"Hay buhay", daing ko habang inaayos ang mga sinibak na kahoy, isinandal ko ang palakol sa aking tabihan at umupo para pagmasdan ang paligid.
Isang ordinaryong umaga na naman ang dumating, ilang oras na ang nakalipas magmula nang sumikat ang araw, bahagyang umihip ang hangin na nagpasayaw sa mga puno, sinabayan pa ng pag awit ng mga ibon na para bang nag diriwang sa pagdating ng matiwasay na umaga.
Ilang sandali pa, nagsimula nang dumaan ang mga magsasaka na maagang pumunta sa kanilang sakahan at uuwi para kumain ng agahan, kumakaway pa ang mga ito habang dumadaan.
Maganda ang pamumuhay dito sa aming lugar tahimik at mapayapa, Walang mga ingay ng sasakyang ang maririnig dahil malayo ito sa bayan, Ewan ko ba pero kahit kailan hindi ko naisip na manirahan sa maingay at magulong lungsod, mas ma-igi pa ang ordinaryo ngunit payapang buhay.
Nang makapagpahinga ay napalingon ako sa likuran kung saan nakatayo ang aming bahay na gawa sa talahib at kahoy, Halos magkakapareho lang ang mga kabahayan dito sa barrio, ilang sandali pa tumayo na ako at pumasok sa loob.
Naabutan ko si Inang Bining na nagluluto na ng umagahan," Oh, anjan ka na pala, umupo ka na jan at maghahain na ako" ani Inang habang hinahalo ang luto nitong sitaw.
Si Inang na ang nagpalaki sa akin dahil maaga akong naulila sa aking mga magulang, inihabilin ako ng aking ama bago pa man ito bawian ng buhay. Kaming dalawa na lang ang natitirang namumuhay, Binuhay niya ako sa pagbebenta ng mga gulay at prutas sa bayan ngunit dahil hirap na itong gumalaw ay nahinto na ito sa kanyang trabaho, kasabay nun napag desisyunan kong huminto na sa pag aaral.
Nung una ay hindi ito pumayag Ngunit dahil nakikita kong kahit pilitin nya ay hindi na kaya ng kanyang katawan, ay pinilit ko ito para tuluyan na akong huminto nakalahati ko pa ang secondarya bago huminto at mag simulang mag hanap buhay.
Mahirap pero kailangan, ganun pa man masaya akong nakakatulong sa kaniya, kada araw pagkatapos ng agahan ay lumalabas na ako para maghanap ng trabaho depende sa kung sino ang kaylangan ng katulong , ang perang kinikita ko ay ibinibili ng pagkain at mga kailangan dito sa bahay.
Nakayuko ito kung mag lakad, pero malakas parin ito at nakakagawa pa ng gawaing bahay. "Ako na ho Inang", ani ko at kinuha ang kutsara at plato na hindi nya maabot.
Nang maayos na ang mga ito ay nag simula na kaming kumain.
Pagkatapos mag umagahan ay nagpaalam na ako kay Inang, dahil kailangan daw ng tauhan ni Mang Berting sa pagpitas ng mangga.
Habang naglalakad ay nakasalubong ko ang isang magarang sasakyan, kadalasang ang mga sasakyang pumupunta dito ay mga luma na nag aangkat ng gulay at prutas. Pero ang isang ito ay parang mayaman at bibili lupa.
Manghang mangha akong napalingon dito, "Kaninong lupa kaya ang bibilhin non?" napalingon pa ako saglit bago nagpatuloy sa paglalakad.
Dahil sa hirap ng buhay ay napipilitan ang mga mamamayan na mag benta ng lupa upang makaahon sa hirap. Napag desisyonan ng mga ito na gamitin ang pera upang mag negosyo sa kabayanan.Hapon na nang matapos namin ang pagpitas ng Mga mangga, tuwang tuwa si Mang Berting dahil maaga itong natapos, kayat dinagdagan nito ang sweldo ko na syang aking ikinatuwa dahil madadagdagan ang bigas na bibilhin ko.
Napapasipol na lang ako sa tuwa dahil sa mga pinamili ko tiyak matutuwa si Inang nito dahil sa dami ng aking pinamili at sa paborito nyang saging.
Ilang sandali pa laking gulat ko nang may biglang bumusina sa aking likuran napalundag ako sa gilid at tiningnan ng masama ang nag mamaneho.
"Tumingin ka sa Dinadaanan mo! magandang paraan yan para makapatay ng tao!" Sigaw ko,
binaba lang nito ang bintana at tumawa, bago nagtuloy sa pagmamaneho, ewan ko bat palibhasa mayaman talaga ang yayabang, pasalamat syat may hawak ako at kung hindi baka kung ano pa ang nagawa ko sa hambog na yun.
YOU ARE READING
Pangil
ActionMiguel is just an ordinary person living in a peaceful and quiet place but it all changed when he found out who and what he really is. A group of teenagers started disturbing him showing that he possessed something powerful inside of him. This is a...