His Bestfriend (Suho Fanfiction)

1.2K 17 2
                                    

Mabilis na tinatakbo ko ang daan papuntang school. I'm not late, I'm just worried. Pumunta ko sa bahay ni bestfriend kanina para sunduin siya pero hindi siya lumabas. Magtetext naman yun kung may sakit siya o hindi makakapasok eh.

Baka naman nauna na syang pumasok? Pero kabilinbilinan ko sa kanya, wag siyang papasok ng hindi ako kasabay. Lagi naman kaming sabay na pumasok eh.

Agad akong lumiko sa hallway ng school. Hinihingal na huminto ako bago humawak muna sa gilid ng pintuan ng classroom. Tumingin ako sa loob, Pumasok na nga talaga siya.

Ngayon pa lang nangyayari to kaya nakakapagtaka, hindi kasi siya umaalis ng bahay hangga't hindi ako dumadating para sunduin siya. Kausap ngayon ni Allison yung malapit niyang kaibigang babae. Sana man lang tinext niya kong nauna na siyang pumasok!

Naiinis na nilapitan ko siya. Naalis ang tingin niya sa kausap na babae at napatingin sakin.

"Oh, Ridge." nawala yung ngiti niya nang mapansing nakasimangot ako, "Ba't parang galit ka?"

"Ba't umalis ka ng wala ko?" hindi ko pinansin yung tanong niya sa inis.

"E-eh kasi may sumundo na sakin eh." napapayukong sabi niya.  

Hindi na ko nakasagot nang pumasok na si Ma'am ng classroom. Tiningnan ko siya ng masama bago umupo nang mapansing kong ikinapanatag ng loob niya ang pagpasok ni Ma'am dahil nagbuga siya ng hangin. Ipinagpapasalamat niya bang hindi niya ko nasagot? Pag ako talaga napikon, hahalikan ko na sya eh.

Nang matapos yung klase namin, agad na tumayo si Allie sa kinauupuan niya. Natigilan ako nang makitang nakangiti nyang sinalubong yung lalaking nag-aabang sa may pintuan.

Nakatitig lang ako sa kanila habang pareho silang nakangiting nag-uusap nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.

"Ui, Ridge." pansin ko sa boses niya na parang nagtataka siya, "Ba't parang ang sama ng tingin mo dun?"

Napatingin ako sa kanya nang tingnan niya yung tinitingnan ko kanina.

Tumawa si Matthew bago binalik ang tingin sakin.

"Yan kasi tol, kupad mo eh. Naunahan ka na tuloy." naiiling na sabi niya.

Eh kung bangasan ko kaya ang mukha nito?

Hindi ko na lang siya pinansin. Naiinis na tumayo ako at linagpasan si Allison pati na yung kausap niyang lalaki sa labas ng pinto. Napapamura ako habang naglalakad sa hallway.

Parang ang sarap tuloy mag-cutting. Sino ba kasi yung sira ulong lalaking yun? Nakakabw!set. 

Sirang-sira na ang araw ko. Sinipa ko ng malakas yung malaking basurahan sa gilid ng hallway.

Desidido na kong mag-cutting nang makarinig ako ng sigaw.

"OY! RIDGE!"

His Bestfriend (Suho fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon