Nathan's POV
Hindi ko pa rin maiwasan ang malala ang mukha ni Stef kanina nung makita niya ako. Parang nakalimutan na niya ako pero 'di ko 'yon hahayaan. Oo, aaminin kong gusto ko siya isa ring dahilan kunv bakit umuwi ako ng Pinas ay dahil gusto ko siyang makita't makasama.
"O uminom ka na Nathan sa'yo na."sabi ng kaibigan ni Levi na ang pangalan ay Marcus. Kinuha ko naman ang baso na may lamang alak at ininom ko iyon.
"Ahhh."sabi ko matapos kong ilagay ang baso sa mesa. Tumayo ako at naglakad papuntang C.R kase naiihi ako. Pumasok ako sa loob nito at nagsimulang umihi.
Malaki na talaga ang pinagbago ni Stef. Dati palagi siyang dumidikit sa akin pero ngayon ewan ko lang kung didikit pa 'yon sa akin. Nung umamin siya sa akin na may gusto siya sa akin ay aaminin kong wala pa akong gusto sa kanya noon. Pero nang makaalis na ako sa pinas dalawang araw matapos ang confession ni Stef ay palagi ko na siyang naiisip araw-araw.
Pagkatapos kong umihi ay lumabas na ako at umupo sa upuan dito sa kusina magkalapit lang kasi ang kusina at banyo, paglabas mo ng banyo ay kusina agad.
Napaupo naman ako at inaalala ang mga maling ginawa ko noon. Siguro kung nagkaroon na ako ng feelings noon kay Stef ay masaya na kami ngayon. Natatakot lang ako na baka mayjowa na siya o may nanliligaw dito.
Tumayo na ako at bumalik sa living room ay laglag panga akong napatitig sa dalawang tao na magkayakap. Siguro nga huli na ako. Pero baka hindi niya pa ito boyfriend baka manliligaw palang. Kaya pwede pa akong manligaw.
Stefan's POV
Nagising ako dahil sa inggay na nanggagaling sa baba kaya't napagpasyahan kong bumaba para tignan ko kung ano 'yon. Pagkababa ko ay nakita ko naman ang mga kaibigan ni kuya na nagiinuman. Lumapit ako kay Kyle na ngayon ay nakangite sa akin. Tumayo ito at niyakap ako ng makalapit sa kanya.
"I missed you."sabi nito tapos marahang hinaplos ang buhok ko.
"Oh tama na yan baka langgamin kami dito."sabi ni Kurt tapos uminom ito ng alak.
"Oo nga porket wala pa kaming jowa eh ganyan na kayo umasta."sabi pa ni Evan.
"Tsss oo nga hintayin niyo lang magkakajowa rin kami."sabi naman ni Luke. Tumango-tango naman si Marcus at uminom rin ng alak. Napahalakhak naman kami ni Kyle sa mga sinabi nila. Napatingin naman ako sa gawi ng kusina at nakita ko si Nate na nakatayo doon at nakatitig sa akin. Ngumite ito ng mapait sa akin na siyang ikinakunot ng noo ko bakit naman siya ngingiti ng mapait sa akin? Haysss.
Lumapit ito sa amin at umupo sa bakanteng upuan. Nagusap-usap naman sila tungkol sa mga babae natatawa naman ako dito kasi palaging nababanggit ang pangalan ni Kyle. Hindi naman ako naiinis dahil dito in fact natatawa pa ako sa itsura ni Kyle tuwing nababanggit ang pangalan nito.
Napatingin naman ako sa gawi ni Nate nakatitig ito sa akin na animo'y gustong makupag-usap sa akin. Tumayo ito at sinenyasan akong sumunod sa kanya. Lumabas siya papuntang garden kaya't sumunod ako dito. Nunv una ay tinanong ako ni Kyle kung sa'n ako pupunta sabi ko naman na magpapahangin lang ako.
Lumabas ako at nakita ko si Nate na nakatitig sa mga bituin. Lumapit ako dito at tumabi sa kanya tumitig rin ako sa langit at napangiti.
"Stop that."sabi nito na siyang kinatigilan ko.
"What?"tanong ko dito.
"Stop smiling."sabi nito at tumitig ulit sa kalawakan.
BINABASA MO ANG
INTO YOU
RomanceHave you ever fell inlove with an asshole, a manwhore, and lastly a womanizer? Well this story is all about that when Stefan Montecillo fell inlove with Kevin Kyle Scrivener who is the popular guy in the St. Sebastian's University Kyle is also The...