*1*

45 0 0
                                    

It's been 13 years since that day na iwanan ako ng mga magulang ko sa tita ko. 13 years na puno naman ng saya. haha


Mabait ang pamilya ng tita ko, never in my life nila 'kong binigyan ng dahilan para malungkot. Sila ni tito Chard ang nagsilbing magulang ko. At ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon.



Sila ang naging gabay ko kasama ng mga pinsan 'kong sila Sarah, Laviña at Loti. Charot! HAHA. bansag ko lang sa kanila yo'n hindi dahil mahilig sila sa patatas. Kung hindi dahil sa personality nila.


Si Sarah, si Mica. Pangalawang anak nila tito. Kaedaran ko halos. Mas matanda lang ako sa buwan. Matulungin sya, mabait, masipag, maganda, matalino, mapagkumbaba at kung ano ano pang ugaling makikita mo kay prinsess Sarah. HAHA. Yun nga lang, sobrang sensitive nya. 'Wag mo syang mapagtataasan ng boses ng kahit kaunti. Nakooo! iiyak na yun at buong araw magtatampo sa'yo. haha



Si Ate Mariel naman, si Laviña. Ano pa nga ba.. Masungit, Mahilig mamintas, Pasossy, Pala-utos, in short.. Bossy. Pero good listener naman sya at kahit gano'n yun. Maganda at naging valedictorian yun nung High School sya. 4th year College na sya sa pasukan.



At ang last but not the least naming baby na si Mhai. Sya si Loti. Sobrraaaaaaaang.. iyakin. kaunting madaganan lang iiyak na yo'n ng pagkalakas lakas. hahaha. Pero sobrang sweet naman yo'n si baby Mhai pag nasa mood. 


At si kuya Ron ang kkumpleto sa magkakapatid. Lalaki sya kaya wala akong bansag at hindi kami close. Mula noong una pa lang pakiramdam ko sobrang init ng dugo nya sa'kin. 3rd year College na sya sa pasukan.



apat silang magkakapatid na halos magkakasunod sunod ng edad at tumira ako dito na parang tunay na nilang mga kapatid.


Kakagraduate lang namin ni Mica. Nahakot namin ang medalya. Si Mica ang naging Salutatorian, ako naman ang Valedictorian. Walang inggitan sa'min. Pareho kaming masaya para sa isa't-isa. Sayang lang na kailangan na naming maghiwalay ngayong college.



...




Malakas ang business nila tito dito sa lugar kaya afford ang magpaaral ng sabay sabay sa private school at ng college *Ehem* kasama po ko sa pinapaaral at pinapakain nila.


Kaya lang, sa hindi inaasahang pangyayari tinamaan ng malalang sakit si Tito Chard. Sakit sa puso. Halos maubos na ang lahat ng ipon nila para sa pagpapagamot kay tito. 


Dahil graduating na si ate Mariel, magkakathesis na si Kuya Ron at magiging college na kami ni Mica. Alam kong magiging sobrang mabigat na ang gastusin. Kaya naisip kong umalis na lang sa puder nila tita dahil hindi naman talaga nila 'ko responsibilidad.


Saktong sa pag-iisip ko ng pag-alis dito ay nakahanap ako sa internet ng isang university na nag-ooffer ng free room plus madami pang magagandang benefits basta't maperfect mo lang yo'ng examination na ibibigay nila sa'yo, Aplitude tests, sila na bahala sa'yo.


Nabuhayan ako ng dugo.


okay naman kasi grades ko. Lagi naman akong nagttop sa school namin. Kaya...


I will take this opportunity! AJA!


"Soul" mateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon