"Good evening everyone. Sorry, Im late." - sabi ng bagong dating.
Oh my!
Tama ba ang nakikita ko???
20-20 pa naman vision ko di ba???
Bakit parang nanlalabo na mata ko???
Siya nga ba talaga itong nakikita ko???
"Son! Your not really late. Tamang-tama lang ang dating mo kasi kadarating lang din nila. By the way, meet your uncle and untie and soon to be your mother and father-in-law, Janice and Louie Montenegro. Kumpadre, kumare, meet my son, Jay Kerby Montez."- pagpapakilala Mr. Jay Montez sa kanila
"Nice meeting you, Sir, Madam."
"Hijo, drop the formality. Just call us, Tito and Tita. Magiging manugang mo naman kami eh."
"By the way, Kerby, meet my daugther and your soon to be wife, Janine Louise Montenegro." - pagpapakilala naman ni Dad sa aming dalawa.
"Hi!" - tipid kong sabi sa kanya.
Tumango lang siya bilang tugon at sinamahan pa ng ngiti.
Shetttt!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Ang gwapo talaga niya.
Pero, sa tingin ko, hindi siya payag sa arrange marriage na to.
Halata naman kasi na napilitan lang siyang pumunta.
"Ahm... excuse me lang po pero . . . . pwede na po ba tayong maupo?" - sabi ko sa kanila
Dahil dun, napatingin silang lahat sa akin. Nakangiti si Tita and Tito maging si Mom and Dad. Habang si Kerby . . . . . . Nakatingin lang sa akin na walang kahit anumang expression.
Hmpf! suplado din pala siya.
"Umupo na nga tayo at mag-order na." - sabi ni Dad.
Habang nakaupo at nag-oorder. Pasimple kong tiningnan si Kerby. Nakatingin siya sa menu. Pinagmasdan ko. Grabe! ang puti-puti niya, sobrang gwapo, tangos ng ilong. Kanina nung dumating siya, napansin ko yung height niya, ang tangad niya. Matalino, captain ball ng basketball team ng university. Sobrang perfect niya, dreamboy siya ng lahat ng girls sa university. Kaso, isnob lang at sobrang tahimik. Ang nag-uusap lang noon ay ang mga parents namin hanggang sa . . . . . .
"Maybe we should start this stupid thing." - biglang sabi ni Kerby sa naiinis na tinig.
WHAT!!!!!!!
STUPID THING????
So, anong akala niya? Siya lang ang hindi masaya dito????
"Eh hindi ka nga ba natutuwa na nakatakda kang ikasal sa taong MAHAL mo??"
"Hijo! Don't say that." - baling ng daddy niya sa kanya tapos tumngin sa papa ko.
"Kumpadre, I'm sorry sa attitude ng anak ko."
"Ok lang kumpadre, kung ako rin naman ang malagay sa ganito, magiging ganyan din ang asal ko but, this has a purpose and I will start now the discussion."
Huminga ng malalim si Dad bago ulit siya nagsalita.
"Itong arranged marriage na ito ay nagsimula pa sa mga lolo ninyo, Kerby and Jelou. Dapat na magpapakasal sa amin ay ako at ang sister ni Jay na si Joan kaso nakipagtanan si Joan sa boyfriend niya that time kaya hindi natuloy. Kaya napag-usapan ng mga lolo niyo na kayo na lang ang ipagkasundong ikasal. Kaya heto kayo ngayon at magkaharap."
Aa, so ganun pala yun???? Parang napanood ko na ang ganitong eksena ah. Sa koreanovela ko ata yun napanood. Hay! blessing in disguise din pala tong "marriage" na ito. Kung hindi dahil dito, hindi ako mapapalapit sa kanya. Kakakilig! *__*
Bigla akong nagulat ng hampasin ni Kerby yung table sabay sigaw na . . . .
"I can't believe this! Hindi ako makakapayag! Hindi ko hahayaang kayo ang pumili ng babaeng pakakasalan ko. Your being such an unfair people! I can't accept it. Hindi ko pa nga siya kilala eh. And I think, I don't want to be married to her. I'm sorry." - bigla siyang tumayo at umalis ng restaurant.
"Kerby! Come back here!" - narinig kong sigaw ng daddy niya.
Nagulantang ako. Hindi ako makagalaw sa sobrang pagkabigla. Hindi ko akalain na WALA PALA TALAGA SIYANG PUSO!
"Hija, don't cry. Everything will be ok, I promise." - narinig kong sabi ni mom.
"I'm okay, Mom. I just go to my room now, I'm tired." - sabi ko at tumayo na ako sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad. Narinig ko pang tinawag ako ni Dad kaso hindi ko na nilingon.
Habang naglalakad ako paakyat, hindi ko sinasadyang hawakan yung pisngi ko. May naramdaman akong basa.
"Umiyak pala talaga ako. Di bale, magiging ok ka rin."
Pero . . . . .
Magiging ok nga lang ba ako????
Sa totoo lang . . . . . . .
Hindi ko alam.
Masyadong masakit yung binitawang salita ni Kerby.
Huminto ako sa paglalakad.
Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko.
At naka-buo ako ng isang plano
"Ipinapangako ko, matututunan din akong mahalin ni Kerby."