko. Shockss may dumi ata ako sa mukha.
"H-Hon?"
Tawag naman niya kaya biglang sumingkit ang mata ko. Okay na eh. Okay na pero pinag kamalan ako nitong girlfriend niya?.
At bakit ganun? Nakaramdam ako ng kirot nung naisip kong may girlfriend na sya?.
"Hoy gago ! Anong hon hon ka dyan ! Ulol mo. Nag aadik kaba? Bayaran mo yung ice cream ko hindi mo mababalik yan sa sorry sorry!."
Asar ko nalang na sigaw sa kanya habang turo turo ang kawawang ice cream ko na natapon na ngayon😭.
Nababaliw na siguro ako pero sayang kase ang ice cream ko.
Kahit na gwapo ang isang 'to uupakan ko talaga siya kapag hindi ako binili ng bago.
"S-sorry--akala k-ko akala k--"
"Akala mo ako yung syota mo? Lul wala akong boyfriend na--"
Pabitin kong pang sabi dito habang tinitignan siya mula ulo hanggang sa paa.
Gwapo mga beshy😍 kaso taken na si Kuya niyo😞.
Mukha naman siyang naasar sa ginawa ko kaya medyo napangisi ako. Cute niya lang maasar😂.
"Kapreng panget tsk."
Walang kabuhay buhay na sabi ko dahilan para paningkitan niya ako.
"Excuse lang miss ah? Ano yung sinabi mo? Panget ako? Wow ha! Wala din akong girlfriend na katulad mong---"
Pabitin niya ring sabi at tinignan din ako mula ulo haggang paa.
Walangya 'to ah gaya gaya. Napakuyom naman ako ng kamay ko nung makita ko ang mapang asar niyang mga tingin sa akin.
"Ano sige ituloy mo."
Hamon ko pa sa kanya. Kapag mali sinagot nito sasapakin ko talaga siya.
"Bansot na flat."
Sagot ko naman niya sabay takbo sa kung saan man siya pupunta.
Walangya ako flat? Tatanggapin ko pa na bansot ako pero flat?
"Tanginamo bastos kang--PANGET KANG KAPRE KANG BAKULAW KA!"
Inis kong sigaw sa kanya dahilan para ikatigil niya.
Kung bakit yun ang sinigaw ko? Hindi ko din alam.
"BWESET KA!"
Ulit kong sigaw, hindi ko alam pero naramdaman ko nalang na basa ang mukha ko.
Umiiyak na ako.
Umiiyak ako pero bakit ? Dahil sa tinakbohan ako ng lalaking abnoy na'to ?..
Tinignan ko naman ang lalaking ngayon ay naglalakad na papunta sa akin at kung may anong binubulong bulong.
Napangiti naman ako nung makita ko ang mukha niyang gulat na gulat.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon.
Para bang may kung anong paro paro sa tyan ko dahil nakikiliti ako.
"B-Bakulaw---"
Kusa nanamang lumabas sa bunganga ko ang salitang yun.
Nababaliw naba ako ?
Siguro nga nababaliw na ako dahil sa lalaking 'to.
Pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala pero hindi ko lang maalala kung saan ba kami nagkita.
"Cess? Ikaw ba talaga yan?"
Maluha luha niyang tanong nung makalapit na siya sakin.
"S-sorry a-ano h-hindi ako si Cess. A-ako si Kate."
Nahihiya kong sagot dito habang nakayuko.
Nahihiya ako sa kanya pero yung puso ko ang bilis parin ng pintig. Alam kong buhay ako pero iba kase eh.
Ang bilis ng tibok niya na para bang hinabol ako ng aso pero ako tumakbo mga bes.
"A-ah s-sorry K-Kate pala ang pangalan mo."
Bakit ganun? Feeling ko para siyang na dissapoint nung nalaman niya ang pangalan ko.
"Ah oo-- KAYA ILIBRE MO NA AKO NG ICE CREAM BILIS "
Gigil kong sambit habang hila hila siya. Fc na kung Fc pero pag ice cream na ang pinag uusapan dito wala ng hiya hiya.
-------
"Oo nga pala anong pangalan mo?"
Tanong ko naman sa lalaking kaharap ko na kanina pa titig na titig sa akin.
"Ah Dee."
Nakangiting sagot naman niya sabay kaen ng ice cream niya.
Tumango tango naman ako dito bilang sagot.
"Matagal naba tayong magkakilala?"
Tanong ko ulit dito dahil napaka gaan talaga ng loob ko sa kanya.
At ang puso ko kanina pa ayaw bumalik sa normal na pagtibok.
