Kabanata 28

501 22 0
                                    

“Hanggang kelan po ba kayo doon mom?” Tanong ko kay mommy. Pupunta daw kasi sila sa France para dalawin si Sienna. Bukas na ang flight nila ni tita Miles.

“1 week or 2 weeks. I’ll message you everyday, don’t worry my daughter,” sabi ni mommy sa akin. Tumango ako sa kaniya.

Magiging abala din ako since marami akong nakapilang mga project ngayon.

“Okay. Mag-ingat po kayo doon,” sabi ko. Lumapit sa akin si mommy at niyakap ako. Nagpapasalamat talaga ako at nalaman ko ang lahat. Naramdaman ko na ang pagmamahal ng isang ina at sobrang saya ko dahil naramdaman ko iyon nang hindi nahuhuli ang lahat. Kasi may mga ganun diba, ‘yung saka lang nila marerealized na mahal nila o gusto nilang makasama iyong tao na ‘yon kapag wala na sila kaya nagpapasalamat talaga ako na hindi pa huli ang lahat.

Galit pa din ako kay dad hanggang ngayon. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ba siya. Grabe ang pagmamahal na binigay sa kaniya ni mommy tapos ganun lang ang igaganti sa kaniya. Kung alam kung lang lahat iyon ay sana lumayo na kami ni mommy dito.  Sana ay hindi nangyari sa kaniya ang lahat ng iyon at sana ay hindi siya nasaktan ni daddy.

Matagal din akong nag-asam na maranasan ko ang pagmamahal ng isang magulang iyon mamahalin ka talaga nila dahil anak ka nila at galing ka sa kanila hindi ‘yung sasaktan ka at papagalitan kahit wala ka namang ginawang masama. Maghahanap talaga sila ng rason para lang mapagalitan ka at para masaktan ka. Ganun ang naramdaman ko dati dahil ganun ang pinaramdam nila sa akin.

“Why are you crying?” Tanong sa akin ni mommy. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Humigpit ang yakap ko kay mommy at mas lalong naiyak.

“Thank you mom, I love you,” sabi ko. Hinaplos ni mommy ang likod ko.

“I love you more anak,” saad ni mommy. Nang una kong narinig ‘yan kay mommy ay sobrang naiyak talaga ko dahil naramdaman ko ang pagmamahal niya nung sinabi niya ‘yon sa akin.

Kumalas kami sa yakap ni mommy at pinunasan niya ang luha ko pagkatapos ay ngumiti sa akin. Mahal na mahal ko talaga si mommy at sa ngayon ay masaya ako na nasa tabi ko pa din siya hanggang ngayon.

Tinulongan kong mag-ayos si mommy ng ilang mga damit na dadalhin niya sa France. Papasok ako mamaya para pumunta sa site, wala din naman kasi akong schedule ngayon dahil next week pa ako.

“Dress? Are you serious mom?” Tanong ko sa kaniya. Magdadala daw kasi siya nung sobrang nipis na dress at kulang na kulang sa tela. Malamig pa naman sa France.

“Hayaan mo na,” sabi ni mommy sa akin. Hindi na lang ako nagsalita at tinulongan ulit si mommy sa paghahanda ng mga dadalhin niya. Nang matapos kami ay dumating si tita Miles at nagpaalam din ako sa kanila na pupunta ako sa trabaho. Wala naman akong trabaho ngayon pero may kukunin ako sa office ko at dadaan din ako sa site.

Sa site muna ako unang pumunta bago sa office. Chineck ko lang kung maayos ba ang trabaho nila pagkatapos ay dumiritso din ako sa office ko. Nakita ko ang ilang Engineer at Architect na may pinag-usapan, tungkol ata sa isang project. Bumati ako sa kanila at ganun din naman sila sa akin. Kinuha ko ang sketchbook ko at ang naiwan kong isang cellphone. Hindi din siguro na napansin ni Zeeyah na naiwan ko ‘to kaya hindi na niya ako natext.

Mabilis lang naman ako sa office at lumabas din ako. Nang makasakay sa sasakyan ay hindi agad ako umalis. Kinuha ko muna ang cellphone ko para tingnan ‘yung message sa akin ni Venn. It was a picture of her with her tummy. Buntis na siya ngayon actually sila ni Naih. Buntis ulit si Naih sa kanilang pangalawang baby ni Zymon. I replied to her message at nisave ko din para masend kay Sienna. Hindi na din kami masyadong nakakapag-usap ni Sienna dahil sobrang abala niya doon. Hindi ko pa nga alam kung kelan ba siya uuwi. Hindi naman siya nagsasabi sa akin at kung may balak nga ba talaga siyanh umuwi dito sa pinas.

Someone Like Him (Salazar Series #4) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon