The Pure blood vampire———
Nahanap ng hari ang walang buhay na si Ariana sa ginta ng madalim na gubat. Dugoan ang buong katawan. Wasak ang leeg.
Sa isang iglap lamang nakarating sila sa palasyo upang lunasan ang babae, Ngunit huli na ang lahat. Patay na siya. Patay na ang reyna.
Ariana!!
Dumagundong sa buong palasyo ang tinig ng isang nilalang na nag luluksa.
A-ariana!
Galit na galit. Halos lumabas na mga ugat nito sa leeg, nuo at maging sa mga kamay. Pulang pula ang mga mata. Nagtatagis ang ngipin dahil sa galit.
ARIANAAA!!
Halos mapaos na ang lalaki sa kakasigaw sa pangalan ng kanyang minamahal na babae.
Samantala lahat ng taohan sa palasyo ay takot na takot. Lahat sila ay ayaw pang mamatay. Nananatili sila sa kanilang pinag tatagoan. Kahit alam nilang wala pang tatlong segundo ay mahahanap sila ng hari. Kahit ganun hiniling nila na sana hindi tuloyan na maging halimaw ang kanilang hari.
Hari ng mga Bampira.
Pure blood Vampire.
Nakahiga ang babaeng walang malay. Dugoan ang buong katawan. Wasak ang leeg. Mula sa mata, ilong, bibig, at tenga nito ay may umaagos na dugo.
Yakap yakap siya ng hari ng mga bampira habang sinigaw ang pangalan..
A-ariana!!!
Samantala naka tayo lamang sa may gilid ang isang pinagkakatiwalaan sa palasyo ang butler ng hari. Siya lamang ang may lakas loob na dumamay sa hari nila. May pagkatanda na ito. Siya na rin ang nag alaga sa hari simula ng mamatay ang dating Hari at Reyna.
Master?
Tawag niya sa pansin sa hari ngunit tela wala itong naring. Patuloy pa rin sa pag iyak at pagtawag sa pangalan ng babae.
May.. May paraan pa para mabuhay si Ariana—
Ngunit hindi na nito natuloy ang sasabihin ng biglang nasa harap na nito ang hari at sakal sakal ang leeg niya.
Reyna.. Reyna Ariana ang itawag mo sa kanya!
Galit na sigaw nito sa matandang butler.
Tumango nalang ito bilang sagot. Dahil hindi siya makapag salita.
Pa-patawad master.. Pero mag hulos dili kayo master may paraan pa para mabuhay ang.. Ang Reyna Ariana..
Biglang umamo ang mukha ng hari dahil sa sinabi ng matandang butler. Inalis nito ang pagkakasakal sa leeg ng matandang bampira para magsalita.
Dahil Reyna na siya at may dugo na siya ng iyo ay mabubuhay pa siya—
Paano? " putol nito sa sasabihin ng matandang bampira.
Kung.. Kung may mahahanap tayong gaya niya na hindi pangkaraniwang dugo.
Tukoy niya rito. Kung may mahanap silang gaya niya ay walang ibang gagawin kundi ialay ang dugo sa Reyna.
Napa isip naman ang hari sa sinabi ng butler. Nataohan siya. Bakit hindi niya naisip na pwede ngang mang yari iyon.