Simula

71 1 0
                                    


Nagkukumahog si Paula sa paglalakad patungo sa labasan dahil na late sya ng gising. Bwisit talaga! Tinapos nya kasi ang project nya kagabi dahil nakalimutan nya ito. Pagkarating nya sa labasan ay mas lalo syang nairita.

Bakit walang dumadaang tricycle?

Puro mga pribadong mga sasakyan ang nadaan dito o mas sabihing walang talagang dumadaan dito . Madalang ang mga bumabyaheng tricycle sa lugar nila tuwing ganitong oras dahil wala iyon sa main road. Bwisit.

Maglalakad na sana ulit sya papunta sa terminal nang may matanaw syang parating na tricycle. Halos magdiwang sya sa saya na agad rin nawala dahil natanaw nyang wala itong number sa harapan at ang ibig sabihin lang noon ay pang private use lang iyon.

Nagpapadyak syang naglakad muli dahil late na talaga sya. Malalaki ang hakbang nya, nahihirapan din sya dahil may dala syang one whole illustration broad, yung ptoject na ginawa nya kagabi.

"Neng, late ka na."

Napatingin sya sa nagsalita si Manong na driver nung nakita nyang tricycle.

"Oo nga po."

"Sakay ka na, Neng. Hahatid na kita."

Nagliwanag ang mukha nya at nag madaling sumakay. Hush, buti na lang. Mabilis na pinaandar ng driver ang tricycle, at nakahinga sya ng ayos. Hindi naman sya nababahala kahit hindi nya kilala yung driver dahil palagi nya itong nakikita sa labas ng school nila. May service kasi itong mga kaschoolmate nya.

Katamtamang bilis lang ang takbo ng tricycle, at alam nya namang hindi sya gaanong malilate kaso late parin sya dahil twelve o' one na shette! Alas dose ang pasok nya! At mas lalong nakairita sa kanya ang isiping first cut nya to! Sa ilang taon nya highschool student ay ngayon palang ang first cut nya. At inis na inis syang isiping na dahil hindi sya na gising nang maaga ay masisira ang record nya!

Nakahinga sya ng malalim nang makarating sa harap school. Marami pa namang mga estudyanteng nagkalat dahil hindi pa umpisa ng klase nila. Nasa pilot section sya at maaga ang pasok nya ngayon dahil may special subject ang mga pilot section.

Pagkababa ng tricycle ay nag-abot sya nang ten pesos upang bayad ngunit hindi iyon tinanggap ni Kuyang driver.

"Huwag na iha, sige late na late kana." Ngiting ngiti naman itong tinago ang barya.

"Salamat po!" At nagmadali syang maglakad papasok ng gate at sya na mismo ang nagpakita ng ID nya sa guard. Didiretso ka kasi sa guidance office para kumuha ng temporary ID if wala kang ID. Nasa private school sya kaya medyo mahigpit, lalo na sa academics. Syempre hindi naman talaga mawawala yon.

Paula San Juan

"Sheet! sheet! sheet!!" Mangiyak-ngiyak kong anas habang nakatingin sa gamit ko sa sahig. Wahh!! Yung project ko!

"Hala, sorry!" sabi noong lalaking nakabungguan ko at nadamay pa pati yung project kong hawak. Take note naapakan nya pa!!

"Ano ba naman yan? Ang malas ko ngayon aishh!" Inis kong sabi at sinipat-sipat ko kung ano yung nasira. Shemss! Maayos ko pa naman to mamaya diba? Bwisit, ang malas talaga!

Aalis na sana ako at wala nang oras para pansinin ko pa sya dahil baka mainis ako lalo at mas lalo akong malate.

"Hoy, sandale." Biglang sabi niya pa kaya napahinto ako.

"Ano?"

"Ahh.. pwede ko naman ayusin yan."

"Paano? Alam mo ba 'to?" Right, paano nya maaayos baka hindi nya naman alam kung paano.

DANCE WITH YOU | High School Series 1Where stories live. Discover now