"H-hindi k-ko alam. Pero k-kamukha mo kase ang babaeng 'to."
Tsaka niya kinuha ang wallet niya at kung may anong kinakalikot.
"Ito oh."
Pakita naman niya ng picture nila ng babae.
Tinignan ko naman ang mukha ng babae gusto kong masuka sa gulat pero seryoso.
"K-kamukha ko?"
Gulat kong tanong sa kanya.
Ang alam ko wala akong kambal.
P-pero bakit kamukhang kamukha ko siya?
"Yun nanga eh. Kaya ako nagtataka."
"G-girlfriend mo?"
Utal kong tanong sa kanya pero ngumiti lang ito.
Sad may girlfriend na si kuya😢.
"Actually fiancé ko siya."
Nakangiti nitong sagot. Tangina mga beshy fiancé daw!.. Ayos sana kung girlfriend lang pero fiancé? Durog na si heart ko 😢.
"Ganun b-ba."
Nasagot ko nalang sabay subo ng ice cream ko.
Idadaan ko nalang sa pagkain ang nararamdaman ko na'to ngayon.
"Yeah. K-kaso 3years ago iniwan niya kami kasama ang mga anak namin."
Malungkot na sambit nito kaya tinignan ko siya.
Ang sakit lang sa dibdib dahil nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya.
"A-anong nangyari?"
Usisa ko naman sa kanya. Malay niyo may maitulong ako sa kanya.
"Ubosin mo na yang ice cream."
Pag-iiba naman niya ng usapan. Siguro nga ayaw niya pag-usapan ang tungkol dun.
Hindi ko na siya pipilitin na sabihin pa'yon sakin baka masyado na yung private.
Ayoko naman na pilitin siya baka sapakin ako eh.
Speaking of sapak.
*Bogsh*
"Awww bakit?"
Natatawang tanong naman niya, akala niya ba nakalimutan ko ang sinabi niya kanina?.
"Walang hiya ka anong flat flat ka dyan ! Ayos na yung bansot kaso flat? "
Asar kong sabi dito at sasapakin sana siya ulit pero bigla niya itong sinalag.
"Sorry na, kasi ikaw naman nanguna ah."
"Anong ako? Ik--sabi ko nga. Libre mo na ulit ako ng ice cream dali."
Pagtataboy ko naman sa kanya dahilan para matawa siya.
Sorry na kung PG ako sa ice cream mga readers. Lulubos lubosin ko na ang araw na'to baka hindi na kami magkita ng lalaking 'to eh.
Pero bakit ganun? Biglang nanikip ang dibdib ko nung naisip ko na hindi na kami magkikita ng isang 'to ?
Hindi kaya'y na love at first sight na ako sa kanya?
O baka naman--hayst ewan, ang gulo.
"Madame ito na po."
Nakangiting sabi pa nito pero tinaasan ko lang siya ng kilay tsaka ko kinuha ang ice cream ko😍.
"Salamat."
Nakangiti kong sabi sa kanya na ikinangiti niya din. Shit ang gwapo mga bessy😍.
'
'
*DEE's POV*
'
'
"Hatid na kita sa inyo."
"Naku wag na kaya ko naman. Tsaka malapit lang naman ang bahay namin eh."
"Talaga? Hatid na kita taga saan kaba?"
"Dyan lang sa dating bahay ng mga Salvador."
Turo naman niya sa bahay nila-- Princess.
Kaya nga Salvador diba Deej?
"A-ah"
Sagot ko nalang sa kanya. Ibig sabihin sila ang bagong lipat ?
Bakit napaka liit talaga ng mundo.
"Alam mo ba nalaman ko na ang nakatira sa bahay na'yon namatay pala ang anak niyang babae. Ang masakit pa dun buntis daw ang anak niya, nakakalungkot nu? Kase bata pa siya para mawala hayst."
Kwento naman niya kaya napatahimik lang ako.
Kung alam mo lang na ang babaeng buntis na'yon ay Fiancé ko.
"Cess-- I mean Anne amm hatid na kita sige na."
Pag-iiba ko naman ng usapan, sana pumayag.
"Osige. Basta ipapaalam ko lang sayo na masungit sila Tatay at yung Kuya ko."
"Ayos lang yan. Tara na."
Tsaka ko nilahad ang kamay ko sa kanya na siya namang inabot niya.
Bigla naman akong napabitaw nung nahawakan na niya ang kamay ko shit bakit ganun?
May kuryente akong naramdaman at tangina namamawis ako sa hindi ko alam na dahilan.
"A-ayos kalang?"
Tanong naman niya kaya tinanguan ko nalang tsaka ako ngumiti sa kanya.
