His Infinite Love
Creshan x Xyroh
"Oh anak, handa ka na bang umalis?" Tanong ni mama.
Ngayong araw ang araw ng aming pagbabakasyon sa Cagayan o baka dun na kami mag stay for good. Marami pa akong hindi nalalaman tungkol sa kanilang dayalekto.
"Handa na ma pero wala akong gaanong nalalaman about their dialect." Sagot ko.
"Huwag kang mag-alala, matutuhan mo rin iyan nang paunti-unti." Tumango ako sa sagot niya.
Nag-umpisa kaming maglakad papuntang terminal ng mga bus, ito ang aming gagamitin papuntang Cagayan.
Nang maka-upo ay agad akong tumingin sa bintana. Ang lugar at bayan na kinalakihan at kinagisnan ko ay akin nang lilisanin.
"Matulog ka na muna, you need to gain more strength. Saka malay mo nandon forever mo, na fafa." Sabi niya kaya ginawa ko ang kaniyang nais. Ganiyan si mama.
Nagising ako sa isang tapik.
"Nandito na tayo anak, get your things na." Sabi ni mama kaya binuhat ko na ang mga bag na aming dala-dala.
Pagkababang-pagkababa ko ay makukulay na banderitas sa palengke ang sumalubong sa amin.
"Dumanun kayu tuy lalawigan mi Cagayan!" Salubong sa amin ng isang matandang babae.
"Maraming salamat Apo!" Masiglang sagot ni mama, nakaka-intindi pala siya.
"Ang laki mo na Gen!"
"Hindi naman po," Magkakilala pala sila.
"Tara na at kumain, may piyestahan ngayon." Sabi niya ng naka-ngiti, tumango si mama at hinila ako.
"Tara po!"
"Ma, anong sabi niya kanina?" tanong ko.
"Winelcome niya tayo." Oh, yun pala.
"Paano ma kung hindi ako matuto ng dayalekto nila?" Tanong ko.
"Okay lang naman, you don't need to force yourself. You can still communicate with them using Tagalog." Sagot niya kaya tumango ako.
Dumiretso kami sa kanilang bahay na katabing dagat. Ang ganda naman dito, napaka-presko at nakakawala ng stress.
"Ma, doon lang ako sa may tabing dagat." Paalam ko, tumango naman siya kaya lumabas na ako at dumiretso sa dalampasigan.
Naka-titig ako sa karagatan nang may tumabi sa akin.
"Hello, baru kayu lang dituy?" base sa kaniyang tono ay nagtatanong siya.
"H-huh?" Tannong ko dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya at gwapo rin siya.
Moreno, matangkad na payat, may matangos na ilong at mayroong matang kulay kayumanggi. Pamilyar ang kaniyang mga mata, may nakikita akong emosyon sa mga ito ngunit di ko mapangalanan. Kakaiba rin ang tibok ng aking puso.
"Oh sorry my bad, hindi ka nakaka-intindi ng Ilocano?" tanong niya.
"Uh hindi eh." Sagot ko.
"Gusto mo bang turuan kita?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.
"T-talaga?"
"Oo naman, kung gusto mo, don tayo sa bahay. Ayon oh," Turo niya sa bahay ni lola Apo.
"Kaano-ano mo si lola Apo?" Tanong ko.
"Kilala mo si lola?" Takang tanong niya.
"Siya yung sumalubong sa'min kanina."
"Oh! Kayo pala yung panauhin namin! Ako nga pala si Xyroh, apo niya ako." Pakilala niya bago naglahad ng kamay. Hindi naman siya mukhang masamang tao, sa gwapo ba naman niya eh. Tinanggap ko ang kaniyang kamay.
"Creshan but you can call me Shanny or Cres." Sagot ko.
"Ganda ng pangalan." Papuri niya kaya ngumiti ako bago muling tumingin sa dagat. Unti-unting bumababa ang araw, the sunset is happening.
