“Andyan na siya, friend! Ayan na si Francis!”
Napapitlag na lang ako nung marinig ko ang pangalan na ‘yon. Grabe ang kaba ko lalo na nang biglang magtilian ang mga babae sa klase namin.
Sino ba naman kasi ang hindi titili, kung nandyan na ang nag-iisang lalaking bumihag sa puso ng mga dilag sa buong campus? Ang lalaking hindi lang ubod ng galing sa basketball, kundi ubod din ng galing sa science? Ang lalaking hindi lang gwapo, kundi drop dead gorgeous.
Dahan dahan akong lumingon sa direksyon ng mga nagtutulakang mga babae. Kasalukuyan akong nasa corridor noon, nakatingin sa bintana at hinihintay sana si Francis. Pero mukhang nakalagpas sa radar ko ang prinsipe ko, kasi pinag-uumpukan na siya ngayon sa harap ng classroom namin.
“Oh my gosh, Francis! I love you talaga!”
“Francis, ako na lang girlfriend mo!”
“Pa-kiss pwede?”
“Francis, pa-rape!”
Napabuntong-hininga na lang ako sa mga naririnig ko. Nakakainggit talaga ang mga babaeng ito. Buti pa sila, nasasabi nila ang lahat ng gusto nilang sabihin, samantalang ako, heto, nakatunganga lang sa isang tabi.
Buti pa sila, nagagawa nilang humarot sa harap ng taong gusto nila. Syempre, hindi ko kaya yon. Lalo na’t ako ang president ng klase namin. I should be their role model, kaya hindi ako basta basta nakakapagharot. Hindi rin ako basta basta nakikipag-flirt.
Hindi naman sa mataray ako. Pero ayoko lang kasing mawalan ng saysay ang pagboto sa’kin ng mga kaklase ko. I need to have composure and calmness.
Lalo lang naging agresibo ang mga babaeng ‘to kasi malapit na ang Valentine’s. Hay nako.
At dahil na rin kanina pa sumasakit ang dibdib ko sa sobrang selos sa dami ng babaeng nakapulupot kay Francis, nagwalk out na lang ako. Pumunta akong canteen para bumili ng juice. Kakalmahin ko muna ang sarili ko bago pa ako makasabunot ng mga aswang.
Nang bumalik ako sa classroom namin, wala roon si Francis. Pati na rin ang barkada nito at ang mga babaeng nagkakandarapa dito. Sa wakas ay tahimik na rin sa klase namin. Konti na lang ang natira doon, ‘yung iba, nagsa-sound trip, at ‘yung iba, natutulog.
Lumapit na ako sa desk ko, kasabay non ay ang pagkagulat ko sa blue na card na nakita ko. Mukhang handmade iyon, may smiley pa sa gitna. Tumingin muna ako sa paligid ko, baka kasi may nagti-trip lang sa’kin.
Binuksan ko ang card. Naguluhan talaga ako sa nakasulat doon.
Gadolinium Day, Miss Praseodymium Einsteinium. Stay pretty and kind. :)
---Rutherfordium
Bangag ba ‘to? Hindi ko kasi talaga maintindihan kung anong gusto niyang sabihin. Parang gusto ko tuloy paniwalaan na pinagti-trip-an lang ako ng mga kaklase ko. Pero kahit sino namang tanungin ko sa kanila ay hindi nila alam kung kanino galing ang card.
Kinabukasan, nandoon na naman ang isang blue card. At nakakabuwisit pa rin ang nasa loob.
Uranium make me Samarium Iodine le. :)
---Rutherfordium
“Gusto ba nito ng sapak?”, naibulalas ko sa sobrang frustration. Nakakainis naman kasi. Pangalawang araw na ‘to, pero wala pa ring sense ang nakasulat. Parang nanloloko lang.
BINABASA MO ANG
Periodic Table of Love ♥
RomanceIt's almost Valentine's Day, at as usual, ngarag na ngarag na ang mga single. Marami nang babae ang nagiging agresibo sa crush ni Lei na si Francis. Then there were the blue cards with coded messages, and Francis staring at her. She couldn't help b...