“Amelia ang daming starfish rito!” Sigaw ni Lea na nasa mababaw na parte ng dagat, nag pupulot ng mga starfish, tumango lamang ako at hindi na nagsalita. Ngayon lang ba siya nakakita ng starfish rito? Sa tagal na namin nakatira malapit sa dagat ay laging may starfish sa harap ng mansyon.
I was startled nang marinig ko ang malalakas na sigaw ng mga tao, mga mag babakasyon ata, pinagmasdan ko ang mga suot nila, ang mga babae ay naka-two piece at ang mga lalake naman, topless, except doon sa isa na akala mo ay nasa maynila, naka-polo, pantalon, at shades pa. Ano bang style ‘yan? Nasa dagat naka-pantalon.
Pinulot ko ang starfish na nasa tabi ko, malaki at gumagalaw-galaw pa, naramdaman ko lang ito dahil wala akong short sa dahilan na naka-suot lamang ako ng one piece swimsuit. Nilaro ko ang starfish, nilapag ko ito sa buhangin at itinabi pa ang ibang starfish na nakuha ko.
Bigla naman akong nagulat nang may tumapak rito. Annoying naman. Tumingala ako para tignan kung sino ang tumapak sa starfish na nilalaro ko. Lalaki, matangkad, moreno, at mukhang suplado, inirapan ko na lamang siya at sinundan si Lea na nag lalangoy sa dagat.
“Gwapo mga bakasyonista ngayon, tignan mo oh, they're looking at you, mukhang type ka. ” Sabi ni Lea habang turo-turo ang mga lalaking nakatingin saamin. Umiling ako at hinila si Lea pa-ahon, agad akong tumakbo papunta sa may gate ng mansyon ngunit hindi ata ako marinig ng guard.
“Bahay niyo?”
Hinarap ko ang lalaking tumapak ng starfish na nilalaro ko kanina. “Yes, may problema ba?” Tanong ko naman. Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako na para bang tanga. Bastos ata ‘to eh! Ano ba itong mga bakasyonista na ito! They're so weird.
“Celeste Ameliana Hidalgo?" He asked. Tumango lang ako at kinatok muli ang guard house. Kuya ayoko na rito, i wanna ligo na. Buti nalang ay agad bumukas ang gate, nadinig na ata ako ng guard ngunit nandoon padin ang lalaking kumausap saakin kanina.
“I saw the tarpaulin ng resort na ito, kaya alam ko ang pangalan mo, I'm sorry kung natakot kita.” Sabi niya at naglakad papalayo, tarpaulin? What the hell!? Inilagay nanaman ba ni Papa ang tarpaulin na ginawa nila na may mukha ko? This is so embarrassing.
Agad akong nag tungo sa office ni Papa, he's signing the documents nanaman that Tita Betchay gave him, si Tita Bella, she's my step mother, well she's a good one, lahat ng pagkukulang ng totoong mom ko, nagawa niya.
“May problems ba, anak?” He asked. Pa-dabog akong umupo sa sofa ng office niya.
“Papa, ipinakabit niyo nanaman ba ang tarpaulin roon? Someone saw it, alam pa ang pangalan ko!” Inis kong sabi at nag halumpasay sa sofa. Papa laughed at me, ganoon din si Tita Bella. Jusko can someone remove that freaking tarpaulin sa labas?
“May mga bakasyonista rito, why don't you join them?” Sabi ni Papa. Join them? Really? Sasama ako sa mga taong hindi ko naman kilala? Mas mabuti pang grounded ako for one week kaysa naman sumama sa mga taong ‘yon.
“Move on na Celeste, that bakasyonista boy ghosted you, and i think it's time na humanap ulit.” Tita Bella said, tumabi siya saakin at uminom ng kape. Hindi eh hindi, naka-move on na ako, and siyempre someone ghosted me na, baka ma-ghost nanaman ako, hindi na ako uulit.
