Loisa's

8 2 0
                                    

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit bigla na lang nawala si Tiya Lucing. Tiyahin ko siya sa mother side. Nabalitaan naming wala na siya nitong nakaraang linggo lang. Isang linggo pa lamang ang nakakalipas.

Nakatitig ako sa bahay ni Tiya Lucing na nasa tapat lamang ng aming bahay. Ano nga ba talaga ang nangyari sa 'yo, Tiya Lucing?

"Bumaba ka na diyan, Loisa!" Sigaw ni mama mula sa kusina. Agaran din akong bumaba sapagkat lagi na lang akong napapagalitan.

"Wow, himala at bumaba ang prinsesa." Nakangising sabi ni ate. Alam kong may halong sarcasm sa kaniya. Ayaw na ayaw niya talaga sa 'kin.

"Puwede bang manahimik ka?" Sagot ko kay ate.

"Tsh." Singhal niya at inirapan ako. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang trato ng pamilya ko sa 'kin. Si papa lang ang may magandang trato sa akin sapagkat nasa malayo siya, inispoil ako ni papa.

"Tigilan mo nga ang ate mo, Loisa." Sita sa akin ni mama, ayan na naman ang itsura niyang wala manlang emosyon. Cold.

"Buti nga sa 'yo." Pabulong na sabi ni ate. 16 years na ako sa pamilyang ito pero hindi ko alam kung bakit ang weird nila. Hindi sila normal.

~×~

Nasa kwarto na naman ako ngayon. Alas diyes na ng gabi at nakatitig pa rin ako sa lumang bahay ni Tiya Lucing. Nakakatakot, wala manlang kailaw ilaw sa bahay niya. Nakakalungkot siguro doon, siya lang kasi mag-isa nakatira doon. Wala siyang pamilya o kasama manlang sa bahay.

Naisipan kong puntahan ang bahay niya. Nahihiwagaan pa rin ako, patay na si Tiya Lucing pero wala manlang naganap na libing, hindi ko manlang nakita ang bangkay niya, kahit anong balita ay wala.

Dahan dahan akong naglalakad palabas ng bahay, madali lang akong nakalabas dahil nasa kwarto na sina mama at ate.

Dala-dala ang flashlight ay nagtungo ako sa lumang bahay sa tapat ng bahay. Binuksan ko ang main door at ang tunog nito, hindi kaaya-aya. Ang sakit sa tainga ng langitngit ng lumang pinto. Ang dilim, wala bang kuryente dito? Ang weird talaga, gosh.

Ito ang unang pagkakataon na nakapasok ako dito sa bahay ni Tiya Lucing sapagkat ang sabi ni mama ay may malubha siyang sakit na nakakahawa kaya siya lang mag isa dito at walang bumibisita, pero hindi ako naniniwala doon. Aalamin ko ngayon ang totoo.

Kinapa ko ang switch ng ilaw ngunit madilim pa rin, mukhang wala ngang kuryente dito. Gamit ang flashlight ay naaninag ko ang mga picture frame na nakaayos sa bawat lamesa at wall ng sala. Picture ito ni mama at Tiya, at may isa pang babae. Nakakatakot ang itsura niya. Mukhang ito si lola sapagkat kamukha ito ni mama. Habang busy ako sa pagtingin sa mga picture ay biglang may nabasag sa kung saan, pero alam kong malayo ito sa akin. Baka sa kusina.

Pero ako lang ang mag isa dito sa bahay na ito, paanong may mababasag?

Biglang gumapang ang takot sa sistema ko. Kabado ako habang papunta sa kusina. Napakasangsang ng amoy, parang amoy ng patay na hayop. Nagtakip ako ng ilong at nakitang magulo ang kusina. Nagkalat ang kutsilyo at iba pang gamit. May mga bubog din galing sa mga plato. Hindi ko na tinangkang libutin pa ang kusina. Natatakot na ako. Lalabas na ako, hindi ko na kaya.

Palabas na sana ako ng kusina nang may marinig akong footsteps sa kung saan. Sino ba ang tao rito? Ako lang ang tao rito.

Pinatay ko ang flashlight at nagtago sa ilalim ng lamesa. Natatakot na ako, ayoko na dito. Papalapit ang footsteps, hindi dapat ako makita ng kung sino man itong naandito ngayon. Malakas ang pakiramdam kong alam niyang may iba pang tao dito bukod sa kaniya. Paano kung patayin niya ako? Napapraning na ako.

Tiya LucingWhere stories live. Discover now