03

704 38 10
                                    

CHESTER POV

"Ang sabi ko lumapit ka sakin" aniya.

Lumikot ang mata ko dahil hindi ko kinaya ang titig niya at mas kumabog ang dibdib ko.

Bakit ganyan niya? Bakit hindi siya nagsusungit? May sampung anghel ba na sumanib sa kanya?

Nang hindi ako gumalaw sa pwesto ko ay bumuntong hininga siya at nataranta ako ng ihakbang niya ang mga paa palapit sakin.

"What is that?" Tanong niya ng isang hakbang nalang ang layo niya sakin habang nakatingin sa plastic na hawak ko na may lamang letche plan.

Sunod sunod akong lumunok at hindi makahanap ng salita dahil sa lapit niya at amoy na amoy ko ang pabango niya.

"A-ano umm ano s-siya..." gusto kong saktan ang sarili dahil nautal ako.

Parang nagliwanag ang gabi dahil sa biglang pagtawa niya kaya kitang kita ko ang mapuputi niyang ngipin at halos hindi na makita ang mga mata niya.

Ngayon ko lamang nakita ang matamis na pagtawa niya, dahil simula ng makita ko siya ay laging seryoso at salubong ang makakapal niyang kilay na akala mo ay laging may kaaway.

"Bakit parang takot na takot ka? Hindi naman ako nangangagat" matunog siyang ngumiti kaya halos manlambot ang tuhod ko at mahigpit ang pagkakahawak sa letche plan.

Oo na, hulog na hulog na ko, parang nawala lahat ng pagod at stress ko dahil sa kanyang ngiti at lalo siyang gumwapo sa pagtawa niya.

Natural lang sa pamilya gutierrez ang maamong mukha pero ewan ko ba dahil sa kanilang lahat ay sa kanya ako gwapong gwapo.

"Makakagawa ka na ng butas sa mukha ko kakatitig mo..."

Napakurap kurap ako at nakaramdam ng hiya kaya umiwas ako ng tingin at inabot sa kanya ang plastic.

"Para sakin ba yan?" Inosenteng tanong niya habang nakatingin sa plastic.

"O-oo, a-ano naiisipan ko lang bigyan ka dahil..." wala nanaman akong mahanap na idudugtong sa aking sasabihin.

"Dahil?"

"W-wala lang"

Yon lang ang nasabi ko at pinalobo ang pisngi.

Muli siyang tumawa pero mahina lang at ginulo ang aking buhok kaya napaawang ang labi ko habang nakatitig sa kanya.

"You're so cute" iling niya at kinuha ang letche plan ay binuksan ang pinto upang ipasok ang binigay ko at muling bumalik sakin.

"Sorry pala kagabi, pagod kasi ako at nagkaron kami ng pagtatalo ni dad" sabi niya kaya sunod sunod akong umiling.

"A-ano, ayos lang" napakamot ako sa batok.

"Kumain kana ba?" Tanong niya kaya namilog ang mga mata ako at muling lumakas ang tibok ng puso ko.

Aayain ba niya ako kumain kapag sinabi kong hindi? Totoo naman kasing hindi pa ako kumakain pero nakakahiya naman.

"Oo kumain nako bago ako pumunta dito" sagot ko nalang at tumango tango naman siya.

"Okay, salamat din pala sa binigay mo mauuna na ako" sabi niya at inayos ang suot na suit.

"S-sige magiingat ka" paalam ko at tumango naman siya.

nang paandarin niya na palayo ang sasakyan at napahawak ako sa poste at sa dibdib ko at parang naginginig pa ang dalawang tuhod ko.

Grabe ang epekto ng lalaking iyon sakin.

Napangiti ako at napatingala sa maliwanag na buwan.

The Unwanted MarriageWhere stories live. Discover now