Muli ay hinawakan ko ulit ang kamay niya, buti nalang at hindi siya umaangal.
Yung kamay niya-- ang lambot.
Parang kamay lang ni Cess.
Pero ang sabi niya hindi siya si Cess, at lalong hindi siya magiging si Cess dahil alam nang lahat na wala na sila.
Wala na sila ng anak namin.
3years na ang nakalipas at sa tatlong taon na'yon ay hindi na ulit tumibok ng ganto ang puso ko.
Tanggap ko naman na wala na ang mag-ina ko, pero hindi ko alam kung bakit nung nakita ko si Anne o Kate ay yung tibok ng puso ko-- katulad ng pagtibok sa tuwing kasama ko si Cess -- sa tuwing hawak ko siya-- at sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti niya.
"Uy aminin mo nga sakin--nag aadik ka nu?"
Inosenteng tanong naman ni Anne kaya kahit wala akong kinakain ay nasamid ako bigla.
Ako nag aadik?
Utak talaga ng babaeng 'to parang si Cess.
"Hindi ah. Goodboy kaya ako."
Sagot ko naman dito pero binigyan niya lang ako ng mapang asar na ngiti.
"Patay nandyan na sila Tatay."
Bulong naman niya na narinig ko naman.
Tinignan ko naman ang bahay nila Cess napangiti naman ako nung madaanan namin ang dating bahay namin pero ngayon ay iba na ang nakatira.
Binenta namin ito at ang perang nabili ay pinaayos namin sa bahay nila Dylan.
Agad ko namang pinark ang sasakyan sa harap ng gate nila na kung saan may kung sinong lalaki ang nakatayo.
"Tay!"
Tawag naman ni Anne nung nakababa na. Tatay niya pala.
Mukha ngang masungit ang tatay niya, bat parang kinakabahan ata ako.
First time 'to ah.
"Sino yan ?"
Seryosong tanong naman ng tatay niya, yung boses niya parang galit na ewan.
Pero nakakatakot talaga.
"Ah Tay si Deej po. Ahm kaibigan ko."
Pakilala naman sa akin ni Anne kaya ngumiti ako dito ng alanganin. Nakakatakot kasi ang titig niya eh.
Singkit ang mata ng Tatay niya pero makikita mo talaga na seryoso siya.
"H-Hi po ako po p-pala si Dee J Altea."
Abot ko naman ng kanang kamay ko sa kanya para makipag shake hands. Agad niya naman itong inabot at nginitian ako.
"Ikaw pala yung anak ng may ari ng Altea Corp na papasokan ko. At ang anak anakan ng may ari ng bahay na'to."
Turo naman niya ng bahay nila Cess na ikinatango ko naman.
Yung kabang nararamdaman ko kanina ay biglang nawala.
Yung bang okay na ako ngayon, wala ng kaba o ano man.
Tinignan ko naman si Anne na bakas ang gulat sa mukha niya.
Pero nginitian ko nalang siya bilang sagot.
"Pasok ka Sir."
"Ah sige po."
Nakangiting sagot ko naman sa Papa niya tsaka ako sumunod na pumasok sa bahay nila.
"Upo ka Sir sandali lang at sasabihan ko ang asawa ko na maghanda ng makakain."
Tumango naman ako bilang sagot sa Papa ni Anne. Akala ko talaga ay susungitan niya ako, buti nalang pala at mabait.
Nakakatakot kase siya kung magsalit at yung tingin niya nakakatakot din.
"Hihi ano--sorry pala kanina hindi ko alam na yung babae palang kinikwento mo is ano siya--"
Nahihiyang saad naman ng babae ngayon sa harapan ko. Nginitian ko naman siya bilang sagot.
Hindi ko rin naman siya masisisi kung hindi ko rin nasabi sa kanya ang tungkol dun.
"Umm ano sandali lang ah tutulongan ko lang si Nanay."- Siya
"Sige lang."
Sagot ko naman sa kanya.
Nilibot ko naman ang mata ko sa loob ng bahay.
Wala namang nag bago, ganun parin ang kulay ng bahay nila. Yung ayos lang siguro ng mga gamit ang nagkaiba.
"NAY, TAY DITO NA AKO."
Napalingon naman ako sa lalaking kakadarating lang, kamukha siya ni Anne.
Kung baga para siyang boy version ni Anne.
"Omyghaaaaad Kuyaaaaaaaaa!"
Hiyaw naman ni Anne na tumatakbo pababa ng hagdan.
"Kate wag kangang tumakbo tss-- sino 'to ?"
Maangas na tanong naman niya kay Anne na ngayon ay namumula ang mukha.
Nag ba-blush ba'to ? .
