Groufie
Picture.
Minsan Selfie.
Madalas Groufie.~*~
Sa litratong kukuhanan mo sa bawat segundo ng buhay mo, dapat siguraduhin mong ang mga importanteng tao ang makakasama mo. Mga taong miminsang nagkaroon ng malaking puwang sa buhay mo. Mga taong nagiging dahilan ng kurba sa iyong mga labi. Mga taong nagbibigay inspirasyon sa'yo. Sila ang mga taong karapat-dapat sa mumunting flash ng camera, tumpak na effect sa camera 360 at retrica, at ang mga taong worth it upang mapuno ang gallery mo ng mga mukha nila.
Dumating sa parte ng buhay ko na pinahalagahan ko ang bawat litratong kukuhanan ko kasama ang mahahalagang tao sa buhay ko.
Sila ang mga kapatid ko, mga kapatid ko sa ibang nanay. Oo, tama kayo sila ang mga kaklase ko.
Noong una, hindi ko inakala na sobra akong mapapalapit sa kanila to the point na nahihirapan akong mag-let go. But every beginning has its own ending. Kailangan na lang sigurong tanggapin ang fact na hindi mo na kailangan pumasok sa school ng maaga para makita ang mga mukha nilang kung minsan ay nakakasawa na. Kailangan siguro na buksan mo naman ang bagong chapter sa buhay mo.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. We've been together for almost four years at ang apat na taon na 'yun ay tatapusin lamang ng isang araw. Dumating na ang araw ng aming graduation day. Isang araw marahil na matagal naming inantay pero isang araw na sana ay ayaw naming dumating. Pero kailangan, dapat.
Ang mga taong kasama ko sa litrato ay ang mga taong nagpatunay sa madalas sabihin ng nanay ko. "Anak, masaya ang high school. Sobra." Elementary pa lang ako sinasabi na sa akin iyan ni mama. Ang akala ko noon, sinasabi niya lang iyon kasi alam niya na hindi ako naging masaya sa buhay primarya ko. Maybe she's just motivating me, or she's just cheering me up. 'Yun ang akala ko nung una, hanggang sa napatunayan kong "tama nga si mama."
Habang tumatagal mas lalo ko silang minamahal. Habang humahaba ang oras na kasama ko sila, mas niyakap ko ang samahan naming parang wala lang nung una. Sa kanila ako nakatagpo ng mga tapat at totoong kaibigan. Mga kaibigang parang lata, maingay pero hindi plastik.
Bilang isang pamilya, marami na kaming naranasan. Naranasan na namin ang makasira ng gamit sa school, walang habas na pagsigaw ng mga teachers na kulang na lang eh lumabas ang ngala-ngala dahil sa amin, mga pagkukumpara sa amin sa ibang seksyon, mga "ayiiiiee" dahil sa kilig at asaran, mga tampuhang sobrang babaw, ma-guidance ng sama-sama, iyakan, tawanan, asaran at higit sa lahat walang humpay na pagmamahalan.
Hindi pa dumadaan ang bente kwatro oras pero sobrang miss ko na sila. Kaya ang aking nadarama ay idinaan ko na lamang sa isang katha.
Alam ko na lahat tayo ay may kanya-kanyang pangarap na sa buhay. We're all starting to find ourselves. 'Yung kung anong magiging tayo sa hinaharap. Magsikap tayong lahat at patuloy na mangarap. Ika nga, the show must go on.
Sa show na 'yun ikaw ang bida, kaya sana gawin mo ang best act mo. Ang ibang tao, anjan lang sila para suportahan ka pero ikaw mismo ang mamimili kung gusto mong mapabuti o mapasama.
Salamat sa mga groufie na napagsaluhan natin. Hindi lang ito mauuwi sa hanggang litrato na lang. Magsisilbi itong ala-ala sa bawat isa na miminsan sa buhay natin, tayo ay nagkakilala.
~*~
Hi Kapatids :) ! Wala eh, miss ko na talaga kayo