Matapos kong maupo sa jeep ay dali-dali kong nilabas ang notes ko sa Anatomy and Physiology subject namin. Kailangan kong bumawi sa five over fifty kong score kahapon. Akala ko pa naman madali lang 'tong nursing. Huli ko na napagtanto na ito mismo pala ang tatapos sa buhay ko.
Matalino naman talaga akong tao pero sadyang nakakabobo talaga ang college. Haysst! memorya ko na kung ano ang ulna, radius, carpals, tarsals, metatarsals, phalanges...halos lahat ng buto pinag-aralan ko na... pero sa oras ng exam na memental block. Badtrip lang.
Ang sakit-sakit lang, iyong todo aral kana pero hindi lumabas iyong pinag-aralan. Noon gusto ko parati akong honor sa klase pero ngayon tanging makapasa lang, ayos na. Sa katunayan niyan, nais ko na lang talagang ibagsak lahat ng subjects at mag-shift ng course pero naisip ko fully paid na pala matrikula ko. Lintekkk lang huhu!
" Sino sa inyo dito ang nagmamay-ari nitong c*ndom? ...strawberry flavor"
Nanlaki ang mga mata ko sa sigaw ng katabi kong lalaki.
Bwiset. Bwisetttttttt!!!
Agad kong tiningnan ang dala kong paperbag. Butas na ito. Hinayupakk naman!
Di ko mapigilang mapapikit kung ano ang dapat kong gawin, e akin iyon e. Kailangan ko 'yong c*ndom na iyon mamaya. Di ko inakalang may mas ikakahamak pa 'tong kursong kinuha ko.
" Kung sino man ang nagmamay-ari nito ay e claim niyo na. Sayang din" sabi na naman nito. Dumapo ang paningin nito sakin kaya agad akong napaiwas.
" Sa tingin ko sayo 'to" ngiting sabi nung lalaki na siyang ikinalamig ng aking buong sistema lalo na nung lahat ng tingin ng mga pasahero ay napunta sakin.
" H-hindi ha" lakas -loob kong pagtanggi
Teka langg! Di ko na alam anong gagawin, kailangan ko iyong c*ndom na iyon. Wala na akong oras para bumili ng bago.
"Ah ganun ba, pasensiya kana akala ko sayo 'to" usal nung lalaki. " Oh! kung sino man ang nagmamay-ari nito, claim niyo na. Di ko naman magagamit 'to" dagdag nitong sigaw na may nakakalokong-ngiti.
Lintek talaga kung di ko lang talaga kailangan ang bagay na iyan!matagal ko na iyan binalibag.
Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko sa lalaking iyon at pahilim ko siyang kinalabit. Laking pasalamat ko na lang at agad kong nakuha ang atensiyon niya.
Mabilis kong iniwas iyong paningin ko sa kanya para di mahalata ng iba habang malumanay na binuka ang palad bilang hudyat na ibigay sakin ang bagay na iyon. pero ilang sandali na ang lumipas ay wala akong naramdaman sa palad ko. Tiningnan ko iyong lalaking iyon ulit nang makitang nakatitig lang ito sa kamay ko. Pinandilataan ko siya sabay senyas na ibigay sakin iyong condom pero t*ng-ina ang hina niya makiramdam.
Sinubukan ko ulit sumenyass nang---
" Ahh! gusto mo ibigay ko sayo tong condom. So, tama nga ako e', deny ka pa"
Bwisetttttttt tong lalaking 'to ha. Di ba pwedeng hinaan lang niya iyong boses niya.
" O-oo akin 'to" utal kong sabi sabay kuha. Alam kong sa oras nato ay pulang-pula na ang mukha ko dahil sa hiya at inis.
Di ko nakayanan iyong talas ng mga matang nakatuon sakin kaya sa walang pagdadalawang-isip ay hinablot ko iyong mahabang bagay sa bag na kabibili ko lang sa palengke.
" Nursing student kasi ako at kailangan namin mag demonstrate kung paano gumamit ng condom sa isang subject namin...kaya iyong condom na ito ay for educational purpose only" Matapos kung masabi ang eksplenasyon ko ay malakas na tawanan ang sumulobong sakin.
" Anong nakakatawa?" takang tanong ko.
" Di mo kailangang magpaliwanag, Miss. Natawa lang kami sa ayos mo. Sa tingin ko ay mas mabuting ibalik mo na iyang hawak mong talong sa bag" pigil-ngiting sabi nung lalaki.
At dun ko napagtanto na nakataas pa pala ang aking isang kamay habang maiging nakahawak sa lintek na talong na 'to.
Iningiti ko na lang iyong hiya nang mapadapo ang aking mga mata sa polvoron na dala nung lalaki .
" Ayy nagtitinda ka pala Kuya? Pabili na lang po ng lima" pilit-ngiting sabi ko na parang walang nangyari sabay abot ng singkwenta pesos. " Keep the change na lang din" Di ko alam kung ano ang itatawag ko sa lalaking 'to kaya Kuya nalang kahit alam kong magkasing-edad lang kami. Sa katunayan niyan, paraan ko 'to para madaling maiba iyong usapan,dahil parang naubos na lahat ang kapal sa mukha ko sa nangyari. Hayysst! kahit papaano ay gumagana pa din pala utak ko.
Nakahinga ako ng maluwag habang hawak ang limang polvoron sa kamay ko nang makarating ako sa University.
Pero napansin kong bumaba din ang lalaking 'yon na siyang ipinagtaka ko.
" Excuse me kuya, dito ka ba magtitinda ng polvoron?" seryosong sambit ko. Masarap din kasi polvoron niya kaya naisipan kong bumili kung sakaling matiyempohan ko siyang nagtitinda.
" Nope, this is for my sister. Besides, I'm also a student here. I'm an aspiring doctor to be exact"
Holyyyyy boness!!! Nakakahiyaaaa!
Anong araw ba ngayon at sunod-sunod ang kahihiyan ko.
" S-sorry Kuya" halos masampal ko iyong bibig ko sa huling salitang sinabi ko.
" It's okay, by the way, nice choice of eggplant. Malaki saka mahaba din. Well, I guess you like strawberry?" ngiting sabi nito samantalang di ko alam kung ano ang isasagot. Then,it hits me,strawberry flavor pala ang condom na binili ko,lintekkk!.
" Honestly Miss, ako dapat ang humingi ng sorry dahil I really knew na sayo talaga ang condom na 'yon"
Anooo???
Mabilis kong itinaas ang kamao ko pero agad itong nakalayo. How dare him!
" Di ko akalain na sa ganitong paraan mo ko mapapansin Miss Zendaya Filomeno Torres. At last, you've noticed my existence"
Napatigil ako matapos kung marinig ang buong pangalan ko mula sa kanya. At takang napatitig na lamang sa ngiti niya habang kumakaway sakin palayo.
Who are you?