"Alam mo bang pangarap ko ang manood ng sunset na kasama ang taong mahal ko?" Biglaang tanong niya. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng sakit sa puso. May minamahal na siya?
"Hmm, sweet." Tanging sagot ko habang hindi inaalis ang tingin sa araw na unti-unti nang nilalamon ng karagatan.
"At nangyayari ang pangarap ko ngayon." Naguluhan ako sa sinabi niya.
"Huh?"
"Chrisanta..."
"C-chrisanta? Hindi ako si Chrisanta, nagkakamali ka." Sagot ko.
"Kay tagal kitang hinintay mahal ko..." Bigla niya akong niyakap, I stand stunned.
"S-si Creshan ako..."
Si Creshan nga ba ako?
"Nandito na ako, hindi ko na hahayaang mawala ka ulit." Hindi ko alam ngunit yumakap ako pabalik. The warmth of his hug is so familiar. I feel so safe.
In a second, one memory filled my mind.
"Habulin mo ako! " Sigaw ni—Xyroh?
"Constantine naman eh! Ang daya-daya mo!" Kusang lumabas sa bibig ko. Napa-tingin ako sa kaniya nang lumakad siya patungo sa akin. H-hindi...
"Halika't malapit ng lumubog ang araw. " Yaya niya, may sariling buhay ang katawan ko at napasunod niya ito.
"Ano na kayang mangyayari sa atin paglipas ng maraming taon?" kusang lumabas sa bibig ko.
"May anak na tayo non." Natatawa niyang sagot.
"Napaka-pilyo mo talaga!"
"Pero tayo pa rin sa huli...pipilitin natin. Kahit panahon at layo man ang kakalabanin natin."
"Hahanapin mo ako ah? Hanapin mo akong muli." Muli?
"Hahanapin at hahanapin kita mahal ko anuman ang mangyari. Kahit mahirap hindi kita bibitawan, hinding-hindi... " Gumalaw ang kamay ko at may kinuha sa isang bayong, a diary? Bakit nandito 'to?
"Talaarawan?" tanong niya.
"Oo, dito ko isinusulat lahat ng magagandang nangyari sa akin simula nung una... at kasama ka na roon." Naka-ngiti kong sagot.
"Ich liebe dich..." Malambot niyang sambit.
"Mahal din kita..." Ngumiti siya bago ako halikan. Humiga siya sa'king hita at pumikit. Ako naman ay isinulat ang nangyari ngayong araw.
I am cursed. I will not be able to be with him.
"Ikaw at ang pamilya mo ay hindi kailanman makakapiling ang taong minamahal niyo!"
"Tigilan mo ang kalokohang ito Mercedes! Hindi mapapasaiyo ang aking asawa!" Sigaw ni Ina.
"Tignan na lang natin." Ngisi niya. Natigilan kami nang bigla siyang napa-luhod at nangisay bago mamatay.
She can't accept the fact that my father chose us than her. She cursed our family, she's a witch.
"Naaalala mo na ba?"
"M-mahal ko...Nahanap mo ulit ako." Lumuluha kong sambit.
"Diba sabi ko sa'yo, hahanapin at hahanapin kita maging panahon man o layo ang kalaban?"
"Constantine ko..." I held his face. Walang nagbago sa kaniyang wangis.
"Nagkita tayong muli, nahanap kita sa ikatlong pagkakataon. Hinding-hindi ka na mawawala sa'kin, hindi na ako papayag." he said.
I cried and hug him tight.
"Mahal kita, mahal na mahal."
"Mas lalo ako. Let's start anew," may sumagi sa isip ko.
"H-how about the curse?" I asked.
"You broke the cursed." Naka-ngiti niyang sagot.
"H-how?"
"The moment you became Creshan. Creshan was a miracle child." Napa-tango ako sa sagot niya.
"Let's build our family and this time, no one will left."
————————————————————————————————————
Enjoy reading</3
YOU ARE READING
His Infinite Love | ONE SHOT
Short StoryAll rights reserved 2021 One of my shortest one shot.