SML:1

2 0 0
                                    


"Girl, c'mon we're gonna be late na! Ano ba?" dinig kong sigaw ng bestfriend ko na naghihintay sakin sa baba ng bahay

Maaga siyang pumunta dito sa bahay para magpasamang bumili ng babasahin niya sa mall, bat ba kasi ako pa napagtripang isama ng babaeng 'to?

"Coming!" sagot ko habang sinisipat ang sarili sa salamin.

Nakasuot lang ako ng maong shorts at oversized shirt na kulay yellow at may tatak na starfish, si patrick haha

Mag-isa lang akong nasa bahay ngayon, pumunta sila mom at dad kina lolo sa probinsya. Iniwan lang ako dito sa bahay kasi may klase ako bukas

"'te tignan mo 'tong tiktok ni Erica parang timang hahaha" panglalait ni Suzi sa kaklase naming maarteng clown, palagi kasi kaming tinatarayan tapos mukha namang palaka

Napatawa nalang ako ng malakas dahil biglang umasim mukha ni Suzi at nung tinignan ko kung ano dahilan kung ba't naging ganun mukha niya, yung crush pala ng crush niya! hahahaa shet na malupet mga dzai magrereklamo 'to magdamag

"yshiiii mas maganda naman ako dito diba? diba? sabihin mong oo ililibre kita ng french fries!" pagmamaktol nito na parang ikakamatay niya kung sasabihin kong mas maganda sakanya yung babae, eh mas maganda siya dun parang timang lang

"hala suzi, naalala mo ba nung umamin si Erica kay Kade? hahaha epic ampucha" tatawa tawa kong sabi sakanya

Magkasama kasi kami nung araw na yun habang hinihintay namin ang iba pa naming kaibigan, nang may masagap kaming chismis galing sa dalawang babaeng kaklase din namin nag uusap malapit samin

"Beng alam mo bang umamin daw si Erica kay Kade?" sabi nung babaeng sa pagkakatanda ko ay Lana ang pangalan sa katabi nyang si Jamaica pinsan niya.

"Talaga? bat di ko alam yun? Oh tapos ano nangyari?" curious namang tanong ni Jamaica.

"So yun nga umamin si Erica kay Kade tapos alam mo bang sinagot lang ni kade ng 'okay' tapos nilagpasan na niya si Erica HAHAHAH omg te pahiya si Erica dun ang dami pa namang nanonood" mahabang kwento ni Lana na ginaya pa yung pagkakasabi daw ni kade ng okay.

May itatanong  pa sana si Jamaica ng biglang nagbell palatandaan na sisimulan na ang klase. Binalingan ko nang tingin ang katabi kong nakangiti ng malawak na parang mapupunit na ang bibig nito, sayang saya to kasi napapahiya si Erica sa maraming tao

"Suzi, are you thinking what I'm thinking?" sabi ko sakanya habang nagtataas baba ng kilay

"Hindi, ano ba iniisip mo?" sabi niya na ikinasimangot ko, ang sarap din tanggalan ng buhok 'tong bruhang 'to.

"Boba, may pang-asar tayo kay Erica HAHAHA" sabi ko habang tumatawa.

Natigil ako sa pagtawa nang makita kong makakasalubong namin si Kade kasama nang mga barkada niya habang nasa likod niya si Erica na pilit siyang hinahabol, napatingin ako kay suzi na napatingin din sakin na parang parehas kami nang naiiisip.

"Kade! wait I'm not done talking to you!"sigaw ni Erica habang hinahabol sila Kade, at di napapansin na madaming estudyanteng nakatingin at naghihintay sa mangyayari

Tumigil si Kade maglakad at nilingon si Erica

"What the hell do you want? You're so annoying" sabi niga kay Erica habang nakapamulsa

"Kade, I already told you that I like you! tapos okay lang sagot mo?" reklamo nito na parang ikakapasalamat ni kade dahil gusto siya nang babae.

"So? Anong gusto mong isagot ko? Erica salamat dahil gusto mo ko, gusto din kita ganun ba? swerte mo naman" sabi ni Kade na nilagyan pa ng emosyon na parang nasa drama sya na inaminan ng gusto nyang gusto sya nito.

Nagtawanan ang mga estudyanteng nakakasaksi sa kabaliwan ng babaeng 'to.

