dear self, (I)

1 0 0
                                    

Dear self,

Nami-misunderstood ka na naman nila. Iniisip nila na ang ginawa mo ay mali. Kasalanan mo na naman. Iniisip mo na naman na lahat ng ginagawa mo ay mali.

Ayos lang 'yan....o baka hindi. Huwag mo na lamang dibdibin ang mga sinasabi nila. Isipin mo na lang na kaya siguro na sabi nila iyon ay baka talagang mali ang iyong nagawa. Take that as an opportunity to correct your mistakes nang hindi mo na muli magawa iyon sa hinaharap.

Hindi mo rin naman kailangang isipin na tama sila kung sa tingin mo naman ay hindi. Have it your way. Basta walang mawawala. Lagi mong tatandaan na tayo ang nagsusulat ng bawat linya, talata, at pahina ng ating nobela.

Masaya ako sa mga desisyong iyong nagawa. Ayos kung tama ang iyong ginawa, ayos lang din kung ito ay mali. Ang mahalaga ay may natutunan at nare-realize sa iyong mga ginagawa.

Hanggang sa muli...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

dear self,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon