M-PREG SERIES #2
PROLOGUE
"Pirmahan mo" malamig na usal niya at inilapag ang isang envelope sa aking harapan.
Napalunok ako at may kirot naramdaman sa aking dibdib, kahit hindi ko iyon buksan ay alam ko na kung ano ang nasa loob non.
Bakit biglang nagkaganto? A-akala ko ay ayos na kami.
"B-bakit?" Tanong ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa isang bagay na nasa likod ko.
Balak ko sana siyang supresahin, pero mukhang ako ata ang sinupresa niya.
Magkaharap kami ngayon sa loob ng aking kwarto.
"Ayoko na, itigil na natin ang kahibangan na to" sabi niya habang walang emosyon na makikita sa kanyang mukha.
Kahibangan? Sa lahat na nangyari samin ay iniisip niya lamang ito ng isang kahibangan?
Nangilid ang luha ko, palabas lang ba lahat ng ginawa niya?
"Akala ko..." bulong ko at napayuko nalang sa aking paanan dahil hindi ko kinaya ang kanyang titig sakin.
"What? Na mahal kita?" Tumawa siya ng sarkastiko.
Hindi ako nakasagot dahil totoo ang sinabi niya.
"A-ano pala ang nangyari sati---" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Hindi mo parin kinakalimutan yon?" Tanong niya at hindi ako sumagot. " binaon ko na sa limot ang kahihiyan na ginawa natin" dagdag niya pa.
Parang dinurog ang puso ko dahil sa sinabi niya.
Habang ako ay magandang pangyayari na iyon sa aking buhay dahil ibinigay ko sa taong mahal ko ang aking sarili.
Siya naman ay isa lamang kahihiyan ang nangyari samin?
"Pagkakamali lamang ang nangyari ng gabing iyon, lasing ako at bumigay ka naman" sabi niya.
Hindi ako nagsalita at tahimik lamang na umiyak.
Noong gabing iyon, hindi ba totoo lahat ng sinabi mo sakin?
"W-wala ka man lang bang nararamdaman para sakin?" Tanong ko at tumitig siya sakin ng matagal.
"Wala---"
"Kahit konti lang?" Nasasaktang tanong ko uli.
"Wala! wala akong naramdaman sayo kahit konti! Hindi kita minahal! Dahil pilit lang to! Pinilit na kasal lang to!" Sigaw niya at kitang kita ang galit sa kanyang mga mata.
"Ikaw lang ang may gusto nito hindi ba?! Masyado kang desperado! Nang dahil sayo iniwan ako ni jaycee!" Sigaw niya uli, nangilid ang kanyang luha kaya napaawang ang aking labi.
Nakikita kong nasasaktan siya, ngayon ko lamang siya nakitang umiyak.
Ganon niya ba kamahal si jaycee?
Muli kong naramdaman ang kirot sa aking dibdib.
Kaya ko lamang nagawa ang bagay nato dahil mahal ko siya.
Nabulag ako sa aking nararamdaman kaya hindi ko man lang nakita na sinira ko siya.
Sinira ko ang relasyon ng dalawang taong nagmamahalan dahil lamang sa gusto ko.
"I-im sorry" wala na akong masabi kaya napahagulgol na lamang.
"tatanggapin ko lang ang sorry mo kung pipirmahan mo yan" muli siyang sumeryoso.
Bumaba ang aking tingin sa envelope.
Pipirmahan ko na ba? Pero hindi ko kaya... sa oras na mapirmahan ko yon ay mawawalan na ng bisa ang kasal namin na ako lamang ang may gusto.
Akala ko ay totoo lahat ng ipinaramdam niya sakin, a-akala ko mahal na niya ako.
Nagkamali lamang pala ako.
Magiging masaya ba siya kung pakakawalan ko na siya?
Bakit kailangan ko pang itanong iyon sa aking sarili kung alam ko naman na ang kasagutan?
Siya mismo ang nagsabing hindi niya ako minahal sa loob ng anim na buwan naming pagiging mag-asawa.
Nanginginig na kamay kong inabot ang ballpen at dahan dahang binuksan ang envelope.
Hindi na ako nagulat ng makita ang laman non pero sobra ang sakit ang aking naramdaman.
Divorce paper.
Umangat muli ang aking tingin sa blangkong mukha niya at mapait na ngumiti.
"B-bago ko sana pirmahan, pwede mo ba akong ibili ng dalanghita?" Tanong ko.
Nakita kong nagulat siya at nagtaka sa aking sinabi pero hindi binalak magsalita.
"P-pagdating mo ay may pirma na.." gumaragal ang boses ko pero pinigilan ko ang aking sarili na umiyak.
Hindi siya sumagot pero kita parin sa kanyang mukha ang pagtataka, saglit niya akong tinitigan bago lumabas mg kwarto.
Nanghihinang napaupo ako sa sahig at napahagulgol.
Halos hindi ako makahinga dahil sa paninikip ng aking dibdib.
Binuksan ko ang nakakuyom kong kanang kamay at nakitang nalukot na ang ultrasound, inayos ko iyon at hinalikan habang punong puno ang aking mata ng luha.
2 weeks na akong buntis.
Kahit sino ay hindi maniniwala miski ako, hindi ba?
Nung una ay akala ko ang kaibigan ko lang ang ganon, hindi ako makapaniwala na nangyari din iyon sakin.
Atleast may iniwan siyang anghel at iyon ang magiging anak namin.
Ito sana ang sasabihin ko sa kanya pero inunahan niya ako.
Im sorry anak dahil hindi natin makakasama ang daddy mo, pero pinapangako kong hindi ako magkukulang sayo.
Nang kumalma ay muli kong kinuha ang ballpen at bumuntong hininga bago pirmahan ang papel.
Malaya kana, sana ay maging masaya ka kahit hindi ako ang rason non.
Nagising na ako na kahit kailan ay hindi mo talaga ako matututunang mahalin.
At pinapangako ko ring palalakihin kong mabuti ang anak natin kahit hindi ka kasama.
Mahal na mahal kita pero masyadong madaya ang tadhana satin.
Tumayo ako at naglakad palabas ng bahay upang tawagan si ate chloe upang sunduin ako.
Nang matapos ang tawag ay muli kong nilingon ang bahay na pinatayo mismo ng magulang ko para samin at ngumiti.
Hindi kita makakalimutan kahit puro mapapait na alala ang dala mo.
Salamat dahil kahit papaano ay ipinaramdam mo sakin ang pagmamahal kahit hindi totoo.
Alam kong magkikita at magkikita parin tayo dahil ganon kadaya ang tadhana.
"Hanggang sa muling pagkikita, Ryland.." bulong ko.
YOU ARE READING
The Unwanted Marriage
RomanceBL (M-Preg series #2) Chester Kyle Baltazar And Ryland Gutierrez Story.