"Kade, ano bang mali sakin ha? wala ka namang girlfriend ah, atsaka kung meron man i know na mas maganda ako dun" desperadang yumakap si Erica sa braso ni Kade na parang tarsier

"Suzi tignan m-" natigil ang sasabihin ko nang paglingon ko sa tabi ko ay wala na dito si suzi at nung binalik ko ang tingin ko sa harapan ay dun ko siya nakita at naglalakad na ito papalapit sakanila Kade na nandidiring pilit tinatanggal ang pagkakayapos sakanya ni Erica.

Nagulat ako ng biglang hinila ni Suzi si Erica palayo kay Kade at tinulak ito paupo kaya muntik nasubsob sa semento ang mukha ni Erica dahil dito.

"What do you think your doing Suziane?" galit na sabi ni Erica habang tumatayo siya

"Masyado kang madikit sa teretoryo ko Erica" sabi ni Suzi at pinapampagan yung braso ni kade na kinapitan ni erica kanina at nang di pa siya satisfied ay inisprayhan niya pa ito nang alcohol.

Ako at ang mga estudyanteng nakikisaksi sa 'dramang nangyayari' mark the sarcasm please, ay tila naguguluhan sa ipinapakitang ito ni Suzi.

"Suzi! hoy anong ginagawa mo dyan? halaka bat ka nakisali?!" sigaw mula sa kung saan at nung nilingon ko iyon ay nandun na ang dalawa pa naming kaibigan na si Kara at Lara yes kambal sila astig no, si Lara ang nagsalita.

"Yshi! bat di mo pinigilan? alam mong pakialamera yang kaibigan mo eh!" sermon sakin ni Kara habang palapit sila sakin para hilain ako papalapit kina kade, suzi at erica

"Engrata ka! bat ka bigla biglang nakikisali sa gulo ha suziane grace!" bulyaw ko kay suzi at hinampas ko pa yung braso niya nang librong bitbit ko

"Eh may nakapulopot na sawa sa boyfriend ko! wala man lang ba kong gagawin kung ganun?" sabi ni suzi habang madiing nakatitig kay erica na parang handa na itong sumugod dito

"Omg! are you saying that kade is your boyfriend? ha! you're so delusional suzi" sabi ni Erica habang tumatawa nang sarkastiko

"Ayaw nyo maniwala? tanungin nyo yan!" sabi ni Suzi sabay turo kay kade at bigla siyang nagwalk out, ampucha uso pa pala magwalk out ngayon?

"Is that true kade?" tanong ni Erica na umaasang sasagot ito ng hindi, well kahit kaming nanonood ay biglang na curious kung ano ang isasagot ni kade. Ni kami ngang kaibigan ni suzi di namin alam na shota nya pa- yawa! shota??! ahy giatay bat di yun nagsasabi? krazy suzi di man lang sinabi samin aishh

"Yes, now please excuse me I need to talk to her" sabi ni kade sabay hawi sa mga taong nakapalibot sakanila kanina

"Wait kade! you're joking right? haha we all know na ako yung gusto mo! bakit ka naman magkakagusto sa babaeng cheap na nga di pa maganda diba?" desperadang sabi ni Erica sabay harang sa dadaanan ni kade.

"Ahy 'te kung ayaw sayo wag pilitin okay? masyado kang desperada" sabi bigla ni Kara at bigla niyang hinila si Erica paalis sa kinatatayuan nito kanina upang makadaan si kade.

Kinuha ni Kade yung phone niya na parang may tatawagan at feeling ko alam ko na kung sino yung tatawagan niya, at nang parang walang sumagot ay bigla na lang siyang tumakbo papalayo

"No! Kade! Bawiin mo yung sinabi mo!" sigaw ni Erica habang umiiyak.

"Bitawan nyo nga ko!" sigaw ni Erica at tinulak niya si Kara at bigla niyang sinabunutan si Lara, ang warfreak talaga nitong babaeng to

"Hey, Erica you already humiliate yourself wag mo nang dagdagan kawawang kawawa ka na" sabi ko habang pilit tinatanggal ang pagkakasabunot niya kay Lara, ngunit bigla niya na lang din akong sinabunutan na parang baliw. Parang matatanggal ang anit ko sa ginagawa niya kaya tinulak ko siya sa abot ng makakaya ko pero isang malaking pagkakamali pala yung ginawa kong 'yon dahil natumba siya at nauntog ang ulo sa dulo ng bench at bigla itong nawalan ng malay

======================================

\(^o^)/

Thank you for reading my story, this is my first story kaya sana magustuhan nyo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Show me LoveWhere stories live. Discover now