"Ah k-kaibigan ko hihi gwafuu nu?"
Natawa naman ako sa huling sinabi niya pati nga yung kuya niya ay natawa din.
Sabihin daw ba yung mga salitang yun sa harapan ko pa mismo ?
"Angas kapatid parang wala lang siya sa harapan mo nu?"
Natatawang sabi naman ng kuya niya dahilan para mas lalo pa itong mamula.
"Sorry naman Kuya."
Nahihiya pang saad nito kaya napailing iling nalang ako.
'
'
*KATE's POV*
'
'
"Tsanga pala Sir--"- Tatay
"Deej nalang po Tito."
Putol naman ni Deej sa sasabihin ni Tatay.
Oo nga pala nandito parin siya sa bahay at ito nga naghahaponan na kami ngayon.
Uuwi nanga sana siya kanina pero pinigilan ni Kuya, yung kuya ko talaga na yun napaka.
Imbis na bulong lang sana yung sasabihin ko na gwapo si Dee pero tae mga bes nasabi ko ng malakas.
Nakakahiya talaga.
"Ahem sige Deej. Buti pala at magkakilala kayo nitong anak ko."-Tatay
"Ah opo, nakabanggaan ko po kasi siya kanina sa Park."- Dee
" Ah ganun ba. Ikaw talaga Kate diba sabi kong tumingin ka sa daan? Paano nalang kung maulit ulit yung pagka bangga mo?"
Napayuko naman ako sa sirmon ni Tatay, hayst diko naman yun sadya eh.
"Naku Tito kasalanan ko po yun. Lutang po kasi ako dahil kakagaling ko lang din sa puntod ng mag-ina ko. Hindi niya po kasalanan yun."
Pagtatanggol naman niya sa akin kaya napangiti ako ng hindi ko alam.
"Aray--Tay si Kuya oh."
Inis kong sumbong kay Tatay dahil inapakan ni Kuya ang paa ko.
Ganyan yan siya kapag nang aasar😑.
"La? Inaano kita ? Nakain ako dito eh. Nay oh si Kate nababaliw na, malakas ata ang pagka untog nito kaya nagkakaganyan na eh."
Pang aasar pa niya lalo kaya wala akong magawa kundi ang kurotin siya sa tagiliran , kala niya ah.
"Awww--"
Daing naman niya dahil pinanggigilan ko talaga siya, kainis eh. Kitang nasa harapan ko lang si Dee tapos aasarin ako.
"Tama nayan, nasa hapag kayong dalawa at nasa harapan kayo ng bisita."
Saway naman ni Nanay kaya nanahimik kaming dalawa.
Tinignan ko naman si Dee na panay ang ngiti sa amin, Gwapo talaga mga bes.
Kung pwede ko lang 'tong ikulong sa kwarto ko gagawin ko talaga.
-----
Hindi din nag tagal ay umalis narin si Dee matapos silang mag usap usap nila Tatay at Kuya. As usual tungkol sa business na hindi ko naman alam.
Nakakalungkot lang dahil feeling ko hindi na ulit kami magkikita nung isang yun.
Hayssst dapat sinulit ko nalang ang araw na'to na kasama ko siya. Sayang talaga.
"Naku kapatid wag kang mag alala, mukhang babalik pa si Deej dito. Mukhang may gusto yun sayo eh."
Pang aasar naman ni Kuya tsaka ito tumakbo papuntang kwarto niya.
Sana nga--
Pero paano nalang kung nagustohan niya lang pala ako dahil sa kamukha ko ang fiancé niya ?
Dahil nakikita niya ang fiancé niya sa pagkatao ko kaya niya ako nagustohan?
Bakit ganun?
Bakit hindi manlang ako nakaramdam ng inis o galit nung maisip kong dahil baka nga nakikita niya lang saakin ang fiancé niya kaya niya ako nagustohan?
Ang gulo.
Sumasakit tuloy ang ulo ko sa kakaisip tss....
~to be continue
'
'
'
~like and share😉❤
'
'
NOTE:hi readers sorry guys kung ngaun ko lng po lung ngaun lng po Ako nakapag post ng BOOK 2 nagng BC po kasi ako☺😉tsaka readers hnd ko po maipapangako na araw araw ako makakapag update madami lng po tlga ako gusto nagawa ngaun😥pero don't worry guys kahit Na hnd ako nakapag update arw arw tatapusin ko po ung story☺☺☺tenchuuyyu enjoy reading...
Tsaka sa mga silent readers ko jan hi lablab ko Kayu😉☺😉☺❤❤

FIVE HANDSOME AND MEWhere stories live. Discover now