***
"Noblegre Academy" isang prestigious school sa buong Japan. Halata naman sa pangalan, mga mayayaman at mayroong kakayahan ang makakapag-aral rito.
Kung tatanungin mo ako kung paano ako nakapasok, 'connection' ang una kong mababanggit.
Habang iniihip ang simoy ng hangin, napansin ko ang mga nahuhulog na cherry blossom petals mula sa mga puno. Mukang nasa full bloom ang mga ito, magandang pawelcome sa akin.
Sa madaling salita, maganda araw ko ngayon.
Hmm hmm hmm~
Pagdating ko sa gitna ng eskwelahan, sinalubong ako ng malaking fountain na may malaking simbolo ng paaralan 'NOBLEGRE ACADEMY" in fancy letters. Napapalibutan ng mga bulaklak at ng mga ibon sa paligid nito.
Pagpasok ko sa academia, sumalubong sa akin ang isang malaking hall, at isang malaking chandelier sa taas nito. May manong guard syempre, binati ko si manong guard na palaging nakangiti.
Nasa 1st floor palang ako, marami kasing palapag ang academia, may apat na palapag at tatlong 'main buildings'. Isa para sa Middle School, isa para sa Club Dormitories at isa para sa Highschool. Nandito ako ngayon sa gitna, sa Highschool Building. Iyon ang nakalagay sa guide.
Malaki at maganda ang Highschool Building, may elevator pa na kasama pero para lang daw ito sa mga teachers and elders sabi ni manong guard. Adbokasiya raw kasi na maghagdan ang mga estudyante para nadin sa exercise at kaayusan.
Nasa unang palapag ang teacher's office kaya dumeretso na ako roon.
Teacher's Office, Teacher's Office...
Tinitignan ko ang mga Door Tags ng bawat room, sabi dito sa mapa nasa may bandang gitna ang faculty office...
Eto na.
Napatigil ako sa panlimang pinto, ang teacher's office. I unconciously gulped my throat, nakakakaba.
*Knock knock knock*. Sumakop ang katok sa mga pintuan ang buong paligid.
Binuksan ko ang pinto at nagbigay-galang sa mga professors and staffs. "Good Morning po, is Mam Kattie here?." Magalang kong tinanong.
"So there you are, come here." Sambit ng isang teacher. Woah ang ganda niya, maganda, pang-model ang katawan at pormahan. Siya kaya si Mam Kattie?
"Your Name is Yukia Ysabelle de Nobre right?"
"Yes po."
"Well alam mo naman siguro na fair ang academy na ito isn't it?" tanong sa akin ni Mam Kattie.
"Yes, I'ved heard of it... so kayo po ba ang homeroom teacher ko?"
"That's the point, as you can see, hindi pilian ang pagdidivide ng mga section dito sa paaralan na ito. Malalaman mo ang section mo sa pamamagitan ng lottery." Sabay ngiti sa akin ni Ma'am.
Wait, wala ito sa guide.
"You'ved heard it right, now this is your student id." Iniabot sa akin ang ID ko, wala pang mukha. May pangalan na at kung ako ang tatanungin mo, mukha siyang cellphone.
"If you swiped that to the right, you will see the rules of the school and if you swiped it on the left, you will know your further information. If you touched the home button, you will see the logo of our school. Don't lose it." Ang school pala sa Tokyo ay ganito na kahigh-tech.
"Enough of amusement, pick a code here and scan it to that machine over there using your ID, and you will know your section. Goodluck!"
Nagthumbs-up sa akin si Mam Kattie.
Ibinungad sa akin ni teacher ang lottery machine, may mga bola sa loob, kapag inikot mo ang handle na parang ferris wheel, maghahalo-halo ang mga bilog at mahuhulog ito sa may butas.
Maraming nakatingin na mga teacher sa paligid ko, mukhang curious sila kung saan ako mapupunta.
Hinawakan ko ang handle at inikot ito ng dahan-dahan hanggang sa pinakamabilis. Hindi ko alam kung paano ako titigil kaya gumawa nalang ako ng palatandaan.
Twinkle, twinkle little star~ kinakanta ko sa loob-loob ko.
May apat na section daw ang Class-1; A, B, C at D. Walang first section dahil lahat sila ay nagbunutan din.
How I wonder what you are.
Pagkatigil ko ay may lumabas na maliit na bola mula sa butas ng lottery machine. Magkakamukha lahat ng kulay, malalaman mo kung ano ang laman kapag iscan mo ang code sa may ID machine.
Hawak ko ang bola pati ang ID ko, sinamahan ako ni Ma'am doon sa may Machine.
"By the way, I am the homeroom teacher for Class-1 A."
Eh?
Bago ako makareact pa, nascan na ang ID ko at ang bola na nakuha ko.
Scanning...
Ambilis ng tibok ng puso ko.CONGRATULATIONS! YOU ARE NOW on the CLASS -1 C!
Nakita ko sa monitor ang class ko, Class-1 C...
Medyo disappointed ako, akala ko magiging adviser ko na si Mam Kattie...
Tumingin ako kay mam, nagpapaawa ako sa kaniya. Nakita kong ngumiti si mam.
"Joke lang! sa Class-1 C ako nakaassign! Let's get along together!"
Binabawi kona ang mga sinabi ko.

YOU ARE READING
She Met Him In Disguise
Teen FictionI'll go Disguise. *** Yukia Ysabelle de Nobre stagename "ALICE". Kilala sa pagiging idol/model/pretty, sikat na sikat si ALICE dati. Subalit nagkaroon ng aksidente na nagtulak sa kaniyang paghiatus, paglipat ng tirahan at n...