Pagkatapos ng araw na iyon, lumayo ako nang tuluyan sa kaniya. Kasi dapat ko gawin, hindi alam ni Papa at Tita Bella na si Caiden ang nang-ghost saakin dati, nang marinig nila ang balitang iyon, siyempre Papa was mad, nasaktan ako eh. At saka kasi, ang ingay ingay ng bunganga ni Lea.
“Leadelle pupunta na kayo sa dagat?” Tanong ni Tita Bella. “Yes po Senyora, hindi ko naman po pababayaan itong anak niyo hehe promise. ” Sagot ni Lea at hinila ako palabas ng pintuan, we're gonna swim nanaman ba? Nakakatamad maligo, bakit ko pa kailangan mag swimming lagi?
Agad akong hinila ni Lea sa tubig, sumisid siya para maghanap nanaman ng mga malalaking starfish na iuuwi nanaman niya sa bahay nila. Hay nako, hindi ba siya nanawa kakakuha ng starfish? Kahapon mahigit sampu na ang nakuha niya, at saka bakit niya pa kailangang sumisid eh mayroon namang mga starfish sa buhangin at bato-bato.
Kinuha ko ang isang malapad na bato at roon inilagay ang mga starfish na nakuha ko sa may hagdanan malapit sa dagat, doon ko tinatago ang mga starfish na nakukuha ko, hindi naman sila umaalis roon dahil natiye-tiyempuhan ko na bumabalik sila sa tubig, nasasanay. May tubig rin naman sa hagdanan na ‘yon, kaya doon ko sila nilalagay.
Ihinalera ko ang malalaking statfish na nakuha ko, ang iba ay ordinaryo lang na starfish na walang kulay, ang iba naman ay orange na starfish. Pinanood ko lang sila na gumagalaw, sinusubukang bumalik sa dagat ngunit binabalik ko din sila agad, dito sa dagat may mga alimango din naman, may mga shells din, tapos may time yung dagat kung kailan siya lalalim o hindi, may oras na hanggang tuhod lang, may oras na lampas sa bewang o leeg ng tao.
By the way mayroon akong palatandaan rito sa mga starfish ko, yung isa si Riri, yung si Sese, yung isa si Jiji, si Riri may circle na white na napapaligiran ng orange, si Sese orange lang talaga, while Jiji, white lang din. Kaya hindi sila mahirap hanapin dahil dito sa dagat, onti onti lang silang magkakapareho, tsaka nabalik rin naman sila tuwing gabi or umaga kaya hindi ako nahihirapan.
“Ameliana, starfish again? why don't you join them?” Si Papa nanaman ba? Agad akong tumayo at hinarap ang mga bakasyonistang kasama ni Caiden kahapon, at siyempre kasama din nila si Caiden na seyosong naka-tingin saakin. “Starfish? Pang seven years old lang ‘yan eh.” Sabi ng isang babae na mukhang mas bata saakin, ikinatawa naman ng lahat ang sinabi niya.
Nginitian ko siya. “Is that a cigarette? How old are you na ba?” I asked while pointing at the cigarette na hawak niya. “I-im sixteen.” She answered.
“Oh..a minor huh, when i was sixteen nasa journalism competitions ako, kaya i suggest, manguha ka na lang ng starfish sa dagat, mas maganda ‘yon, always drink water ha.” Sabi ko at pinakita sa’kanila ang mga napulot kong starfish. “Cute right?” I added saka tumawa.
Inilipat ko ang tingin ko kay Caiden na naka-ngisi, i raised a brow pero ngumiti lang siya saakin. Umiling ako at tumakbo papunta sa direksyon ni Lea na inis na inis na dahil tinatakbuhan siya ng mga starfish na nahuli niya.
“Kainis bakit ba lagi akong tinatakbuhan!?” Inis niyang sigaw. “Hoy Lili ha nadinig ko yon kanina, ganda mo sa part na yon.” Dagdag niya at nginitian ako.
Umiling lang at ibinalik sa dagat ang mga starfish na nakuha niya. “G-gago! Bakit? B-bakit..” Pa-iyak niyang sabi. Hinila ko siya sa may restaurant na malapit sa mansyon namin, hindi pa ako kumakain ng breakfast at siguradong ganoon din si Lea.
“Senyorita Ameliana! Buti bumalik ka na.” Sigaw ng kaibigan kong si Kiko, yayakapin sana niya ako nang mapansin niya na basa ako. “Sorry hindi muna kita yayakapin, bago damit ko gussi ‘to ano!”