"Wala ka pa rin bang balak sagutin si Gab?" Napahinto ako sa pagsusulat nang marinig ko ang tanong ni Claire. I looked up at her at saka ako napaisip. It's been what, a month? Isang buwan pa lang naman nanliligaw si Gab sa akin. Bakit parang mas atat pa siya?
"One month pa lang naman, eh," mahina kong sagot sa kanya. Binatukan naman niya ako agad dahil doon.
"Gaga! 'Yang one month na nila-lang mo, mahaba na para sa iba. Nako, sinasabi ko sa 'yo. Kapag nainip 'yang si Gab at naghanap ng iba, ikaw ang ngangawa," dismayadong sermon sa akin ni Claire and I just shook my head in response.
Sa totoo lang, I wanted to argue with her that one month isn't that long. Kung tutuusin, mas gusto ko nga na two to three months manligaw 'tong si Gab. Hindi naman sa hindi ko nararamdaman yung sincerity niya o kinukwestiyon ko yung feelings niya. Ang sa akin lang, we've known each other for a short period of time na nga tapos mamadaliin ko pa pati yung panliligaw? Mas gusto ko naman siyempre na makilala namin nang mas maigi ang isa't isa.
But the people around me couldn't see that. Ang nasa isip lang kasi nila, kailangan ko nang magmadali bago ako tumandang dalaga. I've been an NBSB at sa ginagawa ko raw na pagpapatagal sa panliligaw ni Gab, I'm wasting the time and chances away. Baka raw magsawa o mapagod si Gab, baka raw agawin siya ng iba, baka raw matauhan bigla 'yong tao at maisip na hindi naman pala talaga niya ako gusto... Ang dami nilang sinasabi pero I simply chose to ignore them all. I didn't want to rush things... Masyado nang maraming nagpapakatanga sa pag-ibig and I didn't want to be like them. Mas gusto kong sigurado muna ako bago ako pumasok sa isang relasyon. And that's just the most reasonable thing to do, right?
"Nakita mo ba 'yong itsura ni Gab, ha? 'Yong itsura n'on 'yong tipo ng lalaking maraming nagkakagusto. Add the fact na mayaman pa siya tapos maganda pati ugali. Complete package kumabaga. E ikaw? Anong ambag mo sa lipunan, ha?"
"Ewan ko. Feeling ko ganda lang talaga, eh." Umani na naman ako ng isang batok mula kay Claire dahil sa naging sagot ko. Agad kong tinapik ang baba ko paakyat in an attempt na ibalik sa tamang posisyon ang naalog kong utak. I then heard Claire mumbling incoherent words na hindi ko na lang pinansin. For sure, minumura na naman ako niyan dahil sa kakapalan ko ng mukha.
Babalik na sana ulit ako sa pagsusulat nang marinig ko ang mga impit na tili mula sa mga kaklase ko. Pagtaas ko ng tingin, there was Gab, deretso ang tingin sa akin at may dalang bulaklak at makalaglag panty na ngiti.
Bakit nga ulit ako nagustuhan ng isang 'to? Ah, kasi nga maganda ako.
"Tapos ka na ba?" tanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. I wanted to tell him na hindi pa pero I simply chose to close my notebook and fix my things. Nang mailagay ko na ang mga gamit ko sa bag, tumayo na ako at naglakad palapit sa kanya.
"Ang aga mo naman yata?" sabi ko the moment I reached the door. Automatic naman niyang kinuha ang bag ko sabay abot ng bulaklak sa akin.
"Gusto na agad kitang makita, eh," sagot niya na siyang ikinailig ko habang ang mga kaklase ko naman ay parang mga uod na binuhusan ng asin sa sobrang kilig.
"Baliw!" natatawa kong sabi kaya natawa na rin siya. Nang ilahad niya ang kanyang kamay, hindi na ako nagdalawang-isip pa na tanggapin 'yon. We then walked along the hallway kung saan ang dami pa ring mga nakasunod na mga mata hanggang sa marating namin ang sasakyan niya.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko. He simply smiled at me at saka sinabing surprise. Nagpatianod na lang ako sa kanya and kept my mouth shut. He was always like this naman—mahilig sa surprises at kung ano-ano pa.
We were silent the whole ride. Minsan, sinasabayan ni Gab ang tugtog sa radyo kapag alam niya yung lyrics sa kanta. Madalas, he was just looking straight at the road at paminsan-minsang hahawakan ang kamay ko, as if checking kung nandito pa nga ba talaga ako sa tabi niya. Once he gave it a gentle squeeze, bigla na lang siyang ngingiti na para bang tuwang tuwa na maghawak kamay kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Hate You, Love You (One Shot)
Short StoryAng dami raw nagiging tanga pagdating sa pag-ibig, so I wanted to prove people wrong. Pero nang makilala ko siya, unconsciously, nagaya na rin pala ako sa iba.