Nenita pagkatapos mo jan sa kusina pumunta ka sa kwarto ko at kakusapin kita nalock ko na ang mga pintuan kaya dumiretso kana.
Opo nay masusunod po...
Nang bigla akong napatingin sa may bintana sa kusina.. Huh? May bagyo ba at bakit ang lakas nag hangin? At ano yong nkita kong lumilipad? Hayyy makasarado na nga at mamaya pagagalitan pa ako ni inay ba't ang tagal ko dito sa kusina..Ohhh naayyyy anjan pala kayo? Akala ko ba aantayin niyo ako sa kwarto niyo? Nagtataka kong sabi!
Di ako mapakali anak kaya pinuntahan na kita para mabantayan kita!
Naku nay hah! Iba na yan kanina kapa ganyan? Bakit?May problema ba?
Oo may problema kay tara na sa kwarto ko nang mapag-usapan natin ang mga nangyayari!
Umupo ako sa kama ni inay,habang hinihuntay ko siyan'g may kinihkuha sa cabinet..
Anak nenita panahon na para malamab mo ang katotohanan ng lahi natin... Tayo ay mula sa mga angkan ng mga salamangkero at manggagamot sa angkan ko mga salamangkero samantalang sa tatay mo ay mga dalubhasang manggagamot sa norte,simula namatay ang tatay mo ay mas pinili kung umalis doon at dito na nga nanirahan sa atiki ...
Di ko alam kung anong reaksyon ko sa nalaman! Akala ko ordinaryong mananahi lang ang nanay ko..Kaya pala ang dami niyang mga latin na alam dahil sa angkan kami ng mga salamangkero at manggagamot!
At yong nakita mo kanina kaya ako natulala ay diko lang akalain na andito na pala si veronica sa bayan ng atiki! Ang bantog na manananggal!!!
Huh? Veronica? Bakit nay? May nakilala kaba habang andoon tayo sa palengke?
Hindi anak! Yong guro mo yon ang tinutukoy ko! Kaya mag iingat ka! Matagal niyo na ba guro yon? At bakit dimo sinabi na may bago na pala kayong guro? Nasaan si Mrs.Peralta?
Yan din ang ipinagtaka ko nay ehhh... kasin si Mrs. Peralta ay malusog at matagal na yon sa paaralan ng atiki pero bigla nalang umalis at yon nga pinalitan ni Ms. Dimagiba!
Wala namang nagtanong kaya parang di narin naging issue kung bakit nawala ang dati naming guro baka nagbakasyon lang or lumipat sa city upang doon na magturo!Kaya anak nenita sa kabilugan ng buwan ipapasa ko na ang kakayahan ko para maprotektahan kita kaya mag-iingat ka palagi dahil wala ako palagi sa tabi mo di natin alam ang mangyayari lalo na at nasa paligid lamang ang angkan ng mga BADIDOS!
Badidos nay???
Oo badidos angkan ng mga mananaggal katulad natin na napagpasahan narin ang lahi nila kaya malakas sila kahit araw di sila nasusunog.. nag aanyong inosente at anyong tao pero mga bruha/bruho pala pagdating sa gabi!!!Pero habang dipa dumarating ang kabilugan ng buwan wag kang mag alala at may handang magliligtas sayo di mo man siya kilala pero balang araw makilala monrin siya... Pag nasa panganib ka siya ang tagapagtanggol mo at darating siya anumang oras kasi siya ang naatasan na bantayan ka..
Marami ka pang malalaman sa ngayon yan lang muna para dika mabigla!