“And if that new bakasyonista guy ghosted me again? Ano na lang ang gagawin ko?” Tanong ko. Tita Bella hugged me as she kissed my forehead. “Paano kapag he really likes you? Paano kapag handa siyang makipag-ldr sa‘yo? Paano kapag umalis siya pero nag paalam siya sa‘yo? It's not bad to try again sweetie, kapag alam mong worth it na, doon ka sumugal.” She explained.
“Oh sige, go to your room muna, maligo ka and I'll cook fried chicken para ulam natin sa dinner, alam kong favorite mo ‘yon, go na anak.” Tita Bella added. Ngumiti lang ako at tumakbo palabas ng office ni Papa, agad naman akong pumasok sa elevator ng bahay namin para hindi ko na gagamitin ang hagdan.
After taking a bath, i opened my big pink curtains na naka-palibot sa kwarto ko, ang ilaw ko lamang rito ay isa lang dahil hindi ko na kailangan sa laki ng aking bintana, there, i saw that one bakasyonista boy, hindi ang lalaking tumapak ng starfish ko at sumunod saakin sa mansyon, kung hindi ang lalaking mukhang mas masungit pa.
Pinagmamasdan niya ang bahay namin while holding his drink, ngunit nag taka ako nang pinapasok siya ng guards, but why? sino ba iyon? bakit siya pinapasok sa gate namin?
Agad akong nag tungo sa baba, naabutan ko silang dalawa ni Papa na nag-uusap. Tita Bella looked at me at pinababa ako habang pabulong na nagsasabi ng 'be quiet' tumango lamang ako at tahimik na bumabana sa hagdan.
“Fuck!” Napa-sigaw ako nang madulas ako sa hagdan, buti nalang ay dalawang steps nalang nasa baba na ako kaya medyo naka-kapit pa ako. Dahan dahan akong tumingala and i saw my Papa and the bakasyonista boy na seryosong nakatingin saakin.
“I-I‘m sorry, hindi ko po sinasadya.” Pag hingi ko ng tawad sa nagawa kong gulo dahilan para maputol ang usapan nila.
“Caiden, this is my daughter, Ameliana.” Pagpapakilala ni Papa saakin, gwapo ‘to kaso hindi gentleman, hindi ako tinulungan kanina. Kainis! Nakakahiya kaya. “Amelia, ito ang anak ni Mayor Sebastian, my friend.”
Ngumiti lang ako, makikipag-shake hands sana ako sakaniya pero hindi niya man lang tinanggap. Ano ba ito! wala ba siya sa mood? Pangit ka-bonding ng mga bakasyonistang ito. Sa lahat ng nakilala kong bakasyonista siya lang ang masungit.
Nang yayain ni Tita makipag-usap sakaniya si Papa, naiwan kami ni Caiden na naka-upo sa living room, siya he's busy with his phone and ako, walang ginagawa dahil naka-charge ang phone. Maybe i'll just get my ipad upstairs para may ginagawa din ako or i'll just stay in my room hanggang sa umalis si Caiden.
I was about to go upstairs pero nagsalita si Caiden. “So after ng lahat you'll just ignore me? I ghosted you before pero may kailangan akong gawin sa Manila, ang tatay mo, may in-assign siya na project for me sa Manila, Wala akong choice, it's your dad.”
“I‘m kinda shocked na hindi mo man lang ako nilapitan, i really thought na kinalimutan mo na talaga ako, you even gave me your hand para makipag-shake hands, you don't even do that.” He added.
“Why are you explaining? Tapos na tayo, it's just a landian, hindi tayo nag commit.” Sagot ko naman. He chuckled.
“You committed...”
“committed what?”
“A crime.” Sagot niya.
Ano nanaman ba? A crime? Wala nga akong ginagawang masama, hindi pa nga ako nakakapasok sa police station, crime crime pa, what the hell is wrong with him? He's so bida bida.
“Pinatay mo puso ko.” Dagdag niya. Natawa ako sakaniya at nilapitan siya.
“Ako? Pinatay ang puso mo? Eh ako nga wala pang november one ghinost mo na.” I replied at saka siya iniwan mag isa sa living room.
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
