***
Wooo. Katamad dito sa school, first week kasi ng pasukan eh. Makatambay na nga lang.
To: Vinz
Miggy
Pre san kayo?
--
From: Miggy
Papunta kaming kanlu kasama ko vinz. Bilyar tayo.
--
To: Miggy
Ge kita tayo tapat ng school.
Ayy, di niyo pa pala ako kilala. Ako nga pala Carl Santos. 3rd year college.
[Bzzzzt]
~ Incoming call from miggy.
Ako: Oh, hello pre dito ko tapat school san na kayo?
Miggy: Dito na kami sa kanto ng kanlu tawid ka.
Ako: Ge kita ko na kayo.
Dito na kami sa bilyaran na pinaglalaruan ko dati.
Ako: Dito nalang pre. /Pagkasabi ko napatingin ako sa kaliwa ko may nakaupong babae. Naka earphone tas parang magisa lang siya.
Miggy: Ge pre ayos na dito. Pa-set mo na.
Ako: Kuya pa-set po.
Habang naglalaro ako di ko talaga maiwasan mapatingin dun sa babaeng maganda na nakaupo, walang kasama. Ng biglang may dumating na babae tropa ko dati, siya pala kasama niya. Nakita niya ko, sabay lumapit.
Camille: Carl, natambay ka pala dito?
Ako: Hindi ngayon lang. Ikaw tambay ka dito?
Camille: Oo napatambay lang. Sige puntahan ko lang kasama ko.
Pagtapos ko makipaglaro kay miggy binigay ko muna kay vinz yung taco. Tas lumapit ako kay Camille. Tas tumabi ako sakanya.
NADINE'S POV
Tangina, iniwan na naman ako magisa ni Camille dito. Kung san san nanaman pumunta. Ako lang magisa dito sa bilyaran. Pshhhh. Kung wala lang ako vacant di na ako tatambay dito eh >< Matawagan na nga.
Calling Camille.....
Ako: Hello, asan kana ba? Dalian mo ako lang magisa dto.
Camille: Pabalik nako jan bumili lang ako ng yosi.
Biglang may dumating na tatlong lalaki maglalaro ata, tae nakakahiya baka isipin nila forever alone ako. Huhu :( Yaan na nga. Maya maya dumating na si camille.
Ako: Tara na!
Camille: /Sumenyas na wait lang tapos lumapit dun sa tatlong lalaki, tropa niya yung nakapula. Tas nag usap sila.
Ako: Kaen na tayo maya maya ha.
Camille: Sige mag yosi lang ako.
Ako: Makapag soundtrip na nga lang.
Maya maya lumapit kay camille yung lalaking naka red. Tapos usap sila, di ko marinig kasi nga naka earphones ako.